Chapter Four

6 4 0
                                    

Chapter Four

Nandito na kami sa loob ng kotse nya. Walang nagsasalita. Nasa likod ako ng kotse nakaupo habang sya ay nasa driver's seat. Wala pala syang driver ngayon.

"Address?" He suddenly asked.

"What?"

"I mean, saan ka nakatira?" Ayyyt. Ginawa pa akong hindi nakakaintindi ng english no? Tsk! I just want to make it clear. Akala ko kasi ano na.

"Crystal's village. Dire-deretso lang and you can see the only yellow house." Sagot ko.

"Okay. " hinintay ko ang pag-start ng kotse nya pero wala. Tumingin ako sa kanya ng nagtataka.

"Why?" I asked.

"Don't sit there. Here." Tinuro nya ang passenger seat.

"Why should I?" I asked confusingly.

"Sit here." Sabi nya ulit. This time, ti-nap nya na ang upuan sa tabi nya.

"I think it's more comfortable if i sit here instead to that place." Sabi ko. Totoo naman. Matapos ng lahat ng nangyari kanina? Tatabi pa ako sa kanya? Wag na. Nakakahiya.

"Sit here or i'll kiss you!" He hissed. No way!

"Anong gusto mong sabihin? Na, easy-to-get ako? Hah! Easy-to-get your face! You assh*le! Tsk!" I hissed too.

Lumapit sya sa akin. Magkalapit na agad ang mga mukha namin. "Bakit? Hindi ba?" Tanong nya ng nakakaloko at tumingin pababa sa lips ko! Ooopppss!  I stunned. Dont do that again!

Hindi ako makasagot. Masyadong mainit ha? Anyare? Air-conditioned naman ang kotse nya. "Ahhhhh........ Ehhhhh.......". Wala akong masagot. Totoo naman ang sinabi nya diba? Pero baka isipin pa nito easy-to-get nga ako. No way again! "Hi-hindi!". Nauutal kong sigaw sa kanya. Hay! Why I am acting like this?

"Talaga?" Mas lalo pa nyang nilapit ang mukha nya. Oh my!

"No!" Sabi ko ng nakatitig ng seryoso sa mga mata nya. Pero deep inside, natatakot na akong baka maulit iyon. Hindi ko na lang pinahalata ang takot sa boses ko.

"Talagang-talaga?" Tanong nya ulit at mas lalong lumapit sa akin.

Hindi na ako mapakali. What I am going to do now? Ano na bang gagawin ko? Lord, help me again! "Yup!" I said.

"Ows? Di nga? Kung gawin ko kaya ito ulit?" Lumapit pa sya. One inch left. Tumingin sya sa mga mata ko at ngumiti pa ng mas nakakaloko. Malapit na. Pumikit ako. Hinihintay lumapat ang mga labi nya sa akin.

"Tok! Tok!"

Napadilat ako at itinulak ko sya palayo sa akin ng may narinig akong katok sa bintana ng kotse nya 

"May tao pa ba dyan?" Tanong ng isa sa mga guard namin dito sa school.

Binuksan ni Daniell ang bintana. "Yup Sir. Actually, papaandarin ko na nga po sana ang kotse ng bigla kayong kumatok." Palusot niya.

"Hmm., sorry sir. Gabi na po kasi. Magsasara na sana kami eh" Okay... pinabayaan ko na lamang silang mag-usap tutal hindi naman ako nakita ni Manong Guard instead,  kinalikot ko na lamang ang aking cellphone.

"Its okay sir. But by the way, i have to go na po. Sorry din po. May ginawa lang akong search sa library for my project."

"Ah sige po." Tila nahihiya na sambit ni kuya guard bago tuluyang umalis. Himdi nya ako napansin.

Because Of HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon