Ikawalong Kabanata : Larawan ng nakaraan

95 7 3
                                    



"Psst Psst tulungan mo ako " 

Hindi ko mawari ang mga nangyayari. kung ito ba'y isang sumpang pilit na  sa ain ay gumagapos. sa aking  ordinaryong mundo. sa mundong aming ginagalawan. may tinig na sa akin ay gumagambala. mga tinig ng iba't ibang elemento ang sa akin ay nakapaligid.

Napakarami nila hindi ko man sila nakikita ito naman ay aking nadarama.

Sa aking pagdilat ay isang bagong umaga ang sa akin ay bumungad. kinuha ko ang alarm clock na sa gilid ng aking kama.  mabuti na lamang at nalabanan ko pa ang nilalang na yun. 

Sa aking paglalakad sa lumang silid ay nakakita ako ng mga lumang larawan. isang tanong ang sa aking isip ay nabuo. 

Sinu-sino ang mga taong nanirahan dito, o ano ang kinalaman nila sa mga nangyayari sa akin ngayon. Ang paglipat ko sa Terror University, ang unti-unting pagbabago ng aking buhay. ang dating normal at payak kong pamumuhay ay naglaho. ang pagpaparamdam sa aki ng batang babae na ayaw ipakita ang tunay nitong pagkakakilanlan.

Masasabi ba natin na ang buhay natin ay isang laro lamang? Maaari bang mabigyang buhay ang mga nilalang na sa ating magulong isipan lamang nananatili. maari ba silang pumasok sa realidad? 

Sa Realidad na lubhang kakaiba. ako nga lang ba talaga ang naiiba o maging sila ay biktima? Maraming bagay na ang unti-unti kong pinagtatagpi-tagpi, para akong pinaglalaruan ng tadhana.  

Tila nakikisabay ito sa akng mundo. sa mundo naming mapanglaro't mapangapi.

---

Mayamaya pa'y napakinggan ko ang munting musika sa natagpuan kong music box. Nang hawakan ko ito'y mababanaag ang isang sikretong nakaraan. ang isang sikreto ng batang noo'y masaya ngunit ngayo'y puno ng hinagpis, ng pait  at kalungkutan.

Malungkot ba talaga ang mundo? 

Para saan ba talaga ako nabubuhay? ano ang aking misyon ?

Ano ang dahilan kung bakit ako napadpad sa paaralang ito?


Ayaw ko na ng ganito... 

Gusto ko ng makawala pero 

Paano sila? paano kaming lahat?


TERROR UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon