Chapter 10: Problem

9.4K 148 5
                                    

Racky's POV


SUNDAY ngayon at wala akong pasok ngayon sa FGC. Sa school lang. Nagrewind pa din sa akin ang nangyari kagabi.

"Nothing. You look so cute"

"Nothing. You look so cute"

"Nothing. You look so cute"

"Nothing. You look so cute"

Bakit ba ako kinikilig? Dapat nga mainis ako e. Laging sinasabi sakin ay maganda, dyosa, goddess, diwata, hot, tapos bigla bigla akong sasabihan ng cute? Pero bakit ganon? Pakiramdam ko yon ang pinakamagandang papuring natanngap ko.

Hays. Makapasok na nga. Ano kayang susuotin ko? Nakaordinary kasi kami ngayon. Di nako sanay magpantalon, pwede naman sa university ang kahit anong suot kahit naman mag two piece don pwede e.

Nagsuot na lang ako ng highwaisted tattered pants at black na sleevless and red pumps. Gusto ko nga tumangkad e. Wala si mama dito sa bahay. Busy kasi sya sa pag-aalaga kay kuya. Ako naman ay di na halos nakakadalaw kay kuya dahil masyado akong busy sa school at sa trabaho.

NATAPOS na ang ilang subjects ko ngayon at nandito ako sa cafeteria namin para maglunch. Hinihintay ko na lang si Pia na dumating at di nga ako nabigo.

"Best" sabi nya sakin sabay yakap

"Best!" niyakap ko din sya pabalik

"Ano kamusta?" tanong nya

"Ok naman. Ikaw?"

"Psh. Lagi akong okay no"

"Ikaw best. Dapat nagpapahinga ka, e nakakastress yang trabaho mo."

"Hm. Wala sa isip ko ang magpahinga best."

"Ano ka ba. Sige ikaw magkasakit ka."

"Hindi yan. Wag mong ipagdasal. Haha. Di ako pwedeng magkasakit sa lagay namin ngayon."

"Ang daya mo nga e. Bakit di ka nahahaggard? Samantala ako sa bar lang e akala mo nagsaka na."

"Psh. Ang harsh mo naman sa sarili mo best."

Habang nag uusap kami ni Pia ay lumapit sakin si Brent. Bigla akong kinabahan.

"Uhm, Racky can we talk?"

"No you can't talk to her" sagot ni Pia

"You're not racky" iritang sagot ni Brent.

"Yes I'm not. Spokesperson lang ako." di na sya pinansin ni Brent, humarap na lang sya sakin.

"Can we talk please?"

"Let's talk here"

"Fine. I'm sorry for what I've done. I shouldn't do that"

"Bren-" sasagot na sana ako ng biglang sumagot si Pia

"Sorry? Sorry lang? Yun lang? Duh. Dapat nga kinakasuahan ka e. Matapos mong pagtangkaan ang kaibigan ko. Dapat nga yung bumugbog sayo ay pinatay kana e. Akala ko pa naman napakabait mo yun pala pakitang-tao ka lang. Di mo naman pala talaga mahal ang kaibigan ko, may habol kang iba. Tapos sorry? E tanga ka pala e. Akala mo ganun ganun lang yon?"
Kita kong galit na si Pia.

"That's why I'm here to say sorry. I know it's beyond limit. Dapat di ko ginawa. Pero maniwala ka sakin Racky. Mahal kita"

"Alam mo tumigil ka n-" Tinigil ko na ang pagsasalita ni Pia. Ako naman

"Brent, sumama ang loob ko sa ginawa mo. You know that I trust you, a lot. Kaya nga sumama ako sayo ng gabing yon e. I'm sorry din because I can't trust you anymore."
sagot ko. Nakita ko ang bigo nyang mukha.
"Racky, second chance?"

"Not now.I'm sorry" tumayo na ko at umalis. "Wait rack-"

"You heard her. Please leave her alone" sabi ni Pia at sumunod sakin.

ALAS kuatro na ng hapon at tapos na ang klase ko. Naisip kong magpapahinga ako sa bahay at mamaya na pupuntang Ospital.
Nasa kalagitnaan ako ng tulog ko ng may tumawag sakin.

"Hello sino to?"

("Good evening maam. Kapamilya nyo po ba si Mrs. Maria Sarmiento?")

"Opo. Anak nya po ako. Bakit po"

("She's unconcious right now. Kasi po kanina biglang sumama ang pakiramdam nya. Maam you should go here.")

"Yes yes I will"

NANDITO na ko sa Ospital kung saan naka confine si kuya at mama. Kinausap ko ang doktor at lumala daw ang cancer ni mama. Hindi pala sya bumibili ng gamot. She will go under dialysis tommorow, at kanina ay pikit mata ko ng winidraw ang perang natitira ni kuya sa bangko para maayos si mama. Matagal syang macoconfine sa ospital at diko alam kung pano ko mapagkakasya ang perang kikitain ko para sa gamot ni mama at pambayad sa Ospital. Ipapalipat ko na lang sya sa charity ward pagkatapos ng operation nya. Napaiyak na lang ako. Anong gagawin ko ngayon? Wala naman akong aasahan, ako lang talaga.

"Best?" napatingin na lang ako kay Pia at niyakap nya ako. Buti na lang nandito sya para damayan ako.

"Pia may alam ka pa bang pwede kong ipart time?"

"Best sa bar ako nagtatrabaho bilang dancer. Di ka bagay don."

"Best kulang talaga ako sa ngayon. Di ko alam kung saan ako kukuha ng pera."

"Ay alam ko na best!"

"Ano?"

"Ahm. Si Miss A, humahawak sya ng mga models, As in models yung mga pansusyal na modelan. Di ako pwede don kasi alam mo na di naman ako ganun kagandahan. Ikaw I think pwede ka don. Sama ka sakin. Ipapakilala kita."

SUMAMA ako kay Pia para nga ipakilala daw dun sa Miss A na yon para maging model. Nandito kami ngayon sa bar para intayin si Miss A. Biglang may pumasok na matabang bakla

"Miss A!" bati ni Pia sabay beso. Ay sya pala si Miss A. Infair akala ko babae yung Miss A Bakla pala.

"O Pia ang aga mo ah"

"Miss A may ipapasok sana ako sayo. Diba naghahanap ka ng mga model pang-catwalk pwede ba sya?" sabay turo sakin. Tinignan naman ako ni Miss A.

"Patingin. Tayo ka nga." Tumayo ako.

"Tagilid. Talikod. Harap." sinunod ko naman lahat ng sinabi nya habang sinusuri ako. Kinakabahan ako kasi baka di ako qualified bilang model.

"Perfect! Kaibigan mo ba to Pia?"
Ngiting ngiti na sabi ni Miss A

"Opo miss A, ayos ba?"

"Oo maganda tong kaibigan mo, makinis, sexy, Di lang katangkaran pero pwedeng idaan sa heels to."

"so qualified po ako?" tanong ko.

"You're overqualified. Teka what's your name?"

"racky po"

"Okay racky. May fashion show sa Byernes. Isasama na kita. Marunong ka ba magmodel?"

"Aba oo miss A. Ilang contest na ata ang naipanalo ng bestfriend ko" proud na sabi ni Pia.

"Okay. Tara sa taas aayusin natin to."

NAKAPAGUSAP kami ni miss A. Malaking tulong sakin ang pagmomodel. Una, mataas ang bayad. 15k isang fashion show lang yon. Medyo mababa dahil baguhan pa daw ako, pero 3 palit lang ng damit yon. Ayos na yon.
Hay ang dami ko masyadong problema ngayon diko alam kung pano ko ihahandle to.

The Ruthless Falls (COMPLETE AND EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon