Update 4

21 1 10
                                    

"Bilisan mo, Keso." reklamo ni Ate Cree. May dinner na naman kasi kami ngayon with Tita Dian and Tita Vin kasama ang mga asawa nila at anak.

Kasama na din namin this time si Tita Nowie at Tito Wil. Sila yung mga pinuntahan ni Rae at ng parents niya noon. Tita Nowie is just our neighbor, we're not blood related.

Tita Nowie has a problem in her uterus kaya wala siyang anak, mas matanda din si Tito Wil kay Tita Nowie at mapapansin mo talaga yun.

"Snap out of it! Bilisan mo. Baka maiwan tayo." nagising ang diwa ko dahil sa sinabi ni Ate Cree, sinuot ko na yung bright pink na dress ko. Formal ang dinner namin ngayon.

Inayos ni Ate ang buhok ko since 'di ko alam kung paano ito ayusin. She brushed it, then clipped some of my hair papuntang side. My bangs din kasi ako.

"Done, let's go." lumabas na kami ng kwarto ko at pumasok sa car. "Nandito na sila." sabi ni Mom kay Dad. Kami nalang kasi ang hinihintay.

Napa-tingin ako sa kapatid ko. He was wearing a red longsleeve. Inayos ko ang necktie niya since doon ako magaling.

Since last year pa ako marunong mag-ayos ng necktie, sinabi kasi ni Mom na we girls should know how to tie a necktie of a man, it's a responsibility as a wife.

I can even imagine myself tying Rae's necktie! Ehh! "Ate! You're killing me!" nabalik ako sa sarili at napansing sinasakal ko na pala si Grec.

"Ah, sorry. My bad." tapos ay nag-peace sign ako. Umirap naman siya, so gayish.

Kung mailap na sa akin noon si Ade, mas lumayo 'ata siya sa akin ngayon which is nakakabuti na rin.

"We're here." mabilis lang ang naging byahe kasi hindi naman ganun kalayo ang bahay ni Tita Vin sa bahay namin. "That car." napa-tingin ako sa tinuro ni Ate Cree.

"Rae" bulong ko, their car is in here for goodness sake! "Tama na kaka-nganga. Out you go." sabi ni Ate Cree. Lumabas na din ako.

"Keso!" bungad ni Stev. "Yow Stev, ikaw lang ba? Wala yung kuya mo?" nag-smile pa ako, if wala si Rae, a part of me is happy and another part is disappointed. Tsk.

"Oh, nasa loob siya." my heart paltipated again. Lagi akong ganito 'pag nasa malapitan siya. Para akong nininerbyos.

My kinuha lang si Stev sa car nila tapos ay pumasok na kami sa bahay nila Tita Vin. Pumunta agad kaming lahat sa Dining Area.

Ito naman ang engrandeng mga pagkain. Umupo ako sa tabi ni Ate Cree, nasa gilid ko rin si Grec. Pag-tingin ko sa harapan ko ay doon naka-upo si Rae.

"It's good that you had a visit here" kausap ni Dad kay Tito Grand. Tatay ni Rae at Stev. "Well yeah, Jan invited us." tumango si Dad.

"Maya na ang chitchat. Let's eat for, now." sabi ni Tita Vin kaya napa-tango kaming mga bata.

"Let's pray? Grand, lead the prayer." pinikit ko ang mata ko at yumuko nung nag-simula nang magsalita si Tito Grand. "Amen."

Sabay-sabay naming sabi. Kime akong kumuha ng pag-kain at ni-serve sa plato ko. Kime rin akong kumain, sinikap kong maging maayos ang mukha ko habang kumakain, ayaw ko namang pahiya ako kina Tita Sealvi at Tito Grand pati na rin kay Stev at Rae.

Minutes passed at natapos na kaming lahat kumain, it was time to eat the dessert, pina-serve muna 'yon sa mga maid after nilang alisin ang mga pagkain sa table.

Nilagyan ni Ate Cree ng salad ang plate ko kaya kumain na ako. Nag-open na rin ng wine. Kumuha si ate pero 'di kami binigyan, bata pa raw.

Since 'di ganun kadami ang nilagay ni Ate na salad sa plate ko at bitin ay kukuha pa ako.

When i raised my eyes, staring exactly sa salad na nasa harap ko lang ay siya naman ang pag-kuha ni Rae nito.

Pinanood ko lang siya habang nilalagyan niya ng salad ang plate niya at plate ng Mommy niya. Sweet.

Pagkatapos niyang lagyan ng salad ang plate ng Mommy niya ay hawak niya parin yung lalagyan ng salad together with the salad in it.

Napadako ang tingin niya sa akin. Kanina niya pa siguro napansin na naka-tingin ako sa kan'ya at sa salad.

Nag-smile siya sa akin. "Let me serve you." napanganga ako at hindi naka-react nung nag-simula na siyang sumandok ng salad tapos ay nilagay niya sa plate ko.

Nanlaki ang mata ko dahil sa napaka-dami ng nilagay niya sa plate ko. "Eat up." tas nag-smile siya sa akin pero hindi ako gumalaw, napatitig lang ako sa kan'ya.

I heard my heart pumping. Dahil napansin niyang 'di ako gumagalaw ay kinuha niya ang spoon niya tapos ay kumuha siya ng ilang salad tas tinapat sa bibig ko.

"Ahh." sabi niya pa. Binuka ko ang bibig ko tapos ay pinasok niya na ang spoon sa bibig ko, nginuya ko na yung salad.

Napayuko ako sa kahihiyan, muntanga kasi ako.

"S-salamat, Rae."

Her MemoirWhere stories live. Discover now