Chapter 8 - Unbelievable

177 17 23
                                    

Dahil free ako ngayon, mag aupdate muna ako hahaha. Salamat sa mga comments niyo last chap! Mahal na mahal ko kayo! Yieee <3

❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀

Cayden

Di pa rin ako dinidiretso ni mama.

"Ano nga yun ma? Anong nangyari kay Kaylee?" Demanding kong tanong.

Bumuntong hininga siya bago magsalita, "kilala ko siya, anak. At kakatext lang ng mama niya."

Teka ano daw? Kilala niya si Kaylee? Malamang diba? Kakakilala niya lang kanina.

Umakto ako na natatawa, "Syempre ma, kakakilala niyo lang kanina eh."

"Hindi iyon anak. Halika maupo ka at ipapaliwanag ko sa'yo." Hawak ni mama ang pulsuhan ko at umupo kami sa sofa.

"Sa totoo lang ma, hindi kita maintindihan." Sabi ko kay mama.

"Ipapaliwanag ko naman sa'yo. Buti nga ikaw na mismo ang nagdala sakanya dito eh." Sagot niya.

Sasabog na utak ko dahil di ko talaga maintindihan si mama. Alam kong palabiro si mama pero ngayon alam kong seryoso siya... Pero ano nga yun, anong ako pa yung nagdala mismo kay Kaylee?!

"Explain now ma." Seryoso kong sabi.

"Anak, five days ago, Kaylee's mom, texted me. Kaylee's full name is Maria Kaylee Bernardo, am I right?"

Tumango lang ako. Paano?!

"Yung mama niya nakiusap muna saakin na ihanap muna ng matitirhan si Kaylee. That's why I bought the house that's two houses away from us. Kaya bago makauwi si Kaylee dito sa Pilipinas eh pinaayos ko na agad agad. Bumili narin ako ng mga furnitures. Babayaran nalang daw ako ni ate Min pagbalik niya dito. Kahit sabi ko wag na. She insisted. That's why Kaylee lives just two houses away from us." She started.

"Her mom, your tita Min, texted me, letting me know na uuwi si Kaylee dito upang ipagpatuloy niya ang pag aaral niya dito. Di pa niya ako sinesendan ng litrato ni Kaylee nung nagtext siya sakin basta full name lang niya ang sinabi niya saakin. Kaya nung sinabi ni Kaylee ang pangalan niya kanina at ng banggitin niya na kaklase ka niya, alam ko na siya na yun. Si ate Min mismo ang lumapit saakin para ipasok siya sa Ford Uni. I've known ate Min for so long nawalan lang kami ng contact nung pumunta na sila sa states nung anak niya, si Kaylee. Nasabi na ba ni Kaylee sa'yo na nagdivorce ang parents niya kaya sila napadpad sa US? At hindi lang naman iyon ang rason niya para papuntahin din ang anak niya dito eh. Kaya masaya siya dahil si Kaylee daw ang mismong nag agree na mag aral naman dito. Ayaw niya din kasi sa boyfriend ni Kaylee, masyadong B.I at lagi nalang daw nasa bar si Kaylee doon. At may isa pang sinabi si ate Min saakin. Anak, kailangan pakinggan mo ako ng mabuti ha? Huwag kang mabibigla." Hinawakan ni mama ang kamay ko.

"Wag kayong pasuspense ma, sabihin niyo na please." Sagot ko naman.

"Bumababa na ang shares ng kumpanya ni ate Min sa states, ang Bernardo Inc. Ngayon, ang sabi niya, pauwi na rin siya ng pilipinas in three weeks time, upang ipagpatuloy ang business na iyon dito at ipapartner ito sa Ford Corp. Napagusapan na rin namin ito ng daddy mo at payag naman siya." Pageexplain ni mama.

❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀

❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Before It's Too Late (KathNiel) -revising-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon