Twenty Five
"And the winner is..."
Lahat sila kinakabahan. Sino ba banang hindi? Dumating na ang oras para i-announce na ng host kung sino ang mananalo sa competition. They're all worried.
"'Wag kayong kabahan. Kahit na ano man ang maging resulta, be happy. At least we did our best" wika ni Taeyong sakanyang mga ka-grupo. Lahat naman sila ay tumango sa sinabi ng kanilang leader.
Kasabay ng bawat pagsigaw ng mga manunuod ay ang di maitatagong kabang nararamdaman ng bawat kalahok na naglalaban-laban para sa championship.
Lahat ng mga kalahok ay nakayuko lamang, nagdadasal na sana... Sana sila ang manalo. Sana ang kanilang grupo ang magtagumpay na makakuha ng trophy at prize sa labanang iyon.
"Neo Culture Technology!"
Naghiyawan ang maraming tao nang marinig ni Winwin at ng kanyang kagrupo na tawagin ang pangalan ng kanilang group.
Totoo ba? Totoo bang sila ang nanalo? Nakita niya si Taeyong at Taeil na naluluha pati si Haechan. Sila Doyoung, Yuta, Johnny, Mark at Jaehyun naman ay hindi makapaniwalang nanalo nga sila.
Pumunta agad silang lahat sa gitna ng stage para kunin ang trophy nila at saka sila nag-grouphug. Hindi talaga nila in-expect na sila ang mananalo dahil marami ring magagaling sa mga nakalaban nila, but they're thankful because they won.
"Langya! Ang saya saya ko!" Natutuwang sabi ni Doyoung nang makababa na sila ng stage.
"Oh? Talaga? Sige nga, paano yung masaya?" natatawang wika ni Jaehyun kay Doyoung
"Ganito oh. Waaaaaah! Ang saya saya!" sabi ni Doyoung
"WAAAAH!" ulit pa ni Doyoung at nagtatawanan lang ang ibang members lalong lalo na si Winwin "Luh langya ayoko na nga pinagti-tripan niyo nanaman ako."Tumawa ulit silang lahat.
"Oh group hug ulit!" sigaw ni Haechan at nag-group hug nga sila ulit.
MAKALIPAS ang sampung minuto ay bumalik na sila sa kanilang dressing room. Lahat sila ay nagbibilis na ng pamalit pero si Winwin ay nagdesisyong tawagan muna ang kanyang girlfriend.
"Erynne, nanalo kami!" masayang wika ni Winwin, hindi nga mawala ang ngiti sakanyang mukha habang sinasabi niya iyon sa girlfriend niya.
[OMG! Talaga ba, babe? I'm so happy for you. Masaya ako sainyo.] tuloy-tuloy na sabi ni Erynne sakanya ngunit kahit gaano kabilis nito sinabi sakanya iyon ay napansin niya pa rin ang sinabi nitong 'babe' sakanya.
"Babe?," nagtatakang tanong ni Winwin kay Erynne "Anong babe? Loves ang tawagan natin, Erynne." seryosong wika niya
Nang sinabi niya iyon ay biglang hindi sumagot ang girlfriend niya.
"Erynne? Are you still there?"
[Oo naman. Masama bang babe ang itawag ko sayo? Hindi ba pwede yun?]
"Hindi naman sa ganun kaso sa 2 years nating magboyfriend-girlfriend ngayon mo lang akong tinawag na babe."
Hindi maiwasan ni Winwin na hindi magtaka dahil naaalala pa niya ang napagkasunduan nila dati....
"Dapat Erynne or loves lang ang itatawag mo sakin ah?" nakangiting wika sakanya ni Erynne.
It's their 1st year anniversary at doon lang nila napagka-sunduan na loves at real name lang nila ang tawagan nila sa isa't isa.
Tumango naman siya bilang sagot "Winwin, Sicheng or Loves lang dapat ah?" dagdag pa niya
"Promise. Yun lang."
Tumango rin si Erynne at saka niyakap siya nito.
[Ayaw mo ba nun, loves?] tanong sakanya ni Erynne
"Ayoko nun. Hindi mo na ba matandaan yung sinabi natin sa isa't isa noong 1st anniversary natin?" malungkot niyang wika.
How can she forget it? How?
[Ahhh.]
Nasaktan siya.
He should be happy because they won but he can't be happy because Erynne forgot their promise to each other.
Promises are meant to be broken indeed.
"Bye, Erynne. I have to go."
[I'm sorry, Winwin]
BINABASA MO ANG
Memory | NCT Winwin
Short StoryMemory | Winwin Epistolary #1 Will you still be loyal if he left you to pursue his career abroad? Are you willing to wait for him to comeback even if it's hard for you? What will you do if all of your happy moments with her will be just.... a painfu...