THE MEMORIES THAT WE SHARED

2.7K 52 0
                                    

"THE MEMORIES THAT WE SHARED"
WRITTEN BY : SHERYL FEE

CHAPTER 1

NEVADA, INTERNATIONAL AIRPORT

" Parang kailan lang anak noong pinagtataguan natin ang daddy mo pero ngayon you're here again in this airport para umuwi sa ating bansa. Sa paliparang ito din kami lumapag ng daddy mo way back then but thanks God our family now is stable. Von voyage anak." aniya ni Mheljhorie sa panganay niyang anak.

" Maraming salamat mommy. Kina grandpa B po ako uuwi alam mo naman na nandito tayong lahat saka hindi ko nasabi sa katiwala ng bahay na darating ako." tugon ni Tristan Keith.

" Walang problema diyan anak kahit saan mo gustong tumuloy ay puwedi. Kina MJ puwedi rin naman or sa mama Yana ninyo mabuti iyung may kasama sila ng papa T ninyo." aniya naman ni Tristan.

" Tama ang daddy mo anak huwag mo ng alalahanin kung saan ka makikituloy pero para walang masabi ang grandpa ninyo sa kanila ka na lang tumuloy dibaleng pasyalan mo na lamang ang mga pinsan mo. At in God's will pagdating mo doon tawagan mo si Aling Sonia at ipaalam ang presensiya mo para malinisan ang kuwarto mo." aniya ni Mhel.

" Yes I will mommy. Sige po pasok na po ako sa loob any moment from now mag open na ang airways ." tugon ni Tristan Keith sa ina.

Tapik sa balikat na lamang ang itinugon ni Tristan sa anak samantalang niyakap pa ito ng ina bago tuluyang pumasok sa loob ng paliparan.

Hindi na bago sa kanila ang paglabas-pasok ng panganay nila sa bansang Nevada dahil sa edad nitong twenty-eight ay isa na itong successful businessman. Sabi nga nila mana - mana lamang iyan. Dahil ang mga ninuno nito sa ama o sa Mondragon ay mga negosyante.

" Tara na babe uwi na tayo." pukaw ni Tristan sa asawa na nakatingin sa gawi ng pinasukan ni Tristan Keith.

" Yes babe let's go home at hagilapin kung nasaan na naman ang anak mong si Clarence. Kahapon pa tawag ng tawag ang nobya niya pero anong magagawa ko kung hindi ko alam kung nasaan ito." tugon ni Mhel.

" Ito kasing si Clarence oo hindi na lang niya hiwalayan ang tao kung ayaw na niya dito kaysa naman umasa din si Gyle." kibit balikat na tugon ni Tristan.

" Well, alam mo babe hindi mo na kasalanan kung maraming nagkakandarapa sa kay Clarence dahil sa kanilang tatlo siya ang pinakamalakas ng appeal. As you can see kahit simpleng kasuutan lang ang gawin at isuot niya ay lutang ang angkin niyang guwapo. And besides his a model too kaya we can't blame him." tugon ni Mhel na nakapaskil sa buong mukha ang ngiti.

Hindi na sumagot si Tristan dahil totoo naman ang tinuran ng kanyang may bahay.

Samantala sa tahanan ng mga Mckevin o sa malaking bahay ng mga Mckevin , maaga pa lang pinalinis na ni Gng Donna ang isa sa mga guest room para may magamit ang parating nilang apo.

" Anong sabi ni Mhel asawa ko? Sinu ang kasama ni Keith na darating?" tanong ni grandpa B sa esposa.

" Siya lang asawa ko kasi kanina pa tumawag ang apo natin na siya lang daw ang nakauwi wala daw doon ang mga apo natin nasa world tour si Braxton at Whitney." tugon ni grandma D.

" Sana naman makauwi sila ng sabay-sabay. Namimiss ko na ang mga maiingay nating apo. Sila na lang ang hindi lumagay sa tahimik. Mga anak ni MJ may mga anak na rin. Samantalang ang makukulit at maiingay na Mondragon ay wala pa." aniya ni grandpa Bryan.

" The naughty Mondragon nga kung tawagin ni MJ ang mga pamangkin asawa ko. Pero bagay lang sa kanila kasi si Keith ay siyang nakamana sa pagiging negosyante ng mga ninuno sa kanyang ama, si Braxton naman isa ring mang aawit kagaya ninyo ng mga kaibigan mo, si Clarence kay Mheljorie din. Kaya bihira silang makauwi sa atin. Mabuti nga at nakaisip na umuwi Keith." tugon ng ginang.

THE MEMORIES THAT WE'VE SHAREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon