THE MEMORIES THAT WE'VE SHARED

1.1K 48 5
                                    

" THE MEMORIES THAT WE'VE SHARED "
WRITTEN BY : SHERYL FEE

CHAPTER 7

" Are you out of your mind bro? Anong nakain  mo at naisipan mong kidnapin  si  Joanna?" hindi  matukoy kung maiinis  ba o matatawa  na tanong ni Clarrence  sa kapatid.

Nagpakawala muna ng malalim na paghinga  ang panganay  na Mondragon bago sumagot.

" I'm  loosing  my hope already 'tol. Nakikita  mo naman kung paano ko siya sinisuyo  from  the day na nagalit  sa akin up to now. And now I finished  my  one month  vacation already pero hindi pa niya ako kinakausap." malungkot nitong sagot sa nakababatang  kapatid.

" Nandoon na tayo bro pero hindi mo ba naisip ang ibubunga  nito? Kung ano na lamang  ang iisipin  nito kapag malaman niyang ikaw ang may pakana  sa kidnapping? Sina  tata Efren at nana Minda  naisip mo ba ang damdamin nila  kapag malaman nilang nawawala si Joanna?" ayaw paawat  na aniya ni Clarrence.

" Bahala  na  si  batman  'tol. Pero  teka lang kapatid nga  ba kita? Bakit  puro  ka  salungat  sa ginagawa ko ngayon?" napakunot-noo  na sagot  ni Keith.

Pero  pinagtawanan  lamang ito ni Clarrence  na mas  ikinalukot  ng mukha ng kuya nito.

" What's  so funny with  you Clarrence Keith Mondragon?" inis  na tanong  ni Keith sa  kapatid pero sa  kanyang pagkagulat  ay  siya ang itinuro  nito.

" You and you alone Tristan Keith Mondragon! Your so funny and your crazy at all. Oo  kapatid kita pero pagdating kay Joanna ay hindi kita kakampihan  sa kalokohan mo at mas lalong hindi kita itotolerate tungkol diyan! Alam mo kung bakit?  Halos kapatid na natin ang taong kinidnap  mo! Hindi man sa malaking bahay lumaki si Joanna ay kasabay  na rin natin siyang lumaki at hindi na ba naaawa  kina nana Minda at tata  Efren? Crazy you kuya! At kung iniisip mong pagtatakpan  kita sa ginawa mong iyan ay  nagkakamali  ka dahil isusumbong  kita sa kanila. Kaya't  kung ako  sa iyo ay  pag-isipan mo muna ng maayos ang isusunod  mong hakbang kung itutuloy  mo nga ba iyan o  hindi dahil oras na makauwi  ako  sa Baguio talagang hindi kita patatawarin  sasabihin ko talaga sa  kanila kahit iyan pa ang dahilan ng pagkakagalit  mo sa akin tandaan  mo iyan  bro." galit na aniya ni Clarrence  sa kanyang  kuya.

Actually bunso  siya kung tutuusin  at wala siyang karapatan  para pagsabihan  at pagtaasan  ng boses  ang kanyang  kuya pero hindi niya napigilan ang sarili  kaya't  nasabi niya ang gano'n  sa kapatid. Dahil pinalaki sila ng mga magulang me maging mapagkawang-gawa.

" Don't  worry  'tol hindi ako galit sa iyo at salamat  sa pagpapaalala  mo. Pero  still itutuloy  ko ang nasimulan ko kaya't  kung ako sa iyo umuwi ka na sa  Baguio at ikaw na ang bahala doon at bibiyahe na rin ako or should  I say kaming dalawa bago pa siya magising. " kampanteng aniya ni Keith.

" Well  nasa iyo na iyan bro. Basta  nasabi ko na ang aking panig.  Oo luluwas na ako pauwing  Baguio dahil lilipad  kami ni Whitney may world tour ang banda  namin kaya ikaw na ang bahala  sa nasimulan mo. Huwag na huwag mo akong idadamay diyan dahil hindi ako nagkulang sa paalala sa iyo." aniya ni Clarrence kasabay ng pagpapakawala ng malalim na paghinga.

" Don't worry Clarrence  'tol I'll  not do that and I'll  face the consequences  when I'll  be  there. Good luck sa inyo  ni Whitney  with your group." seryosong sagot ni Keith sa kapatid.

Hindi na ito  sumagot bagkos ay muling nilingon ang payapang natutulog na si Joanna saka  dinampot ang  car key at hinila ang maleta pero lumingon ito ng nasa  pintuan na saka muling nagwika.

" Isara mo ang bahay kapag aalis na kayo bro. Hindi  ko alam kung kailan ulit ako makakauwi  dito. Don't worry about me dahil may access card ako sa buong  paligid kahit ilang taon pa akong wala dito." aniya nito at hindi na hinintay  ang magiging tugon ng kapatid.

THE MEMORIES THAT WE'VE SHAREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon