Patuloy na napaligiran ng dilim ang lugar kung saan ako dinala ng musmos na si Rosalie.
Nakita ko rin ang lalaking araw-araw kung nakikita sa aking panaginip. at ang lalaking nakasuot ng puting barong. Hindi ko inaasahan ang lahat ng mga nangyayari. Hindi ko maintindihan kung papaanong naging magkakakilala sila.
"Nakita mo na ate, naalala mo din ba noong minsan binalaan kayo ng isang matanda".
Wala akong maalala sa mga sinasambit niya. ngunit, nakatitiyak akong parte lamang ito ng isang pagsubok. malamang sa malamang ay isinailalim niya ako sa isang laro.
Larong hindi ko alam o sa madaling salita, ay walang kasiguraduhan kung magtatagumpay nga ba talaga ako o hindi.
All I know is that everything happen in a blur. wala akong maalala pero bakit parang kapag siya ang nagsasalaysay ng buong pangyayari ay nasaksihan niya ang lahat?
Papaanong ang isang musmos na batang babae ang nakasaksi ng mga ito?
Lahat ng mga bagay na narito ay walang katiyakan. katulad na lamang ng sinabi ko na ang Buhay ay isang matinding pagsubok. Isang matinding paligsahan.
Sa pagitan ng mga nabubuhay at mga pumanaw na. At tulad ng ilan, inaamin kong takot ako sa dilim. takot akong harapin kung anuman ang hatid nitong surpresa.
"Naalala mo na rin ba kung paano ako nagmakaawa sa inyo na tulungan ako?" malungkot na sambit ng bata at katulad ng paulit-ulit nitong ginagawa . nagbago na naman ang kanyang hitsura. ang tono ng kanyang pananalita ay nabahiran ng pagkagalit.
" You see, kayo ang gusto kong sisihin sa pagkawala namin nila Mama at Papa."
"An-anong pinagsasabi mo? naguguluhan ako" nanghihinang bulong ko. pakiramdam ko ay unti-unti na akong pinanghinaan ng loob. pakiramdam ko ay pinagsakluban na ako ng langit. nagsisisi ako sa mga sinasabi niya
Sa bawat salitang binibigkas niya at sa mga kwentong ibinabahagi niya"
Ngayon alam ko na...
Malapit na kong maliwanagan.
BINABASA MO ANG
TERROR UNIVERSITY
رعبWelcome To Terror University [Date Started: Feb.07,2017] To Be Published Highest Rank Achieved: #2 in Horror Other ranking includes: #2 in Plot as of Aug/8/2018 ----- Halika, Tuloy ka Huwag kang matakot Hindi kita sasaktan Tara, laro tayo Hind...