Tumigil ako sa kakaiyak nang narinig kong umiiyak si Tyler, bumaba ako para kunin siya, kinarga ko ang anak ko at niyakap ko ng mahigpit, necesito vivir para mi hijo, tengo que estar fuerte para el, Tyler es mi vida..(i need to live for my son , i have to stay strong for him, Tyler is my life)
Pinatulog ko muna si Tyler tapos nagcheck ako ng email ko, ang dami dami ko nang mails, binasa ko ang isang mail galing sa isang Company, they are in need of someone who can speak Spanish and English fluently and will be assigned in Spain for 6 months for the training.
It caught my attention parang naging interesado ako, pangarap ko dati na makapunta sa Spain since marunong naman ako mag español, maybe this might be my way of escaping the sadness and the pain that I'm going through, pwede ko naman icancel ang magiging work ko sana sa isang kumpanya sa Ayala.
Si Tyler iiwan ko muna siya kina tita Pat, alam kong di siya pababayaan ng lolo't lola niya, araw araw akong magskype sa kanila, tsaka ang bilis lang naman ng 6 months babalik din ako, atleast after nun magiging regular employee na ako sa kumpanya, para sa amin din ito ni Tyler ayoko na lagi kaming umaasa kay Tyron at sa pamilya ko, bilang ina kailangan ko din ang magtrabaho para maibigay ang kailangan ng anak ko.Tinanggap ko ang offer ng kumpanya at binigay na nila sa akin ang mga dapat kong ayusin na mga papeles sa pag alis ko papuntang Spain.
Naging busy ako sa pag aayos ng mga documents ko mula sa pagkuha ng visa at mga ibang papeles na kakailanganin ko sa training dun, di ko namalayan na kasal na pala nina Tyron sa susunod na linggo, sana lang makaalis na ako agad bago ang kasal nila para di ko na masasaksihan.
Dumaan ako kina tita Pat para ihabilin si Tyler, tuwang tuwa naman ang mag asawa dahil makakasama nila ang apo nila, buti at naiintindihan nila ang desisyon ko, alam din nila na mas mabuti para sa akin ang lumayo muna lalo pa't sa sitwasyon ngayon sa pagitan namin ni Tyron,
Niyakap nila ako at inassure na aalagaan nila si Tyler at araw araw kaming maguusap sa Phone, sinabi ko rin na sila na ang bahalang magsabi kay Tyron dahil di ko siya makausap sa sobrang busy niya sa nalalapit na kasal nila ni Cassey.
Sinulit ko ang mga araw na magkasama kami ni Tyler ,nalulungkot ako ng sobra kasi kailangan ko siyang iwan, pero di naman ako magtatagal, babalik ako anak. Babalik si mommy and promise di na tayo maghihiwalay ulit. Hinalikan ko siya sa pisngi ,he's so innocent..
Isang linggo na ang lumipas nakaready na ang mga gamit ko at ang ticket ko pa Spain, nakaayos na rin ang mga gamit ni Tyler para sa paglipat niya sa bahay ng lolo't lola niya, sa pag aayos ko nakita ko ang larawan naming 3 nina Tyron nung binyag ni Tyler, sumikip ang dibdib ko alam kong iiyak nanaman ako, niyakap ko ang larawan at humikbi,
Empezando hoy voy a olvidarte, la tristeza y las lágrimas que tengo hoy, este amor en mi corazón perderá en tiempo, (starting today i will forget you, the sadness,the tears that i have . the love that i have in my heart will fade in time)
Natulog kaming sabay ng anak ko dahil bukas na ang flight ko, bukas na rin pala ang kasal ni Tyron, bukas ay ang araw na magiiba ang buhay naming dalawa, magbabago na ang lahat sa amin. Tomorrow will start the new chapter of our lives.. nakatulog ako na yakap yakap ang anak ko..
BINABASA MO ANG
A perfect nightmare with him (COMPLETED)
RomanceHis family loves me but he hates me so much, paano kung malaman niyang buntis ako at siya ang ama? Paano kung ikakasal na siya sa iba? ..(Hailey Camille and Tyron story) Copying of any of the content of this story is punishable by law. © 2016 zemant...