Chapter 11 - Secret

200 14 8
                                    

Hello! Update ulit <3

❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀

FAST WORWARD - 3 WEEKS LATER

Cayden

3 weeks na. Ang daming nangyari sa mga nakaraang linggo. Nakuha ko na din pala ang number ni Kaylee. Pero hindi ko pa itinatanong yung social medias niya. Ang weirdo ko talaga. Ang tanga ko nga eh na bakit on the third day ko lang kinuha yung number ni Kaylee.

Lagi pa rin ako inaasar nung tatlong mokong kung magkakaron na daw ba sila ng inaanak. Mga sira ulo talaga.

Nakakausap na rin daw ni Kaylee yung loyal niyang boyfriend. Edi wow. Naging busy lang daw. Busy mo mukha niya! Tangina niya. Ang sabihin mo, busy sa babae niya!

Sa nakaraang mga araw na yun, mas lalo kaming naging close ni Kaylee at kasabay nun mas humahanga pa ako sakanya kahit na maypagka bad girl nga siya. Hulog na yata ako.

Nung umagang sinundo ko si Kaylee, medyo dumistansya muna ako sa kanya dahil baka mag away nanaman kami dahil sa pagiging malandi ko.

Nagtampo si Kaylee pero naayos ko naman agad.

FLASHBACK

6:10 am palang ng umaga, naghihintay na ako sa labas ng gate nila Kaylee. Susundin ko muna ang mga sinabi ni Kaylee sakin.

Napangisi ako. 'Why not try checking other girls out?'

Tumingin ako sa relo ko, pag yuko palang ng ulo ko may lumabas na agad sa pintuan, si Kaylee. Nilock niya ang pinto tsaka lumabas ng gate nila.

Sinalubong niya ako ng ngiti, "Good morning, Cayden." Bati niya.

Ni hindi ko siya nginitian pero bumati rin ako ng 'good morning' sakanya.

"Tara na." Simpleng sabi ko at sasakay na sana ako ng kotse ng hawakan ni Kaylee ang pulsuhan ko.

"Wait." Aniya. Hindi ako umimik 'o tignan man lang siya. Alam kong makatingin lang siya saakin, "Do we have a problem? Are we okay?" Tanong niya.

Sumagot ako ng hindi nakatingin sa kanya, "Okay naman tayo ah. Sakay na bilis."

"No." Doon lamang ako napatingin sakanya, "I won't ride with you if you're just going to give me silent treatments. Why? Dahil ba last night? My gosh, Cayden. I really thought you'd understand. You know what, just leave. I can go to school by myself."

Lumakad siya papasok ng gate at pumunta sa garage nila. Dahil sa sinabi niya na kaya niya pumunta sa school ng mag isa, kukunin niya ang kotse niya.

Hinabol ko agad siya, hinawakan ko mga balikat niya at hinarap siya saakin, "K-Kaylee." ayaw niya pa rin tuming saakin, "Look at me, Kaylee." Sabi ko ng mahigpit at tumingin na siya. Maluha luha ang mata niya. "Hindi mo naman ako hinayaang mag explain eh. I admit, nakakatampo yung mga sinabi mo kagabi. Pero kasi hindi lang ako nakatulog ng maayos. I'm sorry."

May tumulo na luha sa mga mata niya at pinunasan ko agad ito, "naman eh. Don't cry na please."

"You kasi eh. Pinaiyak mo ako." Pagbaby talk niya tapos pinunasan ang luha niya.. Ang cute talaga nitong Kaylee ko. May pagka slang yung 'ako' niya.

Before It's Too Late (KathNiel) -revising-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon