THE MEMORIES THAT WE'VE SHARED

1.9K 54 2
                                    

" THE MEMORIES THAT WE'VE SHARED "
WRITTEN BY : SHERYL FEE

CHAPTER 2

" Kumusta  ang lakad  ni'yo  anak?" salubong na tanong ni Aling Minda.

" Kagaya ng dati inay pagod  pero okey lang. Ikaw inay  kumusta ka po dito?" tugon  ni Joanna sa ina.

" Iyan ang pinili mong bokasyon  anak kaya't  magtiis  ka. Sabi  naman ni ma'am  Mheljorie dati na huwag iyan ang kunin  mo pero  itinuloy  mo pa rin kaya't  magtiis ka anak. Ano pala ang  gusto mong hapunan ?" tugon  naman ni Aling Minda.

Mula  sa pagkakasandal ng dalaga sa kanilang upuan  ay  naupo siya ng tuwid.

" Wala akong pinagsisihan  inay  ba pinili ko ang sarili kung ambisyun  kaysa ang sundin si tita Mhel. Masaya ako sa bawat assignment  ko ba ibinibigay  nila." tugon ng dalaga pero ang mga mata ay biglang  lumumbay.

" Okey ka  lang ba anak?" tanong ni Aling Minda .

" Oo naman inay. Pagod lang siguro ako lalo at malayo  ang biyahe. Si  itay nga pala inay 'di ko siya nakikita ah." sagot ng dalaga.

" Nasa  malaking bahay anak. Tumulong  doon may darating  yata kasi nagpasabi  si sir Bryan na linisin ang buong paligid. Galing  ako doon  pero nauna na ako dahil alam kung darating ka. May nakahanda  ng pagkain  anak baka kako  gutom ka na. " tugon  ni Aling Minda.

" Sabay-sabay na lang tayo mamaya pagdating  ni itay. Sa  kuwarto muna ako inay magpapahinga  lang muna ako." sagot ni Joanna pero ang nasa isip niya ay kung  sino ang darating sa mga may ari  ng malaking .

" Sige anak para makapahinga  ka naman. Pagod  ka pa naman sa biyahe . Gisingin na lang  kita pagdating  ng tatay mo." tugon Aling Minda.

Hindi na sumagot ang dalaga bagkos ay tahimik niyang hinila  ang kanyang maleta papasok sa kanyang kuwarto.  Oo sarili niyang kuwarto  dahil  kahit papaano  ay  naiangat  nila ang kanilang  buhay  sa sarili nilang sikap.  Matagal na nanilbihan  ang kanyang mga magulang sa  pamilya Mondragon. Labandera ng pamilya ang kanyang ina at hardenero,  driver naman ang kanyang ama. Pero  ng nagmigrate  ang buong pamilya sa Nevada ay  nagpatayo  ang mga ito ng bahay dahil na rin sa kagustuhan  ng mag asawang Mheljorie at Tristan  lalo at sa kanila din ipinagkatiwala ang mansiyon.  Gusto ng mag asawa na doon  na lang sila   tumira  pero magalang nila itong tinanggihan dahil ang pagpapagawa  ng mga ito ng bahay ay  malaking bagay  na para  sa kanila.  Sinikap  ng mga magulang niya na mapag  aral  siya dahil na rin sa angkin  niyang talino.  At heto siya ngayon limang taon na bilang  isang  field reporter ng ABS-CBN  Baguio kaya't  kung saan-saan siya napapadpad.

" Kumusta na kaya si Dragon? Sampung  taon na rin ang lumipas simula ng huli kaming  nagkita. I'm very much sure  isa  na rin  siyang matagumpay   na negosyante." bulong niya.

" Si  Andrea hindi mo kakamustahin?" tukso  tuloy ng isip niya.

" Hmmp! Bakit  pa eh sigurado  namang  masaya na ito sa relasyun  nila  ni Dragon." nakangusong sagot ng dalaga sa sarili.

" Selos  ka  noh? " muli ay aniya sa kanya ng sarili.

" Hindi naman ah.  Bakit  ako  magseselos  eh wala naman kaming relasyon." parang baliw na sagot niya sa kanyang sarili.

Ang  hindi  alam ng dalaga ay  sinundan siya  ng kanyang ina. At  dinig nito ang pagsagot  sa sarili,  kitang - kita  din nito  ang reaksiyon niya. Pero  hindi na lamang ito nagpakita   dahil ayaw din naman niyang mapahiya sa  kanya ang nag iisa  nilang anak.

" Alam kung mahal  mo ang kababata  mo anak. Sa  ganda ng samahan at pagkakaibigan ninyo ay  bigla ka na lamang umiwas sa kanya. Na kahit anong pili niyang kausapin ka ay  iniwasan mo pa rin siya. Kung ano man ang dahilan kung bakit  bigla ka  na umiwas  sa kanya ay ikaw lang ang nakakaalam pero hindi na kita tatanungin anak. May sarili ka  ng isip at may kakayahang  magdesisyon para sa sarili  mo." bulong ni Aling Minda habang pinagmamasdan anak.

THE MEMORIES THAT WE'VE SHAREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon