THE MEMORIES THAT WE'VE SHARED

1.2K 45 3
                                    

" THE MEMORIES THAT WE'VE SHARED "
WRITTEN BY : SHERYL FEE

CHAPTER 8

" Po?  Kahapon pa po pala  nawawala si Joanna pero  bakit  hanggang ngayon po ay  hindi  kayo nagsasabi  sa mga kinauukulan? " gulat  na tanong ni Albert kay  Along Minda.

" Hindi naman kasi alam kung nawawala nga ba o naglayas  dahil mga gamit niya ay  wala din." formal na sagot ni Mang Efren na kahit sa kalooban looban niya ay  natatawa dahil sa nakikitang  expression ng binata.

" Hindi naman siguro gagawin ni Joanna ang maglalayas. Kilala  po natin siya at alam ko pong hindi niya  magagawa ang maglayas kaya't  kung mamarapatin  ni'yo  po ay  isangguni  na natin sa kinauukulan para po maagapan. " aniya ni Albert na bakas pa rin sa  tinig ang pagkabahala  sa  pagkawala kuno  ng dalagang sinisinta.

Nagpakawala ng malalim na paghinga  si Aling Minda na mas  nagpaniwala  sa binata na talagang naglayas ang kanilang anak.

" Hindi rin namin alam iho  kung ano nga ba ang tunay na nangyari  dahil  kung nawawala siya eh nandito sana ang mga gamit niya pero  wala eh ultimo  mga personal things niya ay  wala. Pero para makasigurado tayo ay mas mabuti pa ngang  magsabi  na tayo sa mga pulis  para makagawa sila ng aksyun  para dito." malungkot na aniya nito na hindi malaman kung seryuso  nga ba ito o nagdradrama  lamang ito.

" Dapat  lang po nana dahil nakakapagtaka  kasi na  naglayas  eh alam ko pong mabait si Joanna kaya't  alam kung hindi niya magagawa  ang maglayas." segunda ni Albert.

Imbes  na manahimik  na ang mag-asawa dahil alam nilang nasa mabuting kalagayan and kanilang anak ay hindi na dahil napilitan silang sumama sa binata sa  police station para isangguni ang pagkawala kuno nito.

" Kailan daw ang balik ni Keith hon?  Aba'y  dapat kahapon  pa iyun  dito ah." kunot noong aniya  ni Mheljorie.

" Ni  hindi ko nga matawagan  hon para matanong  kung ano nga ba ang plano  niya." sagot naman ni Tristan.

" What? Then where the hell  he is if he's  out of coverage?" nagulat na aniya ni Mhel.

" Iyan  ang hindi ko masasagot dahil ni  isa  sa  mga anak natin ay wala naman yata sa Pilipinas  dahil  kung nandoon  sila  aba'y  maari naman natin silang matawagan sana kaso  wala sila eh." aniyang muli ni Tristan.

Paano  nga ba nila  matatawagan  ang  panganay nila eh kagaya na rin nilang sa ibang bansa?

Na  ang mga kapatid  nitong kambal ay  pilit  ding kinakutsaba upang huwag malaman ng iba  ang ginawang pag alis ng bansang Pilipinas.

" Wait lang hon  at subukan  kung tawagan  sina mommy at daddy kung may alam sila kung ano na nangyayari sa taong iyun." hindi mapakaling aniya ni Mheljorie sabay dampot  sa kanyang mobile at nagdial .

Pero  nakailang  dial  na rin ito bago may sumagot sa tawag.

" Hello  mommy kumusta kayo  diyan?" agad na tanong ni Mhel  na hindi man lang inalam  kung ang ina  nga ba talaga ang nasa linya.

" Sorry po ma'am  pero hindi po si  ma'am Donna ito. Si  Melissa po ito." tugon ng nasa kabilang linya.

" Melissa nasaan si daddy? O  si  mommy nasaan sila at hindi sila sumasagot  sa tawag ko?" aniya agad  ni Mhel.

" Sorry po ma'am  pero itinakbo  ni sir MJ  si  sir sa hospital  kanina." sagot ng katulong.

" What?! What happened  to him?!" malakas na sigaw ni Mhel over the telephone.

" Hon dahan-dahan lang baka matakot  ang kausap mo diyan." hindi maiwasang  sabad  ni Tristan  sa asawa dahil sa lakas  ng boses  nito.

Pero  hindi ito pinansin ng  asawa  niya bagkus muli itong nagtanong.

THE MEMORIES THAT WE'VE SHAREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon