BEKS 9.2: Film Making

1K 58 2
                                    

Kailee's POV

Napag-isipan kong i-film muna ang pagmamahal bilang kaibigan dahil malaki ang maitutulong ng field para sa'min.

Andami kasing ideas ang pumapasok sa isip ko pero mahirap siyang ilabas at ipaliwanag dahil hindi ko na naman alam ang exact words para dun.

"May suggestion ako 'bout the skit of the film" Nakangiting sambit ko sa kanila habang nakataas pa ang aking kanang kamay. Parang bata lang eh noh?

"So anong suggestion mo Kai?" Si Michaela naman ang sumagot.

"Maganda siguro kung ipapakita natin ang napakalaking field na 'to para maipakita ang pagkakaibigan nating lahat" nakangiti ngunit seryoso kong sambit.

"Magandang suggestion yan Kai! Ano guys? Agree ba kayo?" Tuwang-tuwa naman si Michaela sabay palo sa braso ko. Anlakas eh parang nagkalas-kalas pa yata yung mga buto ko.

"Yeah! Pero paano?" Si Evo naman ang nagtanong. Halatang naguguluhan siya sa gusto kong mangyari.

"Haha! Magpapagulong-gulong tayo sa field habang naka-video" pang-aasar ni Kaicee kay Evo. Loko ring 'tong kakambal ko na'to eh walang magawang magaling.

"Huwag kang maniwala diyan! Maglalaro lang tayo, tas sa team building natin maipapakita natin ang pagmamahal natin sa isa't isa" ani ko sabay tingin sa kaniyang mga mata. Wala yata sa mundo 'tong lalaking 'to.

"Ahhh alam ko na 'yan" aniya at nagthumbs-up pa. Kainis lang ah? Alam niya na pala tas sasabihin kung paano gagawin. Papansin lang eh noh?!

" So lets start?" Pagtatawag pansin ni Nikko kaya tumayo na kami para maghanda. Retouch muna ang lola niyo.

Nagsimula na kaming mag-film. Team Building ang kasalukuyang ginagawa namin pero parang larong kalye lang 'to dahil puro habulan at agawan base lang ang ginagawa namin.

Kaming dalawa nalang ni Chloe ang natitira sa grupo namin dahil nakuha na nila si Michaela't si Kaicee naman ang nakuha namin. Papatunayan namin na kaming mga babae'y hindi nagpapatalo. Akala mo talaga eh noh? Haha

Group A is for Boys at Group B naman for Girls. Si Nikko naman ang aming videographer na nahihirapan sa pagkukuha ng magandang anggulo sa pagvivideo niya.

"Chloe, bantayan mo ang base natin dahil ako ang susugod sa kanila, Okay?" Seryosong sambit ko sabay punas ng pawis ko. Medyo hinihingal ako ng sobra, sana huwag naman ngayon.

Tumakbo na'ko sa kanila't si Evo naman ang sumunod na tumakbo kaya agad akong lumayo upang hindi niya ako mahabol, nahihilo na'ko.

Unti-unting nag-aagaw ang liwanag at dilim sa paligid ko. Oras ko na ba?

*****

Kaicee's POV

Napaka-kulit talaga ni Kailee. Alam naman niyang may sakit siya eh go lang ng go sa lahat ng bagay at hindi muna nag-iisip bago magdesisyon. Bahala na nga siya sa buhay niya, napakahirap kasing pangaralan eh.

"Tagu-taguan tayo!" Paanyaya ni Michaela. Hapong-hapo kami sa paglalaro namin kanina pero kaming mga boys parin natalo't inis na inis ang mga babae.

"Tara! Game!" Bibong-bibo na sagot ni Kailee na ikinakunot ng noo ko. Isip-bata talaga ang kakambal kong 'to.

"Oy Lee! Umayos ka" pagpapaalala ko sa kaniya't tinanguan niya 'ko sabay irap. Tsss...

Ang Torpeng BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon