UPDATE! Yay :) Voters and Commenters naman kayo oh HAHAHHA!
❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀
Cayden
5:05 am ng magising ako. Nagtataka nga ako kung bakit ganung kaaga ako nagising. Ang normal na gising ko ay 5:40 at ang alis ko sa bahay ay 6:25 'o kaya naman mas maaga kaya ako nagiisa sa school minsan. Wala lang, chill lang.
Nakaupo ako ngayon, nakasandal sa headboard ng kama ko, iniisip ang mga pangyayari kagabi.
Dapat ko ba na sundin si mama at tita Min? Ayaw ko lang naman na magsisi ako sa huli. Isa pa, si Kaylee ba dapat talaga ang mamahalin ko? May boyfriend siya. Mahal niya ang boyfriend niya at Mahal siya ng boyfriend niya.
May naalala nanaman ako na sinabi ni mama. Hayy nako naman!
Kagabi // Flashback
"Nahihibang na ba kayo? Mama, sabi mo mabuti akong tao, oo eh! Alam ko ma. Pinalaki niyo nga ako ng tama eh. Pero sa pinapagawa niyo, magiging selfish ako. Hindi tama yun! Hindi mabuti yun ma! Kahit gago pa ang boyfriend ni Kaylee, may masasaktan. Mahal siya ni Kaylee ma at alam ko mahal niya si Kaylee." Sabi ko.
"Sigurado ka?" Sabi ni mama.
Sigurado ka?
Sigurado ka?
Sigurado ka?
Sigurado ka?
Sigurado ka?
Anong kaya ang ibig sabihin ni mama... Kailangan kong malaman.
END OF FLASHBACK
Napaisip rin ako na kung sabagay, mailalayo ko si Kaylee sa masama at sira ulo niyang boyfriend na kunwari akala mo mabait pag nandyan siya. Gago talaga.
Napailing nalang ako dahil ang bilis talaga ng mga pangyayari at mga nalalaman ko. Alam na kaya ni Kaylee?
Kumilos na ako at dumiretso sa banyo at ginawa ang aking mga karaniwang gawain ko sa umaga.
Pagkatapos ko, bumaba na ako at naabutan si mama. Ba't nandito si mama?
Kasama ang dalawa kong kapatid at si Sab.Tinignan lamang ako ni mama habang si Mere naman ay niyaya na akong sumabay sa kanila, "Good morning, Kuya! Come on, eat with us!" Tinignan ko sila, nakangiti sila saakin... maliban nalang kay mama.
Tumingin ako sa relo ko. Time check, 5:48 am. Nakakapagtaka nanaman dahil hindi kumakain ng ganitong kaaga si mama. Minsan nga ay si manang Isay lang ang gigising para mag asikaso ng mga pagkain pang umagahan pati narin ang mga maiiwan na hugasan.
May oras pa naman kaya umupo na ako at sumabay sa kanila sa pagkain.
Sobrang awkward kaya naman ako na ang unang kumausap kay mama, "Ma? Pwede ba kitang makausap?"
Tinignan niya ako... tapos, tumango. Buti nga hindi nagtanong yung tatlo kung bakit eh.
Kailangan ko lang malaman kung bakit ganoon ang sagot niya nung pagkasabi ko ng 'mahal siya ng boyfriend niya' referring na mahal si Kaylee ng boyfriend niya.
BINABASA MO ANG
Before It's Too Late (KathNiel) -revising-
RomansaThere's a lot of "what ifs" that will just appear in our minds but, don't take things for granted. Not everything or... everyone will stay. Sometimes, you have to give everyone a chance, you know?