IKALABINGTATLONG KABANATA: TINIG

59 5 0
                                    


~***~

Napalingon kaming lahat sa kinaroroonan ng tinig ng matanda. hindi naman ito makita ngunit ito nama'y aming nararamdaman, kung minsan talaga mapaglaro ang mga bagay-bagay. Napansin naming lahat ang pagpatay sindi ng mga ilaw. ang dahan-dahang pagbukas ng pinto sa kabilang kwarto. at ang mga yabag ng mga kaluluwang animo'y sabik na sabik kaming muling makita.


Ewan ko . malamang sa malamang ang lahat ay nakaranas din ng katakot takot na karanasan. 


At sa mga sandaling iyon. hindi na namin maigalaw ang aming katawan. Para kaming na-hypnotized dahil sa musikang itinutogtog ng batang babae. nakasuot ito ng kulay puting blusa. kapansin-pansin din ang hawak nitong manyika.


"Tara laro tayo....."  ani nito habang masayang tumatakbo takbo sa hardin ng terror university. Sumunod  na ginawa nito ay nagtungo sa may playground kung saan siya nakasakay sa see saw at sa kabilang bahagi naman ng aking paningin ay isang lalaking nakasuot ng barong.


"I knew it. Sila yung nakita ko before" Naguguluhang sabi ko sa iba pa naming kaklase. Nagtungo kaming lahat sa pinakadulong bahagi ng paaralan kung saan madalas pamahayan ng mga sinasabi nilang "Kaluluwang ligaw". 


"Are you sure?" Ani ni Ezekielle habang nanginginig ang mga kamay nito. kasalukuyan niyang hawak ang lampara na sinindihan namin kanina lamang. 


Sa isang iglap lang ay nawala ang batang babae.


Naglaho itong parang bula...


"Nasaan na yung bata? napansin niyo ba guys?" 


Ilang sandali ang lumipas ay nakarinig kami ng kakaibang ingay mula sa likuran namin. May nagbabasag ng mga plato. lumulutang ito na parang hinahabol kaming lahat. mabuti na lamang at mabibilis kaming tumakbo. ngunit ...


"Guys wait, si Grace nasugatan siya " nagsilapitan kaming lahat at aming nasaksihan ang bahid ng dugo sa sahig.


"What happened?" 


"I dont know, bigla na lang akong nagkaroon  ng sugat"  nanghihinang tugon ni Grace sa amin habang kapit-kapit pa rin ang nasaktang bahagi ng katawan. 


"Okay sige tulungan niyo kong buhatin siya sa clinic para mabigyan agad ng first aid. " ani ni Troy na inaalalayang tumayo si Grace mula sa pagkakahiga.

Nagtulungan ang mga lalaki na dalhin si Grace sa school clinic subalit nagpatay sindi ang mga ilaw. 

"Hey. it isnt funny". iritableng saad ni Ruth 


TERROR UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon