Dumating na ako sa Spain, may sarili akong apartment na walking distance sa gusali kung saan ako magtratraining. Inayos ko na ang mga gamit ko, tapos magpapahinga muna ako ,nakakapagod sa byahe, kinuha ko ang frame na may larawan ni Tyler at nilagay sa side table sa tabi ng kama.
Namimis ko na agad ang anak ko, bukas ko nalang sila tawagan alam kong pagod sila sa kasal ni Tyron at baka nga tulog na ang anak ko.
Tyron ya está casado con Cassey, entonces necesito vivir mi vida sola, tengo que olvidaré)
(Kasal na si Tyron kay Cassey, kailangan ko nang mabuhay mag isa,kailangan ko na siyang kalimutan)
Laging naglalasing si Tyron mula nang tinalikuran siya si Cassey sa araw ng kanilang kasal. Nag aalala na sina Patricia at Anselmo sa kanyang kalagayan, di na rin siya nag aayos ng sarili.Dinalaw ni Anselmo si Tyron sa kanyang tinutuluyan, bilang ama kakauspin niya ang anak at hikayatin na magmove on para sa anak niyang si Tyler.
Nagdoorbell siya sa labas ng gate, at magkalipas ng ilang saglit ay pinagbuksan siya ni Tyron. Ibang iba ang itsura ni Tyron, mahaba ang balbas at kalat ang buhok halos di na rin nakakaligo. Awang awa si Anselmo sa anak niya.Tyron hijo, tulungan mo ang sarili mo. Let her go, let her memories go. She might have reasons for doing that, forgive her so that you'll be at peace. Tignan mo ang sarili mo di na ikaw ang dating Tyron. Di pa katapusan ng mundo anjan pa si Tyler kailangan ka ng anak mo, gusto mo bang lumaki ang anak mo na malayo ang loob sayo?
Dalhin ko dito bukas si Tyler ikaw ang mag alaga sa kanya habang nasa Spain si Hailey.
What? Nasa Spain si Hailey? Kailan pa? Kailan ang balik niya?
Nung araw ng kasal mo ay ang pagalis din ni Hailey papuntang Espanya naiwan sa amin sa Tyler pero araw araw namang tumatawag si Hailey para magface time.
Ganoon po ba? Sige dalhin niyo nalang si Tyler dito ako na muna ang magaalaga sa kanya.
Hailey's POv
Maaga ang training ko ngayon dito, pilipino pala ang may ari ng kumpanyang pagtatrabahuhan ko at ito ang isa sa mga branches nila dito sa Spain. Dito ako magtratraining at ang matututunan ko ay ituturo ko rin sa mga empleyado sa pilipinas pag uwi ko, kaya pala ako ang kinuha kasi Spanish ang means of communication sa training.Hola señorita Hailey soy Grabiel y vamos a empezar la entrenamiento..(hi miss hailey I'm grabiel, lets start the training)
Pagkatapos ng training ay kumain muna ako sa labas bago umuwi ,tinamad na ako magluto, ang sarap ng mga pagkain nila dito, feeling ko tataba ako dito sa sarap ng food. Bukas makikilala ko na pala ang may ari ng kumpanya siguro nacurious siya kasi filipina ako at magkalahi kami, kaya niya siguro ako gustong makita.
Tatawagan ko muna sina Tita Pat bago ako matulog i want to see Tyler, miss na miss ko na ang anak ko.
Kasalukuyan kong tinatawagan si tita Pat buti at sinagot naman niya agad.
Tita pat musta na kayo? Si Tyler po gising na po ba?
"Naku hija wala dito si Tyler nandun siya kay Tyron ngayon dun na muna siya habang nanjan ka sa Spain.
Huh? Eh diba po honeymoon nila Tyron baka po maabala sila makulit pa naman yung anak kong yun..Okay lang yun hija kaya ni Tyron yun, tawagan mo nalang si Tyron para makita mo si Tyler hija. Paguwi mo dito marami akong ikwekwento sayo. Sa ngayon hanapin mo muna ang sarili mo jan at ienjoy mo ang bawat oras na anjan ka. Miss kana namin ni tito Anselmo mo.
Salamat po tita. Miss ko na rin po kayo.sige po tawagin ko nalang si Tyron mamaya. Bye po.
BINABASA MO ANG
A perfect nightmare with him (COMPLETED)
RomanceHis family loves me but he hates me so much, paano kung malaman niyang buntis ako at siya ang ama? Paano kung ikakasal na siya sa iba? ..(Hailey Camille and Tyron story) Copying of any of the content of this story is punishable by law. © 2016 zemant...