Update 2

29 1 4
                                    

"Mom, where are we going?" i said while putting my jacket. Rae and my path would cross sometimes but not all the time, sadly, mas naging close 'ata ako kay Stev kisa sa kanya.

"We're going to somewhere na malapit sa bahay ng crush mo." my ate Cree said. She's older than me for about 5 years.  Ngayong 12 na ako ay 17 na siya. And yeah, inaamin ko na sa isang taon na yun ay bigla nalang boom. Crush ko na si Rae.

"Really?" bulong ko agad sa kan'ya. My mom doesn't have the slightest idea about what I feel for Rae. She told me half a year ago na hahabulin niya ng kutsilyo ang magiging crush ko tas itak sa magiging boyfriend ni ate so i zipped my mouth.

"I hate repeating myself." gan'yan si ate, masungit. Hmmp. "It's the words you are repeating, not yourself." bulong ko. Takot ko lang masabunutan if ever na sasagot pa ako.

"Let's get going." my Dad said so we stormed our way into our car.

"Are we there yet?" i asked for the seventh time. Malayo din kasi tong lugar and medyo liblib.

"Hey sis, see that house?" napatingin agad ako sa tinuro ni ate. It was a simple and welcoming house. I like the ambiance it gives. Malayo sa bahay namin, our house is huge. Malaki din naman tong bahay na'to.

"What's with the house?" i asked without looking at my sister. "Bahay ng crush mo." tas ngumisi pa siya. Tinignan ko yung bandang gilid sa garage nila, nanduon ang sasakyan nila. "Looks like hindi sila pupunta sa pupuntahan natin."

"Saan ba talaga tayo pupunta?" this time ay naka tingin na ako kay ate. "Sa patay, a close friend of our father." tumango nalang ako after her words.

I asked more information. Huling araw na para sa pag-visit sa patay. He'll be buried tomorrow. We will go this night because we can't go tomorrow, just to show respect.

Minutes passed at tumigil kami sa isang hacienda, yes, madaming kakahuyan dito. Niyog to be specific, tapos my mga hills and may park din, it was filled with light.

"We will go to his relatives, behave kids. Cree, nandun sa park yung ibang mga bata. Samahan mo mga kapatid mo." sinunod agad ni Ate Cree ang sinabi ni Papa. Habang papunta dun ay nakita ko agad ang mga kapwa ko bata.

I didn't like the idea, seriously, I hate communicating with them. Downfall of being an introvert. Many of the kids had their own group, some are being illuminated by their gadgets.

Umupo ako dun sa tabi ng isang lalaking may hawak na tablet, he's wearing glasses. Sira na ang mata niya, 'yan kasi, gadget pa bro.

Hinanap ko ang nakakabata kong kapatid, nakita ko siya with Cess, anak ng friend ng Mom ko. They're here too. Naglalaro sila ni Grec. They've met some friends too, perk of being an extrovert.

Nakinunod nalang din ako sa kung ano man ang nilalaro ng katabi ko, I bet his younger than me. Naglalaro siya ng Subway Surf.

I left my phone on our house, didn't had the slightest idea that it's so boring in here.

"Hey kids. Popcorn?" nagsipuntahan naman kami kay Ate na namimigay ng popcorn, kumuha ako ng isang pack.

"Ate." tinignan ko agad ang kapatid ko after kong marinig ang pag-tawag niya. "Yes?" i answered.

"Laro tayo." nag-smile ako na puno ng pag-aalinlangan. Not into games, lalo na yung tumatakbo. "What kind of game?" if board game yun then I'm in. Something brainstorming would be nice. "21" nawala agad ang smile ko.

21 is a game where you need to count all the players from 1-21. Kung sino ang taong matatapat sa number na 21 ay siya ang taya. Then, hahabulin niya kayo.

"Err, pass? Puntahan ko nalang yung patay. I want to see his face." alibi ko agad. "We can do that later." sabat din ng kapatid ko. Napakamot ako sa ulo ko.

"Yow Grec." medyo tumigil ako sa pag-hinga. I slowly turned my glance to the person on my back.

"Kuya Rae." I thought, hindi sila pupunta? It was just a theory though. "Pahingi." tapos ay kumuha siya sa popcorn ni Grec. Maliit nalang ang laman nito, baka hinati pa nila yun ni Cess.

Tinignan ko ang popcorn kong halos 'di pa nababawasan. I want to offer this to him pero nahihiya ako.

"We were about to play 21 kaso ayaw sumali ni Ate Keso." nag-pout pa si Grec, eww. Kaya ayun, palo ang nakuha niya kay Cess. I find them sweet, bagay sila. Lol, bata pa sila hahahaha.

"Oh, bakit naman Keso?" my heart paltipated, weird. "I-i'm not into running." explain ko din agad. "It's fun actually." hinawakan niya bigla yung kaliwa kong kamay.

"Laro tayo 21!" sigaw niya sa iba pang bata. He was shining so bright, pumayag ang ibang mga bata. He was admired by many, hindi siya mahiyain like me. I envy him.

Hindi ko nagawang tumakas kasi hinahawakan parin ni Rae ang kamay ko hanggang sa napunta kay Grec ang number 21. "Takboooo!" sigaw ni Rae tapos ay hinila ako kung saan.

Napunta kami sa likod ng isang niyog. Medyo madilim sa part na'to. "Huwag kang maingay Keso, 'di tayo mahahanap ni Grec, hahaha." ngumiti nalang ako kasi wala na akong masabi saka binawi yung kamay ko.

"Nandito lang pala kayo!" sumulpot bigla si Grec kaya hinawakan na naman ni Rae yung kamay ko saka tumakbo. Hinihingal kaming tumigil sa malapit sa kusina nang bahay. I think, rest house lang ito.

"Gutom na ako." bulong ni Rae, inabot ko yung popcorn ko na kanina ko pa hinahawakan. Ngumiti siya saka kinuha ito. Umiwas ako ng tingin kasi naka-tingin siya sa akin.

"Salamat, Keso."

Her MemoirWhere stories live. Discover now