Nang dahil sa ibinahagi niyang karanasan niyang yun sa akin. unti unting nagkaroon ng kaliwanagan ang aking pagiisip. sa sandaling panahon na yun. marami akong natuklasan.
"Marami pa po kayong hindi nalalaman ate" saad muli nito at naglakad patungo sa palaruan. kung saan naupo siya sa see saw at kinapitan ang bakal na hawakan.
"Ano naman yun?" Ako
"Gusto niyo po bang malaman kung anong nangyari noon?" pangungumbinsi nito sa akin.
"Sigurado po ba talaga kayo, ate?" muling tanong nito sa akin at kaagad na tumayo sa sinasakyang see saw, may itinuro itong lugar ngunit hindi ko iyon makita.
"Bakit, hindi ko makita?" Duda ko sa mga sinambit ng batang babae na kung tawagin ay ROSALIE.
"Basta, ate sumama ka lang sa akin" aya nito sa akin kaya kumapit ako sa kamay niya ngunit, nang makalayo na ako sa mga kaibigan ko kaagad na nagbago ang tono ng pananalita nito.
"Ngayon, wala ka ng kawala hahaha" nakapagtatakang wika nito
Ngunit ang isa sa mga lalong nagpatakot sa akin ay ang Labis na Kadiliman
Bakit wala akong makita...
Patay na ba ako...
***
Sa sandaling yun, puros dilim ang sumalubong sa aking mata. bakit ako natatakot sa dilim. hindi ko alam. ano nga ba talaga ang dahilan?
Muling napalibutan ang aking paningin ng kadiliman---Kadiliman na hindi ko alam kung hanggang saan ako dadalhin. may pag-asa pa nga ba talaga kaming makaalis sa sinumpang paaralan na ito.
Nang iaangat ko ang aking ulo upang tumingala. Isang ala-ala ang nanumbalik sa aking isipan. sa sandaling panahon na iyon. Napansin kong inililibot niya ako sa sinaunang panahon. kung saan masaya pa ang lahat ng mga naninirahan dito.
"Ngayon ate, naniniwala ka na ba sa mga sinasabi ko?" ani nito habang humahalakhak ng bahagya. "Teka ate, baka naman hanggang ngayon naguguluhan ka pa rin?"
Masyadong magulo, paanong nangyari ang mga ito?
Ni hindi ko alam kung paanong biglang nagbago ang lahat. kaya pala maaga pa lang ay lumaki ako sa lola ko. Yung lola ko na ang tumayong pangalawang magulang ko.
Ngunit ang pinagtataka ko ay kung sino yung mga taong pumatay sa kaniya.
Maraming pangarapna ang nawasak
Pero this time, alam ko na. unti-unti ng nagiging maliwanag sa akin ang lahat.
"Ngayon, ate naniniwala ka na ba sa akin?"
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko. ngunit ayaw ng sistema kong tanggapin ang lahat.
AAAAAAAAAAAAAAA!!!
Nagpakawala ako ng napakahabang hiyaw
BINABASA MO ANG
TERROR UNIVERSITY
HorrorWelcome To Terror University [Date Started: Feb.07,2017] To Be Published Highest Rank Achieved: #2 in Horror Other ranking includes: #2 in Plot as of Aug/8/2018 ----- Halika, Tuloy ka Huwag kang matakot Hindi kita sasaktan Tara, laro tayo Hind...