Hindi kayo mabobored sa chapter na 'to promise :) HIHIHI Happy Reading!
❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀
Cayden
Saktong 7 am, ng dumating ang mga tropa ko.
Simula ng Grade 2 palang kami, lagi na kaming magkaklase lagi, magkakalapit lang din ang mga bahay namin, ang tanga lang dahil di kami sabay sabay pumapasok. Magkakaibigan din ang mga pamilya namin."Bro! We meet again!" sabi ng mga matatalik kong kaibigan. Si Patrick, Marco at Dominic.
"Ang aga aga, ang iingay niyo." kumunot ang noo ko at nakipag fist bump sakanila.
Natawa sila, "at ang aga aga, ang init ng ulo mo."
Umiling ako, "hindi ah, sandyang maingay lang talaga kayo. At tsaka masaya pa nga ako eh." sabi ko sakanila at ngumiti ng pagkalaki laki.
Binigyan nila ako ng 'Okay-Ka-Lang-Ba' look dahil I changed my mood from 0-100 real quick na kung kanina ay napagsabihan ko sila na ang ingay ingay nila, eh ngayon eh sobrang lapad ng ngiti ko.
"May bagong student, babae." ngumisi ako sakanila.
And they gave me O.o
"SERYOSO KA BRO?!" hindi makapaniwalang tanong nila saakin. Sabay sabay pa ha!
Bakit ba? Anong problema at ang over ng mga reaction ng mga ugok na to.
"Oh bakit? Ano naman?" pagtanong ko sakanila.
"Ah eh, hindi naman sa dahil may new transferee. Ngayon ka lang kasi namin nakitang ganyan kasaya at dahil lang nalaman mo na may new transferee? Sana naman pumasa na sa'yo yun. Grabe, di ako makapinawala." sabi ni Pat.
Ah kaya pala. Kasi nga diba? Never ako nagkagusto sa ibang mga babae dito. Kung magkakagusto ako sa isang babae, siguro dahil lang sa ganda nila yun.
Eh hindi naman ako kumakausap ng babae dito eh maliban nalang kung may projects. Yan ang tanging ginawa ko nung 1st Year College ako; last year, kumakausap lang ako ng babae pag kailangan talaga, wag kayo mamilosopo ha. As in babae na students hindi babae na teachers.
"Gago! Pero feeling ko papasa na 'to sakin. Bro galing America! America bro!" I tapped Pat's shoulders multiple times.
"Don't worry bro! Kung sakali man, sayong sayo na yan! Di namin papakielaman" sabi ni Dom.
"Sana kami meron din." sabi naman ni Marco.
Tumawa ako, "One hundred percent sure na meron yan bro. 'O bilis na! Titignan niyo pa kung saan yug classes niyo diba?"
"Di na kailangan" sabi ni Marco.
Ngumisi silang tatlo saakin, "Magkakaklase nanaman tayo!" masayang sabi ni Dom at Pat.
Tumalon ako sa tuwa, "YES NAMAN!" nag apir kaming lahat at naglakad na papunta sa classroom namin, para relaxed na din kami at hihintayin nalang ang ibang students and teachers.
Habang naglalakad kami, may nakita akong babae'ng nakaupo sa bench sa malapit sa canteen, naka earphones siya tapos nakapikit. Ngayon ko lang nakita yang babaeng yan. Shet, ang ganda.
Tumingin ako sa tatlo na nangunguna na sa paglakad saakin, "Bro, mauna na kayo ha. May kakausapin lang ako." tumango sila, "Sige! Bilisan mo lang ah baka malate ka pa."
BINABASA MO ANG
Before It's Too Late (KathNiel) -revising-
RomanceThere's a lot of "what ifs" that will just appear in our minds but, don't take things for granted. Not everything or... everyone will stay. Sometimes, you have to give everyone a chance, you know?