1

263 10 0
                                    

ONE

To: Erynne Lee (erynne_lee@yahoo.com)
Subject: Day 1

Dear Erynne,

Hi loves! Kumusta ka na? Nakakain ka na ba? Nandito na pala ako sa America, kasama ko na rin yung co-members ko. 'Wag kang mag-alala, okay naman kami dito. Alam mo bang ikaw agad ang unang pumasok sa isip ko nang mag-arrive kami dito? Alam ko kasi gusto mong masubukan na magjacket ng madami dahil sa lamig. Nakakatawa nga kasi ang dami kong suot na jacket ngayon, loves. Ang lamig dito. Namimiss ko tuloy agad yung mga yakap mo. Haaay, kung pwede lang na umuwi agad ako diyan gagawin ko eh kasi hindi pwede.

Loves, mag-iingat ka diyan sa Pilipinas ah? Email mo lang ako kapag may problema ka o kung gusto mo ng kausap. Video call tayo palagi ah? Tatawagan din kita kahit mahal ang international calls. Lahat gagawin ko para lang maramdaman ko na malapit ka pa rin sakin.

I love you so much, loves. Ingat ka ah? ;)

-Winwin

Memory | NCT WinwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon