BEKS 7: D-Date

1.2K 61 5
                                    

Kailee's POV

Maaga akong natulog kagabi at maaga rin akong pumasok ngayon. Ganun naman talaga diba? Ang nakakapagtaka lang kanina ay pati sila dad ay napaaga ang pasok, ano ito lukso ng dugo? 😂

Its exactly 5:47 in the morning at dalawa palang kami dito sa room ni Kaicee. Nako! Kung magisa lang ako dito hindi ako papasok sa loob. Alam niyo na baka makakita ako ng multo na ayoko ng maulit muli.

Totoo ang nangyaring kababalaghan sakin noong 7 years old palang ako. Its Nov 1. that time at busy ako nun sa kung ano-anong sinusulat ko then mom ask me to knock in Kaicee kasi kakain na kami ng dinner at dahil masunurin pa ako dati'y umakyat ako.

Hindi pa ako nakakaakyat sa pinakataas ay may bumungad sa aking isang babaeng nakaputi na may sobrang habang buhok pero hindi ko nakikita ang kaniyang mukha at wala akong balak makita yun.

Nagsisisigaw ako sa nakita ko at tuluyan na akong nagcreep out hanggang mahulog ako sa hagdan at mawalan ng malay. Yun lang, ayoko ng mga ganung pangyayari baka makapatay lang ako. Haha!

Syempre kaunti lang ang maniniwala sa kuwento ko at hindi kasama dun ang kakambal ko dahil ginagamit niya ang kahinaan kong ito para lagi akong takutin pero dahil halos paulit-ulit nalang ang pananakot niya hindi na siya nakakatakot. You know? CORNY na.

Para hindi ako magsimulang maboring ay sinalpak ko na ang headset ko and play random music. Gusto ko ganito kapag bored ako pero kapag sasayaw ako Kpop ang kantang ginagamit ko.

Kakaunti palang yung mga taong dumadaan kanina pero ngayon medyo dumadami na kaya ayos mukha na muna mabait na estudyante na muna ang peg ko ngayon.

Dahil nauna ako dito, naupo ako ulit sa upuan na gamit ko simula first day. Ipaglalaban ko itong upuan na ito na akin at hindi kay Chloe, kung makikipagmatigasan siya sa Guidance Office siya pupulutin.

"Oh bakit lumayo ka?" Sita ko kay Kaicee dahil nagleave siya ng isang bakanteng upuan sa tabi ko at naupo sa kabila. Anong balak nito? "Anong meron?"dagdag ko pa.

"Diyan mo nalang sa tabi mo paupuin si Chloe kaysa naman sa likod pa siya magpunta" aniya sabay kindat. Sus, popormahan mo lang naman siya Kaicee. Nako! Kilalang-kilala ko ang kaluluwa ng mokong na ito kaya wala siyang maitatago sakin.

"Ahhh K" yun na lang ang tanging naisagot ko. Wala naman akong galit kay Chloe eh, pinapakiramdaman ko lang siya kung totoo ba siya o nagkukunwari lang. Magpapaka-Imbestigador ako.

Maya-maya pa'y nakita kong papalapit na sa room si Ybarra pero hindi siya nagiisa dahil kasama niya si Chloe.

Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso ng makita silang ganun, masakit na yung taong akala mo para sayo'y  mapupunta lang sa ibang tao na alam mong mas deserve mong mapunta sa kaniya at sa kahit na anong pagsubok naman ang dumating ay sikap-tiyaga lang ang kailangan para mas maging matatag. Ang eme ko ba?

Agad akong nagayos ng upo ng makalapit na sila sa akin pero hindi ko sila tinitignan at tanging paa lang nila ang nakikita ko.

"GoodMorning Kailee"  bungad ni Evo Nakakagulat ang kaniyang pagbati, hindi ko inaasahan yun. Emegesh!

"GoodMorning din" sagot ko sabay ngiti sa kanila. "Kailee, pwedeng maupo sa tabi mo? Kung pwede?" Tanong naman ni Chloe sakin kaya napatingin ako sa kaniya.

"Sure, pinaglaanan ka talaga ni Kaicee ng upuan" ani ko sabay turo sa kakambal ko kaya napakamot ulo nalang si Kaicee. Sus! Nahiya pa si gago, gusto rin naman.

Maya-maya'y dumatung na ang teacher namin sa MAPEH siya ang first period namin at napakasungit niya. Kahit bulong mo sa katabi mo ay mapapansin, baka nga sa susunod pati tunog ng paghinga ay ipagbawal na niya. Palibhasa matandang dalaga. Haha!

Ang Torpeng BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon