BEKS 20: Misunderstood, Care and Hurt

937 34 2
                                    

Kailee's POV

Tuesday ngayon and fortunately bigla kaming nawalan ng klase just because may gagawing activity sa room namin at wala kaming ibang room na pwedeng pagklasehan kaya nagkita-kita kami sa 7-Eleven para sabay-sabay kaming pupunta kila Evo para gumawa ng research namin.

Pagkatapos ng ilang araw na pananatili ni Evo sa bahay ay wala namang ibang masyadong nangyari, bukod lang sa pagiging masyadong makulit at clingy ni Evo sa akin.

Aaminin ko na kinikilig ako sa ginagawa niya pero hindi ko parin pwedeng hayaang mahulog ako sa kanya dahil alam kong ginagawa niya yun because he loves me as a brother at dun lang yun matatapos kaya di ko na kailangang umasa pa dahil baka masaktan lang ako.

Sa totoo lang masakit din sa pakiramdam ko na tinatago ko 'tong nararamdaman ko para kay Evo. Gustong-gusto ko nang magconfess sa kanya pero di ko magawa dahil baka pag sinabi ko sa kanya lahat eh magbago ang pakikitungo niya sa'kin o kaya naman baka magalit siya sa'kin dahil binibigyan ko ng malisya yung pagkakaibigan at yung pagiging sweet niya sakin. Mas ok na yung gantong magkaibigan kami kaysa naman mawala pa.

"Masyado nanamang malalim 'yang iniisip mo teh" napaligon naman ako bigla kay Michaela. Hays oo nga eh, madalas bigla nalang akong natutulala tas tatawa mag-isa.

"Hindi naman, may naalala lang ako kaya ganto." Sagot ko sa kanya.

"Sus, sino naman naalala mo?" Tanong niya sabay abot ng isang biscuit at yung giniling with rice na tig-29 pesos.

"Bakit sino? Dapat ano!" Sagot ko naman. Kailangan agad tao yung naalala ko, hindi ba pwedeng bagay yung naalala ko.

"Ang defensive mo naman teh, napapaghalataan ka! May jowa ka na noh?" Sabi niya sabay kiliti sakin. Hindi nga ako gusto ng crush ko tapos magkakajowa ako? Patawa talaga 'tong si Michaela.

"Sinong may jowa?" Napalingon kami sa nagsalita, si Evo pala. Kakaakyat lang nila ni Nikko dahil umorder pa sila ng pagkain sa baba. Isa pa 'tong lalaking 'to eh, tsismoso din.

"Lagi kasing nawawala sa wisyo itong si Kailee, parang kinikilig dun sa iniisip niya, baka kasi may jowa! Haha" paliwanag ni Michaela. Natawa naman ako, sana nga jowa ko nalang si Evo.

"Nako! Baka nga. Manlibre ka naman jan Kailee!" Inirapan ko nalang si Nikko. Nakisabay pa sa kabaliwan nitong si Michaela.

"Tss. Wala siyang jowa, nagusap na kami niyang si Kailee na sakin muna dadaan yung mga manliligaw niya, diba Kai?" Tumingin siya sakin at kumindat. Tae parang malulusaw ako!

"Che! Dami mong alam tay kumain nalang tayo" Lakas makatatay eh, baka sa susunod niya pati buhay ko diktahan na nitong lalaking to.

Nagtawanan lang sila. Yan tayo eh, lagi nalang akong trip nila sa mga asaran. Pagkatapos naming kumain, agad kaming sumakay papunta sa bahay nila Evo.

Pagdating namin dun ay nagpaalam agad akong uuwi muna at magpapalit ng damit since ilang kanto lang yung pagitan ng bahay namin nila Evo kaya umalis nako agad.

Pagkapasok ko nang bahay akala ko ako lang yung tao yun pala nakasunod sakin kaya umamba ako ng suntok pero buti nalang di ko gaanong nalakasan.

"Evo! Kaw pala 'yan. Bakit mo ko sinundan dito? Magpapalit lang ako diba? Di naman ako matatagalan masyado." Pero parang walang narinig yung kumag.

"Sabihin mo sakin yung totoo, may boyfriend ka na ba?" Nagulat naman ako sa tanong niya. Naniwala siya dun sa kahibangan ni Michaela.

"Baliw ka ba? Wala nga diba. Ang kulit-kulit mo!" Naiirita na talaga ako. Wala naman kasi talaga eh.

Ang Torpeng BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon