Andrea's POV
Nagising nalang ako dahil pinisikan ako ng malamig na tubig sa mukha ko at sumisigaw ng "Sunog sunog!" Alam ko naman na gagawin nya yun. Psh. Kasi kapag matagal akong nakahiga at nakatulog, bubuhusan o pipisikan niya ako ng malamig na tubig.at ang gagawa lang naman ng ganitong nangyari ay walang iba kundi si kuya. Takte bakit ba sya napadpad sa bahay namin?
At nakita ko syang nagpipigil ng tawa kasi basang-basa na ang mukha ko..
Uhmmmm okay meron akong plano para makaganti ako kay kuya!
Kaya pumasok ako sa C.R ng kwarto ko at kumuha ng tabo na may lamang tubig at itinago ko ang tabo sa likod ko para hindi nya makita baka kasi kung makita nya na may hawak-hawak akong tabo baka tumakbo sya palayo at baka hindi ko na rin magagawa ang revenge ko kay kuya😞😞 pero buti nalang hindi niya nakita na may tabo sa likod ko.
Pero may sinabi sya saakin at ang sinbi niya ay: "Drea labas muna ako magpapalit muna ako ng damit" well magpapalit nanaman sya ng damit doon sa kotse nya. Eh kasi sa kotse nya may mga stock sya ng kanyang damit.
At nung palabas na sya nakahanap agad ako ng tyempo na pisikan sya ng tubig mula sa likod ni kuya.
At nang matapos ko syang pisikan ng isang tabong malamig na tubig,
Humarap sya sa direksyon ko at tumingin ng masama sa akin at pagkatingin niya saakin pinisikan ko rin sya sa mukha nagpipigil ako ng tawa kasi basang-basa din ang likod niya at mukha niya...."Oy kuya wag ka nga tumitingin ng masama, naghiganti lang naman ako , pero atleast pareho na tayong basa noh" gusto ko lang naman maging fair!
"Hahahahahahaha" sabay naming tawa
"Drea bumaba ka na kain tayo ng merienda"
"Okay, teka wait tapos na ba ang class mo?"
"Nope pero umuwi ako ng maaga, kasi nakakapagod ang class namin at boring dahil puro introduce yourself" sabi nya..."Ahhh okay" sabi ko
Haysss ganyan talaga si kuya tamad pumasok kapag first day of school palang. Ako din tamad pumasok kapag first day of school...Hindi ko namalayan na hapon na pala at tinignan ko ang wall clock ko and it's already 3:30 pm.
Pumunta muna ako sa Bathroom para maligo ehh basa na ako, binasa ako ni kuya kaya maliligo nalang ako. After 15minutes tapos na ako kaya nagbihis na ako at nagsuklay ng buhok.
At pagkatapos kong magsuklay ng buhok bumaba na ako para mag merienda.
"Ano tara na?" Tanong ni kuya...
Huh??? Asan ba kami pupunta???"Huh? Asan ba tayo magmemerienda kuya?"
"Basta" "okay kuya kahit saan tayo kumain okay lang sa akin basta para lang sa pagkain"😄😄"Weh?? Kahit saan??"
"Oo😊" "Sige, sabi mo eh"
"teka lang kuya magpapalit lang ako saglit" kasi naka tsinelas lang ako at naka pajamas "ok" at umakyat na ako papuntang kwarto ko at pagpasok ko sa kwarto ko ay nagbihis na ako.At syempre nag-paalam muna ako kay manang Sonia. "Manang alis na po kami ni kuya kakain po kami sa labas" paalam ko kay Manang Sonia "sige,mag-iingat kayo ha" sagot niya...
"Sige po manang ,paalam"
"Sige,paalam din Drea at Ken" masayang sabi ni yaya.
At pumasok na ako sa kotse ni kuya.At umupo na ako sa passenger's seat at pagpasok ni kuya nagtanong agad ako sakanya "kuya asan ba tayo pupunta? Pero basta treat mo ha"
"Oo na treat ko na"
BINABASA MO ANG
Who falls first? The Badboys/Dota Players or the Goodgirls half Malditas?
FanfictionPosible kayang mainlove ang mga Goodgirls half Malditas sa mga Badboys/Dota Players OR ang Badboys/Dota Players ang maiinlove sa mga Goodgirls half Malditas? Well... Who falls first? Badboys/Dota Players or the Goodgirls half Malditas?