BEKS 12: Happy Together

988 45 1
                                    

Evo's POV


Ang himbing ng tulog ni Kailee na parang isang sanggol na walang muang at inosente sa lahat ng bagay. Ang mga mahahaba niyang pilik-mata, mala-rosas na labi at ang mahaba't makinang na buhok ay masyadong nakabibighani sa aking paningin.




Hindi ko alam kung ano ang mga ginagawa ko kapag nararamdaman ko ang presensiya niya sa paligid. Naguguluhan talaga ako, promise.



Sa kabila nito ay isa lamang ang sigurado ako, mahal na mahal ko si Kailee bilang isang MATALIK NA KAIBIGAN at para ko narin siyang kapatid.



Himala nga na agad naming natapos ang project namin kahit na next month pa ang deadline nito pero wala namang napaka-imposibleng gawin kapag nandiyan si Nikko basta sagot mo na ang place at pagkain niya'y siya na ang bahala sa lahat ng bagay.


Hindi mawala sa isip ko yung part namin ni Kailee sa video na nag-nose to nose kaming dalawa para maipakita lang na ang pagmamahal ay hindi lamang sa pagitan ng babae kundi sa lahat ng kasarian ng tao na mayroon ngayon.


Hays, kung ano-ano nanaman iniisip ko ngayon. Makababa na nga tutal nagugutom narin naman na'ko.


Pagkababa ko'y naabutan kong nagkakape't kumakakain ng almusal ang papa nila Kailee at ang kaniyang kambal na si Kaicee. Agad silang napalingon ng mapansin ang aking pagbaba galing hagdanan.



"GoodMorning po" bati ko sa kanila ng makaupo ako sa lamesa.



"Tara na tol kain na tayo! Gising na ba si Kailee?" Bati sa'kin ni Kaicee. Nagulat naman ako ng hinanap niya sa'kin si Kailee. Haha!

"Tulog pa eh, gisingin ko na ba sila?" Nakangiting sagot ko sa kan'ya bago ako maghain ng aking pagkain.


"Mamaya na, buti nalang nagising ka ng maaga dahil gusto kitang makausap tungkol kay Kailee"
Medyo kinabahan ako sa sinabi ng papa niya pero mukhang importante ang nais niyang iparating sa'kin.



"Bakit po? Anong mayroon kay Kailee?" Naka-ngiting tanong ko sa kaniya pero sa totoo lang ay kinakabahan ako.


"Sinabi sa'kin ni Kaicee na ikaw ang bestfriend ni Kailee, tama ba?" Tumango lamang ako.



"Gusto ko sanang ikaw ang laging umalalay sa anak ko kapag wala kami sa tabi niya at huwag mo siyang hahayaang maging malungkot" ma-emosyonal na sabi ng kaniyang ama. Napalingon ako kay Kaicee at nakikita ko rin ang kalungkutan sa kaniyang mga mata.



"Oo naman po't makakaasa kayo pero bakit niyo po inihahabilin sa'kin si Kailee?" Nagtataka talaga ako sakanila.


"Ka-kasi-"



"GoodMorning Pa!" Napatigil sa pagsasalita si tito kaya napalingon kami sa nagsalita. Si Kailee pala.




"Anak, kumain na kayo dito't mag-ayos na kayo para maihatid ko na kayo sa school para hindi kayo malate" ani ni tito bago muling umakyat sa hagdan. Hindi na niya sinabi yung naputol niyang sasabihin.




Pagkadating namin sa campus ay agad kaming nagtungo sa aming classroom para antayin ang first subject. Sa pagkaka-alam ko kasi may graded-recitation kami sa MAPEH. Shit! Terror pa naman yung teacher namin dun!!!


*****



Filipino time na at ngayong oras din kami magpapasa ng project namin para mabigyan kami ng kahit na maliit na incentives galing sa kaniya.

Ang Torpeng BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon