Chapter 4 - Ouch! Tagalog

296 17 6
                                        

Hello! Salamat sa mga nagbabasa nito. <3

❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀

Cayden

Since it's the first day, hindi muna kami ini-stress ng teachers. Binigay na din ang mga schedule namin para sa buong taon at inaannounce nalang kung may changes.

"Tol! Pakilala mo naman kami. Nakakalimot ka ah!" sabi ni Pat.

"Oo nga naman! Makikipag kaibigan lang naman eh." sumunod na sabi ni Marco

Di naman nagpatalo si Dom, "tsaka wala ka ba'ng tiwala sa'min na pag sinabi namin sa'yo eh sa'yo lang?"

Tinawanan ko sila, "mga sira ulo! Ang aarte ninyo! Hali kayo."

"Kaylee?" tinawag ko si Kaylee na nag cecellphone at parang nakasimangot.

Pero ng makita ako eh ngumiti siya, yung pekeng ngiti. May problema 'to!

"Yes?" sabi niya.

Tinignan ko yung tatlo na napaka laki ng mga ngiti, "I want you to meet my best friends, Patrick, Marco and Dominic" sabi ko at tinuro sila.

"Hi! Ako si Patrick, tawagin mo nalang akong Pat." sira ulo talaga 'to! Baka nakakalimutan niya...

"Pare, di nakakaintindi ng tagalog yan." bumulong ako kay Pat.

Tapos umakto siya na kinakamot ang batok niya, "Uh I mean I'm Patrick but you can call me Pat." sabi ni Pat.

"Hello! I'm Dominic, you can call me me Dom." pagpapakilala ni Dom.

Sumunod si Marco, "I'm Marco. Nice to meet you!"

"Do I call you Marc?" Pagbibiro ni Kaylee.

Tumawa kaming apat, marunong din pala magbiro 'to kahit corny.

"Anything will do" sabi ni Marco.

Nginitian ni Kaylee yung tatlong ugok, "Hello, nice to meet you all. I'm Kaylee."

She stood up at makikipag handshake sana... Nung aabutin na ni Dom, eh tinabig ko yung mga kamay. Chachansing pa eh!

Madami pa ang lumapit kay Kaylee na girls at nakikipag kaibigan. Nahihiya pa si Kaylee. Marami rin nahihiya pa kay Kaylee. Tinatagalog din siya ng mga lumalapit sa kanya. Ang cute nga niya eh, puro tango at ngiti lang ang mga sagot nito. Parang naweweirdohan na yung mga kumakausap sa kanya kaya ako na ang nangamusta sa ibang kaklase ko.

Yung ibang boys nilalapitan din si Kaylee -_-'
May iba rin na nagtatanong sakin kung pwede raw ako makipaglaro ng basketball kapag free time. Pumayag naman ako. Kasi nga hilig ko naman talaga mag basketball.

Lumipas ang mga minuto eh tumahimik na naman si Kaylee at nakakunot pa ang noo habang nakatingin nanaman sa cellphone nito. Ano kayang problema nun? Matanong nga.

"Kaylee?"

Lumingon siya sa'kin, "Huh?"

Before It's Too Late (KathNiel) -revising-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon