#Apple10

399 11 0
                                    




Nandito kami ngayon naglalakad patungo sa field ng University. Tahimik ang lahat habang sumusunod kay Mother Athena, kahit ni isang salita ay walang lumabas sa amin, dahil parang may kakaibang kapangyarihan ang presensya ng Madre na ito. Habang naglalakad kami ay narinig ko ang biglang sabi ni Autumn.

“Shit! I can’t reach grandpa, there’s no signal here” mahinang saad nito. Kumunot ang aming mga noo, at inilabas parehas ang aming kanya-kanyang cellphone at tinignan ito. Tama nga si Autumn walang signal dito sa University.

“Bakit pati ba naman signal pinutol nila? Di na ako nagagandahan sa mga pangyayari, iba na ang kutob ko” sabi ni Nashly. Wala rin namang umimik saamin at pinagpatuloy ang paglalakad papunta sa field. Pagkarating naming dun ay bumungad saamin ang apat pa naming kaklase at si Sir Akashi. Lumapit kami sa kanila.

“Were going to start” malamig na sabi ni Sir Akashi. Tinignan ko ang nasa magkabilang Org. ang Gangsters and Heirs. Katulad naming tigsasampu rin sila. Ilan pang minuto ay may narinig kaming nagsalita sa microphone na dinig na dinig ditto sa field.

“Welcome my Dear Gangsters, Reapers, Assassins, Mobs, and Heirs we are here today to open our 2nd Death Row Competition and this year ay isa nanamang kakaibang experience ang ibibigay ko sa inyo, and I know everybody will going to enjoy this one.” Ngumisi si Mother Athena ng nakakatakot. “Okay! Enough with the Welcome, let me give you a warm up everyone, this is your first chapter…THE NONSTOP BULLETS”

Sabay nun ang paglabas ng mga kalalakihan na nakaitim mula mask hanggang sapatos. Umatras kami dahil pinalibutan kami ng mga nito pati rin ang sampung Gangster at Heirs.

“Base sa title na sinabi ng demonya nyong Madre” hindi na napigilan ni Summer ang kanyang bunganga “ay siguradong papaulanan tayo dito ng mga bala” dagdag pa nito.

“I think she’s right” pagsang-ayon ni Dazed at hindi nga nagkakamali si Summer nang humugot ang mga kalalakihan ng mga baril nito at itinutok saamin. Tinignan ang mga ito.

“All girls, attack from the ground, boys kung kaya nyong umatake galing sa taas gawin nyo, hit the spot that can make the paralyze” sabi ko sa kanila na sinang-ayunan ng mga ito.

“Go!”

Iyon na nga ang hudyat ng pagsugod, sabay kaming gumulong na apat na babae sa iba’t ibang direksyon. Paggulong ko ay nakita ko kaagad ang aking puntirya, sinipa ko diretso ang paa nito at natumba naman ang lalaki, sinakyan ko ang likod nito at madaliang pinihit ang kanyang ulo, dinig ang baling buto nito na senyales na mawawalan na sya ng buhay.

Naririnig sa paligid ang mga putok ng mga baril, kinuha ko naman ang baril ng lalaking napaslang ko na at ikinasa at itinutok sa mga lalaking kaaway ng mga kaklase ko, pinagbabaril ko sila mabuti naman hilag ng hilag lang ang ginagawa ng mga kaklase maliban kay Dazed at Rain na napatumba na ang mga kalaban nito. Wala nang mga lalaking pumupuntirya saamin.

“Okay lang kayo? Wala bang nasaktan?” tanong ko sa kanila, wala namang sumagot kaya mukhang wala naman deperensya, patuloy parin ang putukan kaya napatingin kami sa ibang Org. na naglalaban parin.
Nakita ko ang Heir Org. na sinusubukang labanan ang mga lalaking may hawak ng mga baril. Magaling din ang ito makipaglaban lalong-lalo na ang President nila na si Onel Tan, sya ang pinakamalakas na Heir, ibang-iba ang kanyang pakikipaglaban pinaghalo ang lakas at bilis nito, pero sadyang alam naming mga Assassins ang kanilang kahinaan.

“Arrrgghhh!!!”daing ng isang Heir na lalaki, natamaan ito ng baril sa bandang siko dahil sa pagsangga ni Princess na isang Heir din na nakipag-agawan ng baril sa lalaki pero dahil sa likuran nito ang kaklase nyang lalaki na hinding inaakala ang biglaang pagputok ng baril ng lalaki, kaya sya ang natamaan nito. Pinilipit ni Princess ang kamay ng lalaki kaya nabitawan nito ang hawak na baril. Sinipa nito sa tiyan ang lalaki pero hindi parin binibitawan ang lalaki, susuntukin sana sya ng lalaki pero mabilis sinipa ulit ni Princess ang tiyan nito, doon na napabuga ng dugo ang lalaki. Binatawan ni Princess ang lalaki at napaluhod ang lalaki habang nakahawak sa tiyan nito. Pinulot ni Princess ang baril nito at itinutok sa lalaki na namimilipit sa sakit. Walang alinlangang binaril nya ito.

“Your too slow” malamig na saad ni Onel sa kanya. Nagsalubong naman ang kilay ni Princess na mukhang nainis sa sinabi ni Onel.

“I was slow because of this guy” sagot ni Princess habang itinuro ang lalaking kaklase nyang nabaril sa bandang balikat. Ikinasa ni Princess ang baril at itinutok sa lalaki ang baril na ikinabigla naming lahat. Huwag nyang sabihin na papatayin nya ang kaklase nya?

Ngumisi si Princess “You know, what? Mukha namang hindi kana tatagal dahil wala naman silang planong bigyan tayo ng medicine kit at tignan mo mauubusan kana ng dugo, mas mabuti pangmamahinga kana” saad nito sa lalaki na ngayon ay namimilog ang mata dahil sa takot.


“P-princess Wa-wag mong gawin yan! Ma-magkaklase ta-tayo diba?” sabi ng lalaki habang umaatras ito.
Ngumisi si Princess na parang isang joke ang sinabi ng lalaki.

“Are she insane?” saad ni Autumn

“Dapat natin syang pigilan, walang syang sapat na rason para patayin ang kaklase nya!” sabi naman ni Summer. Hahakbang na sana sya kaso biglang may dumaan na mabilis na hangin at mayroon nang nakaharang sa kanya na isang lalaki.

“Rule No. 1, Don’t interfere with the other Org.” sabi ni Sir Akashi

“What? So hahayaan nalang natin syang patayin yung kaklase nya?” sabi ni Summer

“Mind your own business if needed” sabi ni Nashly habang ang kanyang tingin ay nakapukol din doon.

“Are you serious?” angal ulit ni Summer at hahakbang na sana ulit pero napahinto nanaman ito dahil sa sinabi ni Sir.

“Kapag itutuloy mo ang plano mo, ipinapakita mo na para kang hinding isang WHITE”
Walang umimik, hindi maikakaila na alam na ni Sir Akashi kung sino-sino kami. Wala namang nagawa si Summer kundi bumalik nalang, pagkatalikod nito ay dun din naman pumutok ang baril ni Princess. Tama si Sir ang mga katulad naming Heiress ay hindi dapat ipinapairal ang puso dahil tanging ito ang kahinaan ng bawat tao.

Ilang minuto pa ay wala nang mga lalaking nakaitim ang nakatayo lahat ay wala nang buhay, tumunog ang napakalakas na putok galing sa shotgun na hawak ni Mother Athena. Ngumisi ito saamin.

“Masaya ako at may namatay sa inyo, malungkot naman ako dahil marami kayong buhay. Bukas mag-uumpisa ulit ang ating laro” sabi nito. Gusto ko syang barilin pero mukhang may nauna sa gusto kong gawin.

“Demonya ka!” sabay tutok ng baril kay Mother Athena, isa ito sa mga Gangster. Nagulat ang mga nasa unahan na katabi ni Mother Athena. Pero wala namang bakas ng takot ang mukha ni Mother Athena kung kaya’t ay ngumisi pa ito. Mas lalong nagalit ang lalaki, ikinasa na nya ang baril na hawak at ipuputok pero masyado syang mabagal dahil naunahan na sya ng mismo nyang kasamahan. Bumulagta ang katawan ng lalaki sa lupa. Tinignan ko kung sino ang bumaril sa lalaki, yun lang ay walang iba kundi ang nag-iisa nilang President si Terrence.
Tumawa ng malademonyo si Mother Athena.
“Hahah! Sige itutok nyo na ang gusto nyong itutok saakin, pero tandaan nyo meron ring tumututok sa likuran nyo, maaaring ngayong araw ay kakampi nyo ang isa’t-isa pero bukas! May panibagong pahina ng pagsubok ang inyong ikakaharap, kung ako sa inyo, mamahinga na kayo dahil bukas, it will be bloodier” at nagmartsa na sya paalis.

“Punyeta!” mahinang mura ko at tinignan ang mga kapwa ko Assassin, totoo ba? na ngayon lang kami magkakampi pero bukas ay kami na mismo ang papatay sa kapareho naming uri?. Tinignan ko ulit sila, sino kaya sa inyo ang tratraidor? Sino ang kumakampi kay Mother Athena? Bakit ito ginagawa ni Mother Athena?

.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy

Snow White and Her Bloody DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon