"I will draw a person......"Really my dear?"
"Yes Mom, look he had been nailed at the cross...
and look he shower's its own blood!!"SNOW!?"
**********************
Dahil sa nangyari, maraming gangster ang nawalan ng buhay sa rason na hindi namin alam kung sino ang pumatay. Sampo parin kami sa Assassins Org sa Heir's Org ay kumpleto parin sila, tanging dalawang tao na lamang ang natira sa Gangster Org, kaya ito ang kinalubusang ikinabahala ni M. Athena, wala kaming ideya kung sino ang may mga pakana nito.
Kaya napagdesisyunan niya na bukas na bukas ay ititigil ang kahibangan na larong ito na sinang-ayunan naman ng karamihan.
Ngayon narito kaming mga taga-Assassins Org at Heir Org sa iisang kwarto mas maganda daw ito dahil kapag may nangyari nanamang hindi ka nais-nais ay atleast madali kaming mahanap."Snow hindi ka pa matutulog?" napalingon naman ako, sa tinig palang alam ko ng si Summer iyon.
"Hindi pa ako makatulog eh" sagot ko sa kanya.
"Hindi kaba kinakabahan sa mga nangyayari?"-Summer
"Kung pagkitil ng buhay? HINDI, alam mo naman na mula pa nung bata pa wala na tayong takot pumatay ng tao diba pero bakit ganito? parang kinakabahan ako sa mga nangyayari" kahit na pumayag na si M. Athena na itigil ang laro ay may kakaiba akong naramdaman.
"Ganyan rin ang nararamdaman ko, parang may MALI?" sabi ni Summer at nagtinginan kami.
"Planado ang lahat" napatayo kami bigla ng my nagsalita sa likuran namin, pero hindi namin inakala na si Rain pala iyon.
"Ano ba Rain? kailangan sulpot sulpot? wala man lang presensya?" reklamo ni Summer.
"Hindi nyo mararamdaman ang presensya ko dahil sa gabi pa at malamig ang simoy ng hangin" kahit di ko masyado gets ang pinagsasabi niya tumahimik na lamang ako.
"Anong planado ang pinagsasabi mo?" tanong ni Summer, pero nag-alangan nang magsalita si Rain. Umupo na lamang sya sa aming tabi, tinignan ko ang madilim na kalangitan at nagniningning na mga bituin. Nakakaginhawa tignan ang mga bituin.
"Nag-alala kaya si Lolo sa atin?" biglang sabi ni Summer, nagkatinginan naman kaming tatlo. Hindi ba nagtaka si lolo na ni isa na tawag wala syang natanggap sa amin? Pero kung iisipin naman kasi ng matandang yun, na mas gusto namin na hindi sya nakakausap at iniisip nya rin siguro na naiirita kami kapag kinukulit nya kami. Dahil expert naman talaga syang mang-irita.
I sighed, walang sumagot sa tanong ni Summer basta ang alam ko lang ay bukas makakalabas na kami sa University na ito at matatapos narin ang kahibangan ni M. Athena, pero sino kaya ang may pakana ng lahat nangyari lalong-lalo na sa Gangster Org.
"Psst! Kayong tatlo!!!" may biglang sumigaw at nagpatayo sa amin. Binunot naman ni Rain ang Royal Knife na kanya, at itinutok sa nagsalita.
"Woah!!?? Easy my dear Cousins" saad naman ni Autumn, napailing nalang ako. Ibinaba ni Rain ang kutsilyo."Sa susunod Autumn kung gulatin mo ulit ako, hindi ko lang itutok basta-basta itong Royal Knife kundi ibabaon ko nayan sa bibig mo" sa lahat sa aming magpipinsan si Rain ang PIKON kaya kahit gulatin mo lang ito parang malaking kasalanan na ang nagawa mo.
"Easy lang couz, Lo sentimos" sabay ngiti ni Autumn na nagjojoke pa. Walang kadala-dala.
Imbes na pansinin ay inirapan sya ni Rain at naglakad naman papasok sa kwarto yung isa."Ayan kasi, ginalit mo sya" sabi ni Summer at naglakad papunta sa direksyon ni Autumn at inakbayan ito. "Tara na sa loob" aya sa akin ni Autumn at sumunod naman sa iba ko pang pinsan. Tumayo na ako ng may isang figure akong nakita mula sa madilim na field. Nakatalikod ito, hindi ko alam pero tila may kumokontrol sa aking mga paa at lumapit ako ng kusa.
Nang palapit ako ng palapit ay mas naging klaro sa aking paningin ang taong nakatalikod na may taglay na mahabang buhok. Ilang metro nalang ang layo ko ng may tumawag sa akin.
"Snow!! Asan kana?" rinig kong sigaw ni Autumn, kaya napatingin ako sa direksyon nya. Nung ibinalik ko na ang aking paningin sa babaeng nakatalikod ay wala na ito sa kinatatayuan niya. Tumingin ako sa ibang direksyon pero wala na, wala na akong nagawa pa at bumalik na sa Headquarters.
The sunlight hit our faces, a sign that its already morning. I excitedly jump off the chair where I sleep last night, makakalabas na kami. Kahit tulog pa ang ibang Heirs at kasama kong Assassins ay nauna na akong pumunta sa CR para maghilamos at mag-ihi. Pagkalabas ko palang sa CR ay may narinig na kaagad ako ng sigaw ng isang babae sa labas ng quarters. Lahat kanina ng tao na mahimbing ang tulog, ngayon ay dilat na ang kanilang mga mata.
Kumaripas si Sir Akashi ng takbo sa labas sumunod ako at iba pa, nakita namin si Maam Mich umiiyak sa kanyang mga palad, sa unahan nya nito si M. Athena at M. Hera na tila may tinitingala.
Sumunod ang aming mga mata sa kanilang tinignan, pati ako napahawak sa aking baba.Si...si..Sir ZEUS!!!!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy......
Vote and Comment!
BINABASA MO ANG
Snow White and Her Bloody Diary
ActionHey! there, another action story of mine. Please Vote and comment. This is an inspired story from other action Movies, so maybe it seem the happenings here were similar here. Thats All