THE MEMORIES THAT WE'VE SHARED

1.2K 42 5
                                    

" THE MEMORIES THAT WE'VE SHARED "
WRITTEN BY : SHERYL FEE

CHAPTER 6

" KEEEIIIIIITTTHHHH!!!!" malakas na tili  ng  isang babae na pumukaw  sa atensiyun ng binata habang papalabas sa mall.

" Huh! Ah excuse  me miss ako ba  tinatawag  mo?" takang  sambit ng binata  at pilit  sinisino  ang kausap.

" Heh!  Ikaw Tristan Keith Mckevin Mondragon ha gusto mo yatang makurot  sa singit  eh." simangot na sagot nito.

Dahil dito ay napakamot sa batok si Keith  dahil hindi  talaga pumapasok sa ulo  niya kung sinu ang kausap. Hanggang sa tinutuo  nito  ang  binitawang salita. Piningot nito  ang kanyang  taenga dahilan para maalala niya ito.

" Ve-Vea? Ikaw na ba iyan?" hindi makapaniwalang sambit ng binata.

" Yes the  one and only at your service  Mr  Mondragon." sagot naman nito na napa  cross arms.

" Kaya naman pala pati ang mambulabog ay  hindi pa rin nawawala  sa sistema  mo. Kumusta ka na Vea?" tugon ni Keith.

" Heh! Manahimik ka diyan Dragon. Siyempre katauhan ko na iyang pagiging maingay sayang  lang hindi ako nakapasa  sa exam kaya si besty lang. Nag  usap na ba kayo  ni Anang?" sunod-sunod na aniya ni Vea.

Sa narinig ay  napabuntunghininga ang binata. Dahil  si Vea  ang saksi  kung paano siya iniwasan ni Joanna way back then. Ito  ang tulay upang  maipaabot niya sa kababata ang  nais  niyang sabihin dahil kahit pinupuntahan niya ito sa bahay nila ay hindi siya nito hinaharap mula noong nangyari  ang lahat. In short Vea  Delgado was one of a kind  person and she was one of their close friend way back then.

" Oy  don't  tell me after ten years hindi pa rin kayo nag-usap? Grabe  naman iyan mukhang abot  hanggang  langit  ang galit ni'yo  sa isa't isa ah. Halos isang bahay lang kayo nakatira ah ilang hakbang lang  ang pagitan." aniya pa ni Vea.

Dahil  sa away din naman ng binata na pagtinginan sila ng mga tao lalo at may kalakasan ang boses  nito ay mas  minabuti nitong inanyayahan ang kaibigan sa isang kainan sa loob ng mall at doon nila ipinagpatuloy  ang kanilang pag-uusap.

" Hayaan mo Dragon kapag may time ako one  of this days pupuntahan  ko siya sa  kanila. Grabe  naman kasi kung magalit ang bruha  ni wala namang nasabi sa akin kung ano ang dahilan ng paglayo at pag-iwas  niya sa iyo dati." aniya ni Vea.

" Malapit na nga akong bumalik sa Nevada sis pero parang halos ayaw ko pang  ayusin  ang travelling  documents ko dahil  hindi  pa kami nag-uusap ni Anang ko." parang  dinaganan ng langit na aniya ni Keith  na siya namang kinahagikhik ng kausap.

" Hoy Dragon umayos ka  nga huwag kang engot. Aba'y imagine that isang successful  businessman ka  tapos engot  sa  lovelife  hay  naku Dragon ano bang kinakabahala mo sa buhay eh sarili ni'yo  namang  kumpanya and hawak  mo kaya huwag  ka  ngang shunga instead ayusin mo ang gusot ni'yo  kunyari ng Anang mo." muli  ay  litanya ni Vea.

" Kung iba lang sana magsabi  sa akin ng engot  at shunga naku sis kanina ka pa nakatikim ng galit ni Dragon pero dahil ikaw ay  okey  lang. Pero  hayaan mo at mag-iisip ako ng ibang paraan para makapag-usap kami ni Anang." nakangiting aniya ni Keith.

" Kidnapin mo na Dragon." pabulong na aniya ng dalaga sabay lapit  sa  binata with matching  covering  mouth pa.

Ang  hindi  alam ng dalawa habang nag-uusap sila ay may mga matang  nagbabaga  habang nakamasid sa kanila.

" Isa  ka pang demonya  ka! Tinik  talaga kayo sa lalamunan  ko." gigil  na aniya nito.

" Hey babes  what's  on that furious mode?" takang tanong ng isang  lalaki sa  dalaga.

THE MEMORIES THAT WE'VE SHAREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon