Narito kami at naglalakad sa madilim na gubat, hindi ko alam kung saan kami papunta. Nararamdaman ko lamang na tama ang tinatahak naming daan.
"Dalian mong maglakad, excited na akong makita ang Mistress mo" saad ko habang itinututok sa likuran ng kanyang sentido ang baril.
"Malapit na tayo, Snow wag kang atat, marahil nga ay napaghandaan na nila ang iyong pagdating ng maumpisa--" hindi niya naituloy ang kanyang sasabihin ng biglang may narinig kaming kaluskos sa aming likuran. Napahinto kami at tumingin doon, dahil doon nawala ang aking focus sa lalaki kaya naagaw nito ang baril sa akin, nabigla naman ako at napalayo ng kaunti sa kanya.
Itinutok niya ang baril sa akin at nginisihan ako, "Now its your turn to walk first" hindi ako gumalaw sa aking kinatatayuan, dahil may naaaninag akong isang pigura na papalapit sa amin nasa likuran niya.
"May tao" bulong ko sa kanya, pero tumawa ito.
"Hindi mo ako maloloko Snow, luma na ang style na iyan"
"May tao nga, tignan mo sa likuran mo" bulong ko muli, pero umiling-iling ito. Malapit na malapit na ang tao hanggang sa likuran na ng lalaking nasa harapan ko.
"Sige na, maglakad kana!" sigaw ng lalaki sa akin pero nanatili ang mata ko sa kanyang likuran.
"Ano bang----uggh!" at natumba ng tuluyan at nawalan ng malay ang lalaking tumutok sa akin ng baril. Tinignan ko naman ang taong nagpatulog sa lalaki.Kinikilala ko muna ito dahil medyo madilim.
"You should thank me for saving you AGAIN." ng mapagtanto ang kanyang boses ay nakilala ko na ito."Onel?" pagkatapos ay lumabas na sya sa dilim ng tuluyan. "Mabuti at dumating ka".
"Mabuti nga at sinunod ko ang instinct ko" saad nito. Pagkatapos ay tinignan nya ako ng mata sa mata, bigla nalang sya lumapit sa akin ng mabagal, napapaatras naman ako. Ilang saglit pa ay naramdaman ko nalang na puno na ang nasa likuran ko. Inilapit pa nya ang kanyang sarili sa akin.
"A-anong ginagaw---" hindi ko naituloy ang aking sasabihin ng tinakpan nya ito.
"Ssshhh..." mahina na senyas nito, inig sabihin may taong paparating at hindi nga ako nagkamali dahil merong mga yabag sa pinanggalingan namin.Napakapit ako sa kanyang puno na kinasasandigan ko, natanaw naman namin ang ilang kalalakihan na nakaitim habang nag-uusap.
Hindi ko masyado narinig ang kanilang pinag-uusapan, pero dapat namin silang sundan. Nang tuluyan na silang nakaalis sa parteng namin na pinagtataguan ay dun narin lumabas kami ni Onel.
"Should we follow them?" he asked, after he checked if there will be another group of men approaching, but when he saw no signs we hurriedly follow the men in black.
It will be a do or die if whatever will happen. Pero no choice kami we followed the men, siguro ganun kami kaingat na hindi man lang sila lumingon sa amin.
Mga kalahating minutong pagsunod namin sa kanila ay nadatnan namin ang aming mga sarili nakaharap sa isang malaking bakal na gate. Naguguluhan ako ng makita na sa gitna ng gate ay ang logo ng University.
Wala ka ding makikitang bantay sa gate, hindi muna kami lumabas sa aming pinagtataguan ni Onel nagpakiramdaman kami kung may tao sa paligid kasi hindi namin inaasahan na mayroon isang lugar dito sa gitna ng gubat.
Nang masigurado na walang tao ay lumabas na kami at pumunta sa harap ng malaking gate, napakaaliwalas at tahimik parang kakaiba.
"This is unusual" sabi ni Onel, tumango lang ako bilang pagsang-ayon but we have no choice kailangan namin pumasok para malaman kung nandoon ba talaga ang ibang pinsan ko.
Nauna akong umakyat sa malaking gate pero nagulat lamang ako nang bigla itong bumukas bigla mag-isa, napatingin ako kay Onel na parang gustong tumawa dahil nagmukha akong tanga. Bumaba ako sa rehas ng malaking gate, "Sige tumawa ka" sabi ko sa kasama ko na nagpipigil ng tawa.
"Hello there!"
Napunta ang aming atensyon sa biglang lumitaw na batang babae na maikli ang buhok na hanggang leeg, parang grade 6 pa lamang ito, maputi siya at medyo bilog ang mata na kulay asul.
"Who are you? What are you doing here?" sunod sunod na tanong ni Onel, ngunit hindi siya sinagot ng bata basta basta lang itong tumalikod at nagsalita na sumunod daw kami sa kanya. Bago kami nagdesisyon na sumunod ay nagkatitigan muna kami ni Onel kung susunod ba talaga kami pero naisip ko in the first place papasok naman talaga kami sa lugar na ito kaya nagumpisa na kaming naglakad papunta sa direksyon ng bata.
"Are you sure that we will going to follow that weird kid?" Onel asked
"Yes, we left no choice"
"But I feel danger"
"I was born to be with danger, you know" at nauna ng naglakad sa kanya. Kung ano man ang nasa lugar na ito tama si Onel, masyadong mapanganib pero kailangan ko talagang hanapin ang nga pinsan ko para makauwi na kami.
#SNOWWHITE
-sorry sa matagal na pag-update busy ang kuya nyo sa College Life. Sign na ba to ng pagbabalik ko? Hahahah
BINABASA MO ANG
Snow White and Her Bloody Diary
ActionHey! there, another action story of mine. Please Vote and comment. This is an inspired story from other action Movies, so maybe it seem the happenings here were similar here. Thats All