Chapter Six

12 3 0
                                    

Chapter Six

Pumasok na ako sa bahay namin nang wala sa sarili at nakahawak parin sa pisngi ko. Nagtataka akong napatingin sa mga katulong namin dahil lahat sila na kaninang dinaanan ko ay napapatingin sa akin at bigla-biglang nagbubulungan. Anyare na? Hayystt. Matanong na nga lang.

"Bakit po ba kayo nagtatakang tumitingin sa akin kanina pa habang nadadaanan ko kayo?" Nagtatakang tanong ko. Naghihintay ako na may kung sinuman ang sasagot sa tanong ko pero sabay-sabay silang umiling. Huh? Bakit ang weird ng mga kasambahay namin ngayon? "Bakit nga po ba? Promise po, hindi ako magagalit." Sabi ko sa kanila at umaktong nag-papanatang-makabayan post. Sanay na rin sila na kausapin ko sila na may kasama ng po at opo. Palagi nga nila akong pinagsasabihan na wag ko na silang ipag-po pero at ako daw ang dapat ipaggalang pero sabi ko lang, "MY PLEASURE" nagsawa na rin sila kakasabi sa akin nun kaya pinapabayaan na nila ako. Atsaka sinabi ko na rin sa kanila na wag na akong tawaging ma'am. Pumayag naman sila kasi alam naman nila na magtatalo lang kami sa huli kaya ako din ang masusunod.

May isang sumagot sa tanong ko. Si K. Bee. Madaldal kasi sya kaya yan ang itinatawag ko sa kanya. "Eh kasi ate Hannah namumula yung pisngi mo at nakahawak ka pa dyan habang naglalakad ng wala sa sarili mo pagkapasok na pagkapasok mo pa lang sa gate." Mas bata pa sya sa akin ng isang taon kaya ate ang tawag nya sa akin. Hindi sya nakapag-aral at nakita ko lang sya sa kalye, sabi nya, dun na daw sya lumaki simula bata pa lang. Kaya sinuggest ko na kung pwede ay magtrabaho na lang sy sa amin at kapag may naipon na sya, pwede na syang makapag-aral at pwede nya na ring lisanin ang bahay namin kung gusto nya pero sinabi nya na wala naman daw syang iba pang kamag-anak na kakilala nya kaya dito na lang daw sya sa amin kung pwede dahil napamahal na raw sya sa bahay nato. Kaya pinabayaan na lang namin sya dito at naging close sa isa't isa. So, yun pala ang dahilan kung bakit kanina pa nila ako tinitignan. Pinakiramdaman ko ang kamay ko at napagtantong nakahawak parin ito sa mukha ko kaya dali-dali kong tinanggal ito.

"Ah yun lang ba? Masakit kasi yung ngipin ko kanina pa. Atsaka, rossy cheek talaga ako K. Bee noh. Kasi maganda ako. CHAROT!. Hahahha." Palusot ko. Ahhaha. Ang lame naman ng palusot ko. Pero pwede na yan. Sana maniwala sila.

Nagsalita yung isa sa mga kasambahay namin na si Manang Jo. "Ahh. Ganun ba? Sige dadalhin ko na lang mamaya sa kwarto mo yung gamot sa sakit sa ngipin para hindi na mamaga." Nabigla ako sa sinabi nya kaya mabilis ko itong tinutulan.

"A-ahh Ma-manang, hindi na po! I- i can handle naman na po ito. Siguro po konting pahinga lang mawawala na to. Thankyou na lang po pero wag nyo na akong bigyan pa ng gamot." Nakangiti kong sabi kaya tumango na lang sya at ngumiti. "Sige po. Pahinga lang ako. Nag-dinner na rin po ako kanina kaya wag nyo na po ako tawagin mamaya sa pagkain. Pakisabi na lang po kay Mama  na masakit yung ngipin ko kaya nagpapahinga na ako. Wag nyo na lang po akong istorbuhin mamaya ha? Kasi po i need a looooooonnngg rest kasi pagod na pagod po ako kanina sa first day of school. Sige po. Una na ako. Bye. Goooooooddnight!" Sabi ko sa kanila at tumakbo paakyat ng staircase para hindi na sila magtanong pa.

---

Nakapagbihis na ako ng pampatulog na damit at nagtoothbrush na rin ako. Kasaluluyan akong nakahiga sa kama ko pero hindi ko magawang antukin. Kanina pa ako palipat-lipat ng pwesto dahil kada posisyon ay hindi ako komportable. Ngayon ko lang to naranasan. Ang hindi makatulog. Nakatulala lang ako sa ceiling ng kwarto ko at pilit na inaalis sa isip ko ang mga nangyari saamin kanina ni Daniell ngunit paulit-ulit na nagfla-flash sa utak ko ang mga pangyayaring iyon. 12:15 na pero hindi parin ako makatulog.

Kinuha ko sa side table ko yung phone ko at sinilip ang facebook ko. Yan nanaman, marami nanamang nagrequest sa akin para maging friend ko at dahil yun ngayung pasukan. Pero someone caught my attention. Nagrequest si Daniell na maging friend ko pero hindi ko muna kinonfirm. Inistalk ko muna ang wall nya at nakita yung mga naggwa-gwapuhan nyang litrato. Namula bigla ang mukha ko. Bago ko tuluyang i-news feed ang fb ko, kinonfirm ko muna sya pati lahat ng nagpapa-add sa akin. Dalawa kasi ang account ko. Isang private, isang hindi. Hindi private tong fb na ginagamit ko ngayon kaya sige lang ng sige magpaadd. Tumunog ang cellphone ko dahil sa notification sa fb. Tinignan ko yun at ang nakasulat doon ay ang nagpamula ulit sa mukha ko. Ito lang naman ang nakalagay:

You have a 1 message from Daniell Jin. Touch to find out.

Pinidot ko yun at binasa king ano ang minessage nya sa akin. Napangiti ako ng mabasa ko yung message nya sa akin. Bakit ganito ako sa kanya? Ewan..... dahil ayoko rin namang malaman ang sagot sa tanong ko.

Daniell: hi? Gising ka pa ba?

Seen at 12:33 am

Hannah: yup! Hindi ako makatulog eh.

Seen at 12:37 am

Danniel is typing........

Daniell: NAH! Matulog ka na Babe, makakasama yan sa baby natin. Sige ka. Baka maging kamukha mo si Baby, papangit sya nyan!

Hannah: Sira! Bakit hindi ka pa tulog?

Daniell: Pumapasok ka kasi palagi sa isip ko Babe kaya hindi ako makatulog.

Hannah: Baliw ka talaga kahit kailan no?

Daniell: Nah! Im not joking Babe! I cant sleep because you are still on my mind. Nadagdagan pa ngayon kasi nakachat pa kita. Hindi tuloy maalis sa mukha ko ang ngiti ko. Mapupunit na nga eh.

Hannah: Hahhaa. Itulog mo na yan. Inaantok ka na kaya hindi mo na alam kung anong pinagta-type mo. Sige na Goodnight. :)

Daniell: Hindi nga kasi ako nagbibiro. Kung hindi ko alam ang mga tina-type ko edi sana, mali mali na yung mga spell ko. Diba? Diba? Diba? Diba? Ang gwapo ko?.

Hannah: Anu yan? Question or statement? Masyado kang proud sa sarili mo.

Daniell: Statement yan. Haha. Ginaya ko lang yung sinabi ni Mommy sa akin. Jowk. Hindi naman sa masyado akong proud sa sarili ko pero yun talaga ang totoo. Aminin mo? Pati ikaw nga nagwa-gwapuhan sa akin.

Hannah: Paano mo naman yan nasabi? Huh? Kapal mo brad!

Daniell: Hindi na kailangan pang malaman mo yun. Basta alam ko na alam mong naga-gwapuhan ka sa akin. Yun lang yon.

Hannah: Che! Ang kapal mo naman! Ikaw nga tong mapangnakaw ng halik! Ikaw ang nagagandahan sa akin! Hindi ako! I hate you!

Daniell: Oo. Inaamin kong nagagandahan ako sayo.  Kaso totoo naman. Kaya wag ka ng mahiya sabihin na gwapo ako kasi totoo rin yun. I love you too.

Hannah: Shocks! Ang kapal mo talaga. Thanks. Maganda naman talaga ako. Charot. Hoy! Hindi ako nag-i love you sayo! Sabi ko, I hate you! Matulog ka na nga! Naduduling ka na sa pagbabasa eh.

Daniell: Hindi ako duling. Sadyang ikaw lang talaga ang mga bagay na pumapasok sa isip ko. Kaya nagkanda-leche-leche na. Uiiy! Consern sa akin si Babe. Hindi ako makatulog kasi wala ka sa tabi ko.

Hannah: Hoo! Ang hangin dito ahh? Mahina naman yung aircon? Bakit kaya?

Daniell: Ang sabihin mo, gusto mo lang ng hangin kaso ang HOT ko. Yun lang yun.

Hannah: Ang kapal mo talaga. Matulog na tayo. Gabi na. Maaga pa tayo bukas. Sige. Goodnight. See you tommorow! Bye.

Daniell: Sige tulog na tayo Babe. *yakap* *kiss* Goodnight na din. Gustong-gusto mo talaga akong makita nuh? Wag kang mag-alala, sa seat mo palang, makikita mo na ako sa tabi mo. See you din. *muahh!*

Seen at 1:02 am.

Nag-log out na ako sa fb nang may matamis na ngiti ang sumilay sa aking labi nang nilagay ko ulit ang Cp ko sa sidetable tabi ng kama ko. Isa lang ang masasabi ko ngayon, at yun ay........

"Best day ever."

---

*AUTHOR'S KAEK-EKAN*

PLEASE

VOTE

COMMENT

AND

SHARE.

BE A FAN.

Because Of HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon