" THE MEMORIES THAT WE'VE SHARED "
WRITTEN BY : SHERYL FEECHAPTER 4
" Aling Minda saglit lang po." pigil ni Keith sa matanda ng makitang paauwi na ang matanda.
Hindi man ito ang nagpalaki o naging yaya nilang magkakapatid ay minahal nila ito bilang isang tunay na ina. Ito ang taga laba nila, gardenero naman ang asawa nito, at sila ang nagsilbing care taker ng malaking bahay ng nag migrate na silang lahat sa Nevada.
" Oh anak may kailangan na ba? O may ipapagawa ka?" agad namang tanong ni Aling Minda.
" Wala na po inay namiss lang po kita." malambing na aniya ng binata na napakamot sa batok.
" Ikaw na bata ka oo maghapon na kami ng itay mo dito ah. May sasabihin ka ano." nakangiting sagot ng matanda.
" Iba naman po kasi ang masolo ka na makausap inay. Kanina po maraming panggulo kaya sinamantala ko na po ngayon na mag isa ka." aniya ng binata.
" Okey lang iyun anak saka marami din naman akong ginawa, kami ng itay mo. Kung gusto mo naman puwedi ka namang pumasyal sa bahay." tugon ni Aling Minda.
" Iyun na nga po inay baka galit pa sa akin si Anang. Sampung taon na ang nakakaraan pero hindi ko pa siya nakakausap , kapag tinatawagan ko naman palit agad siya ng sim card kapag mabosesan niya ako. Siya nga pala inay saglit lang ha kunin ko muna iyung pasalubong ko sa iyo saka iyung pinadala ni mommy at daddy para sa inyo ni itay." sagot ng binata.
" Ha? Ano pa iyan anak? Dami ni'yo ng ibinalot na maiuwi namin ng tatay mo ah." nagtataka tuloy na tugon ng matanda.
Hindi na sumagot ang binata bagkos ay dali -dali itong pumasok at kinuha ang isang maleta.
" Pinagsama ko na po diyan inay galing sa akin saka kina mommy at daddy." masayang aniya ng binata.
" Ha? Anak? Akala ko bagahe mo iyan? Naku anak nakakahiya na iyan." hindi makapaniwalang aniya ni Aling Minda.
" Si inay naman kunti lang iyan sa pagbabantay at pananatiling maayos ang bahay. Ah inay." sagot ni Keith na napapakamot sa ulo.
" Ikaw na bata ka ha may pakamot-kamot ka pa sa ulo na nalalaman. Hala sabihin mo na at ng makauwi na kami by itay mo. " aniya ni Aling Minda.
" Pakibigay po sana ito kay Anang inay. Ako na sana ang magbibigay mismo pero baka hindi lang niya tanggapin alam ni'yo naman pong ayaw niya akong kausapin. " lakas-loob na sabi ni Keith sabay abot sa isang katamtamang kahon.
" Naku anak sobra-sobra na ang laman ng maletang ito ah ngayon may iba ka pang ibibigay? Huwag mong masamain anak pero sobra-sobra na ito baka----"
" Huwag po kayong mag isip ng kung ano-ano inay dahil bukal po sa aking kalooban iyan. At isa pa po hindi naman po ako laging nandito kaya ko sinulit ko na lang. Pakibigay na lang po inay." aniya ng binata.
Ang hindi alam ng dalawa ay kanina pa nakikinig sa kanila si Andrea. At my hindi na nito nakayanan ang pakikinig ay lumabas saka nagpakita.
" Masuwerte nga kayo at may ganyang regalo mula sa isang amo noh kaya huwag ka ng mag inarte diyan." nakataas ang kilay na aniya nito.
" Magsorry ka sa kanya Andrea. Ayoko ang bastos sa pamamahay ko." malamig na aniya ni Keith dahil siya ang napahiya sa inasta ng dalaga.
" Hayaan mo na anak. Maraming salamat sa pasalubong mo at hayaan mo-----"