Chapter Five

3 3 0
                                    

Chapter Five

Nasa loob na ako ng kotse nya. Hay. Nabusog ako dun ha. Tinignan ko sya ulit ng masama ng tuluyan na syang makapasok at maka-upo sa driver's seat habang ako naman ay sa tabi nya lang na nakaupo sa passenger seat. "Ano nanaman?" Nakakunot-noo nyang tanong sa akin.

"Baby ka dyan!" Sabi ko.

"Gusto mo naman?"

"What?! N---" di ko na natuloy ang sasabihin ko ng magsalita sya ulit.

"Sige from now on, tatawagin na kitang baby kahit nasaan man tayo. Kahit sa school, sa bahay mo, sa mga restaurant, o kahit saang public places." Woah! That's fun! *note the sarcasm* I dont think so!

"Subukan mo lang at ng hindi ka...." makakasal sa akin ng wala sa oras kapag collage na tayo. Gusto kong sabihin yan sa kanya ngunit hindi pwede. Baka mamaya, wowanizer pala itong lalaking ito! At lokohin lang ako.

"Hindi ako ma-ano? Kapag ginawa ko yun bukas, anong pwede mong gawin sa akin?" Mapang-asar nyang tanong habang nakangiti rin ng nakaka-asar. Asar naman oh!

"Wala. Paandarin mo na nga yung kotse. Hinahanap na nyan ako ni Mama." kinakabahan ako ng sabihin ko yun pero hindi ko pinahalata sa boses ko.

"Yes, BABE! Mwahh!" Napalingon ako sa kanya ng sabihin nya ang endearment na yun. Tinignan ko sya at pinandilatan ng mga mata.

"Isa pa talagang tawag mo sa aki---"

"I love you BABE!" I stunned. Nakakainis na sya! Ahhh! Ano pa kayang mangyayari sa amin sa mga susunod na araw?

"I hate you!"

"I love you too."

"I hate you!!!!!!"

"I love you tooooooooo!"

"I hate you nga eh!!!!!"

"I love you too nga eh!!!!!"

"I hate hate hate you you you! Bwisit! Bahala ka mag-isa mo dyan magsalita." Nakakainis na talaga sya. Akala nya ba mapapaikot nya ako sa mga salita nyang mga yun? Never! Asa sya! As if! Tsk!

Tumawa lang sya sa naging reaksyon ko. At binuksan ang radio ng kotse nya. Tumugtog doon ang isa sa paborito kong mga kanta.

(Now playing: Biyahe by Josh Santana )

Alam mo ang ganda mo pala....

Pag tumawa ang i'yong mata..

Hinahabol ko, bawat mong tingin...

Ngunit ito'y hindi mo napapansin.....

Ang ganda talaga ng kantang yan. Ewan ko pero napapakalma ako kapag pinapakinggan ko yang kanta na yan. Nagulat ako ng sabay kaming sumabay sa kanta nung chorus na. Nagkatinginan kami at ngumiti. I blushed. Kaya umiwas ako ng tingin at binuksan ang bintana sa tabi ko at pinagmasdan ang tanawin na nadadaanan namin habang kumakanta parin.

Ang buhay ay sinasakyan lang yan....

Di ko alam ang tungo kung saan....

Pag sumama ka sa aking biyahe....

Iaalay ko ang puso ko.....

Natapos na ang kanta. At sakto rin na nasa tapat na kami ng bahay ko kaya nagpaalam na ako sa kanya. "Bye!" Sabi ko sa kanya. Tatanggalin ko na sana ang pagkaka-sit bealt ko ng hawakan nya yung kamay ko. Napatingin ako sa kanya.

"Wait." Hinintay kong magsalita ulit sya. "Thankyou pala sa gabing ito. Nag-enjoy ako kahit papaano." Nakangiti nyang sabi. I just smiled at him and nodded. Akmang tatanggalin ko na ang sit bealt ng hawakan nya na naman ang kamay ko. "Ako na." Sabi nya. Pinabayaan ko na lang sya na ialis ang pagkaka-sit bealt sa akin. Habang tinatanggal nya ay malapit ang kanyang mukha sa akin kaya naging unconscious ako bigla at napatitig sa gwapo nyang mukha. "Ayan okay na." Nabalik ako sa aking ulirat ng magsalita sya.

Hinawakan ko yung pinto ng kotse nya pero napahinto ako ng hawakan nya ulit ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya ng nagtataka. "Ako na magbubukas. Sandali lang" pinanood ko syang lumabas sa kotse at umikot papunta sa pintuan dito sa tabi ko. Parang naging slow motion ang paligid habang hakbang nya. Anyare? Shocks!! Ito ba yung sinasabi nila?----- no! Hindi to! Imposible! "Hmm. Hannah? Are you okay?" Nagulat ako ng mapagtantong nakabukas na pala ang pinto sa tabi ko at nakalapit agad sa akin ang mukha ni Daniell.

"A-ahh? y-yeah... I--im o-kay." Sabi ko at lumayo ng onti sa kanya. Hindi pwede to. Kailangan ko ng pigilan hanggat maaari tong nararamdaman ko sa kanya. "Sige una na ako. Bye." Sabi ko habang nakatalikod at nagwave sa kanya ng ganun ang posisyon. Pero napahinto ako ng hinila nya yung kamay ko at ikinabig ako sa mga bisig nya. Nanlaki ang mga mata ko.

"Sige. Ingat ka ha? Bye" he said and give me a peck on my cheek. Napahawak ako dito at wala sa sariling tinitigan ang umaandar paalis ang sasakyan nya.

-----

*AUTHOR'S KAEK-EKAN*

PLEASE

VOTE

COMMENT

AND

SHARE.

BE A FAN.

.

Because Of HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon