Update 15

10 1 5
                                    

So, uhm, klase na naman, and ito namang si ako na super tamad. School is so boring.

Umupo ako sa tabi ni Star, tapos ay katabi niya si Benar.

How can I explain our sitting arrangement?

It's something like this:
⚫-⚫-⚫ ⚫-⚫-⚫
⚫-⚫-⚫ ⚫-⚫-⚫
⚫-⚫-⚫ ⚫-⚫-⚫

So on. Naka-upo ako sa right side, 2nd row, 3rd seat from the left. Bale pinagigitnaan namin ni Benar si Star.

The day started, introduction here, introduction there, since mahina ako sa names, bahala na sila diyan. Lol.

When checking, my paper was checked by Dela Torre. May minalian siya but the answer was correct kaya nilapitan ko siya agad.

"Hey, minalian mo yung sa number 26 ko, the answer's correct." ngumisi naman siya sabay kuha ng paper ko.

"Oo nga? Hahaha, sorry." tapos ay nilagyan niya ng check sabay plus point sa score ko, 3 mistakes nalang, yey.

"Thanks Torre." sabi ko in a nangaasar na boses. "Sabi ng nagsasalitang keso." tinignan ko naman ng masama si Shawn.

"Shawn the sheep ka nga eh." Tumawa naman si Dela Torre. "Di ka ba hinahabol ng mga daga, Keso?"

"Ikaw, peki ka ba Cyrus Reall?" sabay-sabay naman silang tumawang tatlo, madali akong mapikon kaya for sure namumula na ako sa inis.

Nung vacant time na sa hapon ay tumayo na agad ako sabay dala ng libro ko. Magbabasa ako, halata?

I went to the biggest tree na malapit sa room namin, sat under it sabay basa. Nga pala, I'm a Grade 7 Special Science Curriculum Student, advance din kami unlike sa Regular Class.

And seriously, nagtake muna kami ng exam na naglalaman ng 120 items from all subjects, tapos kukunin kung sino yung Top 90 students na pwedeng maging Sci-cur.

I am very proud to say na sa mahigpit 100 na estudyante na kumuha ng test ay pang-rank 7 ako. Lol. Tough luck, mah friend.

Tapos ay may 2 section; 45 students every section, the sections are sapphire and emerald, yung mga late nagpa-enroll ay sa sapphire napunta at dahil mas nauna ang ibang Phoenix Girls members nagpa-enroll ay ako lang itong nasa Sapphire while nasa Emerald sila, sad life.

Ang nag-aral sa ibang school ay si Pionea at Vie.

Bumuntong-hinga lang ako sabay bukas ng librong dala ko, It's about Sophia, isang babaeng pinaglalaban na maging buo ang family niya despite the fact that her Dad was having a new wife.

Napataas agad ako ng ulo after nawala sa kamay ko ang libro. "Give it back!"

Sinamaan ko agad ng tingin ang 3diots, sina Cyrus, Dela Torre and Shawn.

"Kunin mo sa amin!"

Ayun takbuhan at habulan. Gahd, I'm not really good at running and all kaya agad akong nanghina at pinag-pawisan.

"Badtrip" I murmured before collapsing on the ground, nasa field kami kasi malapit lang ito sa Room. Naglalaro yung ibang classmate ko dito ng mga games na may habulan so hindi ako sumali.

"Hina mo, keso." Inirapan ko agad si Shawn. "If you want to run, sumali ka dun sa mga naglalaro, hindi sa taong nagbabasa."

Tumawa na naman silang tatlo, like what? Isa akong clown, ganun?

"Dapat kasi tumakbo ka din and enjoy life." Inirapan ko lang si Dela Torre.

"YOLO Keso, You Only Live Once." Sabi naman ni Cyrus kaya napa-isip ako, yeah right.

"Tumayo ka na." abot nilang tatlo ng kamay. Pwe. I grabbed on their hands like what they instructed me to do. Hinila nila ako patayo which is sobrang lakas.

"Ekkkkk." Tili ko agad nung parang maa-out of balance ako. Tumawa na naman silang tatlo. Buti naman at nahanap ko agad balance ko.

"Tara na Keso, laro tayo."

Her MemoirWhere stories live. Discover now