Update 1

80 1 0
                                    

"Hey Keso. His name is Rae." pakilala ni Tita ko. Nag-smile agad ako sa batang lalaki sa harapan ko pero halata ang pag-aalinlangan sa mukha ko.

"Uhm, hi?" yun nalang ang nasabi ko para hindi naman pahiya. "Hi lang?" tumawa pa ang lalaki, mukhang hyper siya. Nainggit naman ako kasi 'di ako ganun.

"Ah, yeah." tapos ay nag-smile nalang ako. I'm the introvert kind of child. I would always trap myself in a closed-room than to communicate with other children.

"Laro tayo." pag-aalinlangan na naman ang nakasulat sa mukha ko, napunta lang naman ako dito kay Tita dahil sa regalo niyang chocolate sa akin. Pero naabutan ko din tong lalaking to with his parents and his brother.

"Uhm, ayaw ko." tapos ay nag smile lang ako. Gusto ko na talagang bumalik sa bahay namin na katabi lang ng bahay ng Tita ko. "Bakit naman?" hinawakan niya yung kamay ko. Nag-aalinlangan pa ako kung hahayaan ko ba siya o babawiin ko yung kamay ko.

"Ate, ang tagal mo." dumating yung kapatid ko, lalaki siya. He is younger to me for just 2 years. Bale 11 na ako tapos siya ay 9.

"Hey kid, laro tayo. Sama mo ate mo." tapos ay nag-smile siya sa kapatid ko. "Sure kuya! I like that idea!" napilitan naman ako, i have to keep an eye on my brother.

Nalaman ko din na ka-age ko lang si Rae and ka-age ng kapatid ko ang kapatid niya.

"Laro tayong bugtong-bugtong." sabi ni Rae sa amin, specifically sa akin. Umupo kami sa sala tapos ay nag-simula na ang mga bugtong namin.

Pareho naming sinusuway yung kapatid namin pag sinasagutan nila yung bugtong naming dalawa. Tuwang-tuwa ako dahil nagka-kaibigan na rin ako. Medyo takot kasi sa akin yung ibang bata dito sa subdivision namin.

"Bye" kumakaway na saad ko nang umalis na sina Rae at Stev. "Uwi na tayo, Grec." sabi ko sa kapatid ko sabay uwi sa bahay namin. Masaya ako. I met somebody that had the guts to befriend me.

Her MemoirWhere stories live. Discover now