BEKS 5: TRANSFEREE

1.3K 68 5
                                    

Kailee's POV



Napakaganda ng week na ito para sa akin. Alam niyo kung bakit? Napakaganda kayang araw-araw mabwisit at pagtripan ng mga taong akala mong ipagtatanggol ka. Hayup!



Kung hindi na nagpabili pa ng pagkain sa Jollibee itong si Kyla edi sana hindi kami malalate sa klase. Buti nalang pwedeng pumasok sa Recess time kapag late ka ng first subject.




Habang inaantay ang recess ay nagstay lang kami  sa correigdor na malapit sa room namin ni Kaicee at pinauna na namin si Kyla dahil sa kabilang building pa siya.




"Kung gagawin yun ulit ni Kyla, ipapaiwan ko na siya sa loob ng fast food chain at mag-isang pumasok, ang aga-aga ng pasok tapos pagkain agad! Nyeta naman oh" inis kong sabi kay Kaicee habang naglalakad kaming papuntang room. Nagbell na kasi kaya recess na, so sure akong kaunti lang ang tao sa room.



"Alam mo, wag ka ng maginarte diyan, nangyari na at nalate na tayo kaya wala ka ng magagawa okay? Chill ka lang baka maging bisugo na yang mukha mo diyan" aniya at humalakhak pa. Diba? Kaysa pagaanin ang loob mo iinisin ka pa. How rude diba?




"Ang saya mo rin kausap eh noh? What the!" Ani ko at napasigaw ako dahil taong nakaupo sa upuan ko at kausap pa ito ni Evo. Letse! Ang aga naman niya akong palitan. Hays




"Wag kang magassume, walang KAYO!" Ani ni Kaicee at nauna ng pumasok sa room kaya sumunod na ako. Sa lahat naman kasi ng pwedeng upuan yung akin pa at sa lahat pa ng kakausapin niya yung crush ko pa.




Ganito ba talaga kapag bakla? Laging malungkot? Kung may lalaki lang kasing kayang tumanggap at magmahal ng mga kagaya ko masaya na sana ako kaso walang ganun. Imposible, ngayon hindi ka mamahalin kung wala kang pera.




NO MONEY, NO BOYFIE...




Pero hindi ko kailangan magbigay ng pera makuha lang ang pagmamahal na nais ko at kung wala naman may prince charming naman ako eh at si Kaicee yun, mahal na mahal kaya ako ng kakambal kahit na napakamapang-asar at pilyo siya.




Hay nako! Cheer up Kailee! I am confidently beautiful with a brain. Yan ang kailangan ko para magtagumpay sa buhay at para hindi magmukhang kawawa bandang huli. Aja!




Tumayo ako sa harapan ng aking upuan kung saan nakaupo yung babae. Nagulat si Evo baka akala niya aabsent ako. No! Hindi ako ganun unless kung may sakit ako.



"Oh Kaicee, akala ko ba hindi ka malalate? Anong ginawa mo?" Aniya at nagtaas kilay pa. Andaming alam ah? Big word pala sa kaniya na nalate ako. Haha!




"Miss, dito ka ba nagkaklase? Kasi nakaupo ka sa upuan ko eh" kalmadong pagtataray na sabi ko sa babae. Maganda siya at maamo ang mukha pero mas lamang ako dahil makinis ako! Haha




"Opo, actually transferee ako at wala namang nakaupo dito kaya dito ako umupo, pasensiya na" aniya at ningitian ako. Plastic ka! Bwisit, gusto mo lang masolo si Evo eh. Hindi ako makakapayag.



"Pwede bang lumipat ka ng upuan kasi nauna na ako dito eh, tsaka marami pa namang bakanteng upuan dito eh" kalmadong sabi ko pero wala paring paggalaw itong babaeng ito. Nako! Masasabunutan na kita.




"Kailee, masyado naman yatang rude kung papaalisin mo pa ang isang babae dito, magpakagentle man ka naman oh" biglang singit ni Evo. So, kinakampihan niya pa itong bobitang ito? Gentleman? No way!



"Bakit ako magpapakagentle man? Eh babae ako" taas kilay kong sabi kay Evo. Totoo naman eh kung mahaba lang yung buhok ko eh! Nako.




Ang Torpeng BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon