Chapter 22: Jealous

7.9K 162 1
                                    

Racky's POV

NAGSUOT ako ng simpleng summer dress na floral at flip-flops. Pagkatapos kong mag-blower ay nagbraid na lang ako ng buhok.
Sana naman di sumulpot si Drake.
Kasi pag nakikita ko sya kusang tumitibok ng napakalakas ang puso ko at para bang lagi akong natataranta lalo na pag nagkakatinginan kami.
Ang hilig pa naman nyang makipag-eye contact.

PAGPASOK namin sa retaurant nakita kong nagwe-wave ng kamay nya si Peter at katabi si Luke. Bakit wala si Drake? Nakaramdam ako bigla ng panghihinayang.

Psh. Bakit ba ako nanghihinayang?
Parang kanina lang pinagdadasal mo na sana wala sya tapos ngayon hahanapin mo. Ang gulo mo Racky!

Umupo kami sa table nila luke

"Buti nakapunta kayo kala ko tampo ka pa din Lyndon." sabi ni Peter.

"Alam nyo namang mabilis matanggal ang inis ko sa inyo." sagot ni Lyndon.

"Oo alam namin yon. Etong pinsan mo di ka pa ata kilala. Ts." sabi ni Luke

"Hahahaha. Syempre wala akong masabi kaya yun na lang. Alam ko namang pag sinabi kong maganda si Racky, baka mainis nanaman tong si Lyndon. Hahaha." sabi ni Peter.

Ngumiti na lang ako sa kanya. Loko loko talaga sya.

"Lokoloko ka talaga." sabi ni Lyndon na natatawa rin sa kaibigan

Umorder na kami at habang naghihintay ay may umupo sa harapan ko pag angat ko ng tingin ay si Drake pala. Di sya nakatingin sakin may kung ano syang inaayos sa phone nya.

"Oy Drake!" sabi ni Peter."Ayoko ng akward athmosphere dito ha." dagdag nya.

"Kakain lang ako wala akong gagawin. Sa tingin ko dapat sabihin mo yan kay Lyndon" sabi ni Drake na nakatingin pa din sa phone nya.
Nakita ko namang siniko sya ni Luke.
"Hey? That's nothing" sabi ni Drake habang nakakunot ang noo na nakatingin kay Luke.

"WHHOOOHOO tama na yan. Kakain tayo dito diba? Okay na yan. Change topic na tayo" sabi ni Peter buti na lang nandito sya. Minsan talaga nakakatuwa ang kaingayan nya.

"Racky, ilang taon kana pala?" tanong ni Peter.

"Uhm 19" sagot ko.

"Bata ka pa pala e. Paano ka nakapagtrabaho agad sa FGC?"

Tumingin ako kay Drake kung sasagutin ko ba ang tanong ni Peter. Pero nakatingin pa din sya sa phone nya
"Because of his brother Miguel." sagot ni Drake.

"Ah kapatid mo si Miguel? Magaling yung kuya mo. E anong nangyari?"
Tanong uli ni Peter.

"He met an accident."

"Ha? Patay na?"

Binato sya ni Luke ng tinidor.
"Sira ulo ka talaga Peter. Naaksidente di pa patay. Ts"

"He's comatose."

"Oh sorry for that Racky I don't kn-"

"It's Okay." Sagot ko.

"Ahm. Nagkaboyfriend ka na ba?" tanong uli nya.

"Hindi pa."

"Ows?"

"Oo promise."

"Talaga? Bakit?"

"Wala pa yon sa isip ko."

"E pano si Lyndon?"

"Maghihintay ako peter." sagot ni Lyndon.

"Psh. Tinamaan talaga tong si Lyndon." sagot ni Peter na tatawa tawa. Napatingin naman ako kay Drake na nakatingin pa din sa Phone nya. Naninibago lang ako sa kanya ngayon.

"E racky Ikaw? Gusto mo ba si Lyndon" eto ang ayaw ko kay peter e. Kala mo reporter.

Hindi ako makaimik. Diko kasi alam ang sasabihin ko. Wala naman talaga akong gusto kay Lyndon, kahit isipin ko na nasa kanya na lahat at sobrang bait pa, di pa rin kayang tumibok ng puso ko para sa kanya.

Napatingin ako sa kanilang lahat at napansin kong nakatingin lahat sila sa akin kahit si Drake ay hindi na naka-focus sa phone nya.
Halatang lahat sila ay naghihintay sa sagot ko.

"Uy nandito na yung pagkain!" sigaw ko. Blessing talaga yung waiter, gusto ko syang yakapin. Grabe na save nya ang buhay ko.

KUMAKAIN na kami ngayon at si Lyndon ay lagay ng lagay ng pagkain sa plato ko, pinaghihimay pa ako ng hipon at panay naman ang kantsaw ni Peter. Si Drake naman pasulyap sulyap lang sakin. Naninibago pa din ako, sanay kasi akong iniinis nya si Lyndon.

Katatapos lang namin kumain at nagsalita si Luke.

"Hey Lyndon, I have something to tell you."

"About what?" tanong ni Lyndon

"Not here." sagot ni Luke sabay tayo.

"Pwede bang bukas na lang?"

"This is important."

Bumuntang hininga si Lyndon at tumayo.
"Kakausapin ko lang." sabi nya sa akin at tuluyan na syang umalis.

"Hmm. Ano kayang gagawin ko?" sabi ni Peter na nakatingin kay Drake. Nakita ko namang pinanlakhan sya ni Drake ng mata.

"Ah! Maghahanap nga pala ako ng babae. Bye" sabi ni Peter sabay alis.

Napatingin naman ako kay Drake na nakatingin din sakin.

"I'll go back to my room" sagot ko at akmang aalis na ng masalita sya ulit.

"Can I walk with you?" gusto ko sana syang pigilan pero parang ang bait bait nya ngayon kaya napatango na lang ako.

NAGLALAKAD kami ngayon sa dalampasigan malayo layo din kasi dito yung room na tinutuluyan ko.

"Di ka sumagot kanina" pagbubukas ni Drake

"Ha?" tanong ko. Kunyare di ko alam kung ano ang ibig sabihin nya.

"Yung tanong ni Peter kanina." hinawakan nya ang kamay ko at may nagwrestling nanaman sa puso ko. "Gusto mo ba si Lyndon?" Tumigil na kami sa paglakad at iniharap nya na ako sa kanya.

"Tell me Racky."

Umiling lang ako. Kahit anong gawin ko diko naman talaga gusto si Lyndon.

"Bakit ka sumama sa kanya?"

"Nahihiya akong tanggihan sya" Yun naman talaga ang dahilan e.

"Look at me Racky."

"Ayoko."

Hinawakan nya ang baba ko ay pilit na iniharap sa kanya. Napatingin  ako sa mata nya at nakita ko ang mata nya na punong puno ng emosyon na ngayon ko lang nakita.

"Diba sabi ko sayo na wag ka ng sumama sa kanya. Diba sinabi ko na walang ibang hahawak sayo. Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Racky. Gustong gusto kita."

Diko alam ang mararamdaman ko sa sinabi nya. Gustong gusto ko ng maniwala.

"No. No you're not."

"Yes. Yes I'am racky."

God Knows that I want to give in. Gustong gusto ko ng maniwala sa kanya. Pero di ko magawa. Natatakot ako.

"Racky selos na selos na ako. Selos na selos na ako Racky."

Napatingin ako sa mga mata nya parang sinisigaw ng kanyang mata na totoo ang sinasabi nya.

All of a sudden his lips captured mine, as I kiss him back I think my heart was captured too.

The Ruthless Falls (COMPLETE AND EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon