BEKS 28: Lovenat

627 32 2
                                    

Kailee's POV

Kasalukuyan akong nag-aayos ng sarili dahil may pasok kami ngayon. Quarter to seven nadin kaya medyo binibilisan ko na, baka malate pa'ko e.

*kring*

Napalingon ako sa phone ko, wala naman akong inaasahang tatawag sa'kin at mas lalong ipinagtaka ko dahil unknown number ito.

"H-hello?" alanganing sagot ko dito.

"Goodmorning Kailee, si Yuno 'to kuya ni Evo." bati nito sa akin. Napa-ooh nalang ako pero paano niya nakuha ang number ko?

"Ikaw na agad tinawagan ko kasi alam kong ikaw ang pinaka-close nitong si Evo. May ipapasuyo sana ako sa'yo"

"ano po yun?" sagot ko.

"Nilalagnat kasi si Evo ngayon, eh may pasok ako sa work ngayon, walang magbabantay sa kanya. Okay lang ba kung ikaw muna bahala sa kaniya?" panunuyo ni Kuya Yuno sa akin.

"Nako kuya may pasok po kami ngayon eh. Malaki naman na si Evo, kaya na niya yan." sagot ko dito. Gustuhin ko man pero ayokong umabsent.

"Sige na pumunta ka na, ako na bahala sa magpa-excuse sa inyo sa mga teachers niyo." Hindi na ako nakapalag kay Kuya Yuno, mukhang di talaga siya papatalo eh.

"Sige na nga kuya, i'll be there in 20 minutes." sagot ko.

"Okay sige, i'll wait you then." sagot niya sabay baba ng tawag.

Napabuntong-hininga na lang ako. Ba't kasi kailangan ako pa eh anlaki-laki naman na ni Evo kaya kayang-kaya niya yung sarili niya. Oo nga pala, naulanan siya kahapon at dahil yun sa pag-iinarte ko, baka dahil dun kaya siya nagkasakit.

Wala na, nakonsensya na ako.

Pagkababa ko'y agad akong tinaasan ng kilay ni mama. "Oh anak, bakit hindi ka nakauniform? May pasok kayo ngayon ah."

"Hindi ako papasok today ma, pinapasuyo sa'kin ni Kuya Yuno si Evo."

"At bakit naman daw? May problema ba?" takang tanong ni mama.

"Nilalagnat daw si Evo ngayon at walang magbabantay so ako nalang daw." sagot ko habang nagpreprepare ng pagkaing dadalhin ko sa bahay nila Evo.

"Ayan ang tigas kasi ng ulo, paulan pa para hindi kayo makapag-aral ng maayos at puro absent ang abutin niyo." okay nagsimula nanaman manermon si mama.

"Ma, hindi ako yung may sakit dito okay kaya huwag ako yung sermunan mo." saad ko dito.

"Kahit na, siya nga pala lutuan mo nalang doon ng sopas si Evo." paalala ni mama. Tumango naman ako bilang tugon.

"Iba talaga si kuya kai, maalagain sa jowa niya." pambubuska ni Kyla. Sinamaan ko nalang ito ng tingin tanda na hindi ako natutuwa sa sinasabi niya.

"Nililigawan ka na ba ni Evo anak?" seryosong tanong ni papa. Literal talagang nanlaki yung mata ko sa tanong na 'yun. "No, pa! Straight kaya yun, duhhh" angal ko dito.

Binilisan ko na lamang ang pagkain ko para makaalis na'ko. Baka kasi kung ano-ano pa itanong nila sa'kin about sa amin. I wish na sana mayroong namamagitan sa'min but sadly, wala.

Nagpaalam na'ko sa kanila at nagsimula nang maglakad patungo sa bahay nila Evo. Malapit lang naman kaya no need magtrike.

Pagkaraan ng ilang sandali ay nandito na ako sa tapat ng bahay nila. Saktong pagdoor bell ko ay siya namang paglabas ng kuya ni Evo.

"Oh! Andito ka na pala, balak na sana kitang sunduin e. Tara na pasok ka" gulat nitong sabi. Napakamot ako sa'king batok. Masyado yata akong natagalan.

Ang Torpeng BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon