THE MEMORIES THAT WE'VE SHARED

1.2K 47 5
                                    

" THE MEMORIES THAT WE'VE SHARED "
WRITTEN BY : SHERYL FEE

CHAPTER 11

Sinadya  ng mag-asawang Donna at Bryan na dalawin ang mga magulang  ng ni  Joanna kaya't  nagulat ang mga ito ng bigla silang  sumulpot.

" Pasok kayo ma'am,  sir." hindi magkandaugagang aniya ni mang Efren ng makita  ang mag-asawa.

" Huwag kang mataranta  Efren dahil hindi naman kami nagmamadali." nakangiting sagot  ni grandpa B.

" Hindi naman sa gano'n sir  kaso hindi kasi namin inaasahan na darating kayo. Nakalimutan ni'yo  ba ang susi  diyan sa malaking bahay?" sagot  ng tatay  ni Joanna.

Pero umiling  lang ang matandang Mckevin pero hindi agad nakasagot  dahil siya namang pasulpot ni Aling Minda galing sa kusina na may dalang  tray na may lamang dalawang mug ng kape.

" Pasensiya na sir, ma'am  hindi naman kasi namin alam na paparito kayo para naipaghanda  ko sana kayo ng mameryenda." aniya ni Aling Minda sabay lapag sa dalang try.

" No problem  Minda kayo naman parang  hindi ni'yo  kami kilala na paparito  na walang pasabi at  isa pa sabi ko naman walang problema dahil kung ano ang nasa harap  namin iyun na. Saka  hindi naman kami pumarito para  magpabisita kundi para kausapin kayo ng masinsinan. " may ngiti sa labi na sagot ni grandpa B sabay higop sa kapeng  inihain ni Aling Minda.

" Sir huwag ni'yo  sanang masamain kung magtatanong  ako pero mukhang importante  iyan ah." may bikig sa lalamunan  na tanong ni  Many Efren sa ama ng babae nilang ako.

" No don't worry  Efren  dahil wala naman kaming ibang dapat  sabihin sa inyo  kundi ang nais  lamang naming sabihin na nasa California  ang dalawa but I don't  know kung nakalipad  na sila pauwi ng Nevada. At according to Mhel magpapakasal na daw sila  doon  bago umuwi dito at dahil kami ang  nandito sa Pilipinas  alam ni'yo  namang puro lagalag ang kambal ay  kami na ang sinabihan nila Mhel at Tristan para ipaabot sa inyo at nais daw humingi ng paumanhin ng mag-asawa dahil sa kapangahasan ng apo  namin." nakangiting pahayag  ni grandpa B.

Hindi naman malaman kung ano ang magiging  reaksiyon  ng mag-asawang Efren at Minda  dahil sa narinig. Oo  alam nilang magkasama ang dalawa pero  hindi nila inaasahan ang tungkol sa kasal.

" Oh hindi ba kayo masaya sa aming  balita?" tanong ni grandma D dahil sa nakitang reaksiyon  ng mga ito.

" Naku  ma'am  huwag po kayong mag-isip ng ganyan dahil sa totoo lang alam  naman po namin na si  Keith ang kasama ni Joanna dahil  ipinaalam niya sa amin ang tungkol  dito  sa  pamamagitan  sulat. Hindi lang namin inaasahan na magpapakasal  na pala silang dalawa." maagap na paliwanag ni Mang Efren dahil  ayaw niyang mag-isip  ang mga ito ng  hindi  maganda.

This time ang matandang  Mckevin  naman ang napahalakhak dahil muling nanariwa sa isipan nito ang sitwasyun  ng bunsong  anak at ang asawa nito  noong mga panahon na may humahabol na babae sa manugang nila pero pinatunayan lamang nito  ang pagmamahal sa bunsong anak  dahil itinanan niya ito pero iyun nga  lang may basbas  sila and now naulit ito sa isa  nilang apo  o  kay Tristan Keith ang panganay  na apo  ng mga Mondragon.

" Asawa  ko what's  so funny?  Aba'y share mo naman  para makitawa  din kami." aniya ni grandma D na kahit may hinala  na siya sa  bagay na tinatawanan ng asawa.

" Wala  ka bang naaalala sa pangyayari o sa ginawa ng apo natin asawa ko?" tugon ng matandang  lalaki.

" Yeah I know what you mean asawa  ko kaya nga natatawa ako. Well hayaan mo sila basta mapanindigan nila ang kanilang ginawa  as Terrence did before  to Yana. " nakangiting sagot ni grandma D.

THE MEMORIES THAT WE'VE SHAREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon