Unang Kabanata: Ang Simula

633 21 0
                                    

Dedicated to: ikon_ginalyn

SIMULA

MAY mga taong takot sa dilim. at mayroon din namang ilan na tila hindi makahinga. sa bawat oras na lumilipas , sa bawat segundo, sa bawat pagdaloy ng dugo. ay may mga buhay ang kailangang kuhain. may mga buhay na dapat bawiin. Ganiyan marahil ang takbo ng buhay sa mundo. Hindi mo alam kung hanggang saan at kailan ang buhay ng mga taong mahal mo.

Hindi ko batid kung bakit ako nakakakita ng mga hindi inaasahang elemento. Marami na akong nakasalamuhang katulad nila. pero kakaiba ang isang ito. Hindi ko malaman kung ano ito. Araw-araw itong gumagambala sa aking isipan. Sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata. Bigla na lamang itong magpapakita. Hindi naman ako natatakot o ano pa man. Ang gusto ko lang malaman ay kung ano ang tunay niyang motibo kung bakit siya nagpaparamdam at nagpapakita sa akin. Ano ba talaga?

MARAHIL, ay isa lamang ito sa mga pangyayari sa buhay ko na hindi ko kailanman malilimutan.

"Hey, Rhea. are you ok?" tanong sa akin ni Troye isa sa mga bago kong kaklase. Kasalukuyan kaming nasa bus at babiyahe patungong Sequijor. Nasa kalagitnaan kami ng biyahe ng mapansin ko ang pananamlay ng taong nasa likuran ko. Ewan ko, ba parang may nararamdaan akong kakaiba. Hindi naman kasi siya ganiyan noong una kaming nagkatabi sa Science. Pinagtabi kasi kami ng professor namin. kinausap niya pa ako n'un.

"Ayos lang ako promise ! don't worry." pangungumbinsi ko kahit na ang totoo ay kinakabahan ako. Nanlalamig ang aking pawis at nararamdaman ko ang malimit na panginginig ng aking mga binti.

Parang masama ang pakiramdam at mabigat. Ilang minuto lang ang lumipas. May biglang sumuka sa likuran ng bus. Unti-unti ng nagkumpulan ang mga kaklase ko kasama na rin ang mga estudyanteng kasama namin sa loob ng bus.

Napalingon kaming lahat sa direksyon kung saan nagmula ang hiyawan at ang mga taong wari'y humihingi ng tulong.

Naghahanap ng mga taong handang sumaklolo sa kakaibang karanasan. Ito rin kasi ang kauna-unahang field trip na nasamahan ko. Pasalamat na lang ako at Marami akong mababait na kaibigan dito sa classroom.

"No Rhea, it's not actually what you think. Sinumpa ang section natin. Hindi mo ba alam yun?". wika sa akin ni Troye.

"LAHAT ng taong narito maaring nagbabalatkayo lamang. Mga nakamaskara at pilit na pinagtatakpan ang mga sikreto ng bawat isa. Eala tayong magagawa kung hindi ang makipagsapalaran." Inaamin kong medyo naguluhan ako sa taguri niyang iyon. Ngunit wala akong magagawa. Nanlaki ang mga bilugan kong mata sa pagkabigla at gamuntikang maisuka ang kinakain kong kettle corn popcorn .

"I'm sorry" mahinang paghingi ng paumanhin niya sa akin. Hindi ko alam pero kung totoo man ang sinabi niya. Maniniwala ba ako? Kaya ko bang ibigay ang btiwala ko sa kaniya kung gayung sa kaniyang mga bibig na rin nanggaling ang mga salitang binitawan niya? karapat-dapat ba siya sa tiwalang ibibigay ko.

Hindi ko alam.

Siguro nga mali ang akala ko...

Sana nga, Sana lang talaga...


Anong magagawa ko gayong isa lamang akong transferee sa Terror University?.

---------
Hi po!
Unedited po ang story na 'to. maraming typo grammatical errors and such. If hindi mo trip magbasa ng horror stories. May iba pa kong stories na para sayo. hehe.

Thanks for the love and support!
Don't forget to vote, comment and recommend. ❤️

Lovelots🌷
-themisteriousjuan

TERROR UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon