Chapter 34: Awake

6.4K 127 0
                                    

Racky's POV

PAGPASOK ko ng opisina ay nagdadal-dalan na naman ang mga ka-officemates ko. Sanay nanaman ako sa kanila e.
Nanibago lang ako ngayon ng bigla silang nagtigilan ng dumating ako. Nagyukuan din sila at nagsimulang magtrabaho. Yung totoo? Anong meron? Di naman ako boss.

Napansin ko ang dalawang bakanteng table na wala na ring mga gamit, silang dalawa yung madalas na magtanong sakin e. Bat wala sila? Baka naman absent lang.

Nagsimula na akong magtrabaho at napansin kong may pumasok na isang lalaki na kasama ni Sir Jake. "Good Morning. This is Mikey Fernandez, you're new officemate. He is a fresh graduate from St. Thomas University"
Napatingin naman ako, from St. Thomas? Tinignan ko ng mabuti. Bakit di ko sya kilala? Naka-thick glasses to. Mukang nerd yung itsura nya. Siguro octoberian kaya fresh grad daw.
"Palit sya kay ana." palit kay ana? Sya yung officemate ko na wala ngayon. Akala ko absent lang. Bakit papalitan?

"Wala pang maipapalit kay Sarah, naghahanap pa." pati si Sarah? So ibig sabihin sabay silang umalis? Bakit naman kaya?

"I hope what happened to them will serve as a lesson to all of you, pag nandito kayo, trabaho yung atupagin nyo wag chismisan." sabi ni sir james na sumulyap sa akin bago umalis.

Anong nangyari sa kanila? So ibig sabihin, hindi sila umalis. Tinanggal sila.
Sa ano naman kayang dahilan?

Kawawa naman sila, baka naman di nagtrabaho ng maayos. Pero muka namang masipag silang dalawa e. Natatapos nga agad nila ang mga trabaho nila on time, yun nga lang masyado lang talaga silang chismosa.

Chismosa? Sabi ni sir James kanina 'trabaho yung atupagin nyo wag puro chismisan'
Natigilan ako, baka naman tinanggal sila dahil sakin?
Psh. Siguro naman hindi, baka nahuli lang ni Drake na hindi nagtatrabaho at nakekwentuhan kaya natanggal.

Nakita ko namang umupo si Mikey sa table ni Ana noon. Nakatingin sya sa akin kaya ngumiti na ako. Nabakas ko sa kanya ang gulat at namula, nakakatuwa ang cute nya. Ngumiti na din sya sa akin at nagiwas na ako ng tingin.

NANDITO ako ngayon sa canteen, di na ako sanay kumain dito lagi kasing gusto ni Drake na magkasabay kami, tutal tuwing saturday lang naman. Tuwing saturday lang naman ako whole day dito e. Pero ngayon wala sya kaya free ako, ewan ko ba sa sarili ko, bakit ang bilis nya akong napapasunod.

Bibili na sana ako ng kakainin ko ng magsalita yung canteener
"Hija ikaw ba si Raquel Montero?"
"Opo ako nga"
"Nagbilin po si sir Drake na kumain kayo, may pagkain po kayo sa loob, dun na lang po kayo kumain o kung gusto nyo po dalhin na lang namin sa opisina nyo." nagulat ako sa sinabi ni manang. Nahiya ako sa sinabi nya. Masyado naman atang pa-VIP yung trato ni Drake.

"Ha? E wag na po. Dito na lang po ako kakain"

"Ha? Sigurado ka ba? Baka mapagalitan kami ni sir Drake."

"Ay hindi po ako po ang bahala."

Binigay nya sa akin yung pagkain, masyadong madami yun para sa akin.

"Gusto nyo pong ipadala ko sa crew dito medyo mabigat e."

"Hindi na po. Kaya ko na yan"

Kinuha ko yung tray na may pagkain at nakita ko ang mga mata ng mga empleyado na nakatingin sa akin. Napansin ko lang na di na sila nagti-tsismisan.
Wala ng bakanteng table, nakita ko si Mikey na mag-isang nakaupo kaya lumapit ako.

"Hi. Pwede bang maki-share ng table. Wala na kasing bakante"

Nakita ko ang panlalaki ng mata nya at ang pamumula nya.

"Pwede ba?"

Nung nagsalita ako tsaka bumalik yung ulirat nya.

"O-oo, uhm- Upo k-a."

"Salamat." sabi ko sabay ngiti sa kanya.
 
"Sa St. Thomas ka pala grumaduate. Bakit parang ngayon lang kita nakita?"

"Ha? Oo d-di naman kasi a-ako palalabas ng c-classroom. P-pero lagi k-kitang nakikita."

"Ah talaga."

Madami kaming napag-usapn ni Mikey, Business Administration ang course nya, tapos iregular student sya kaya october sya grumaduate.
Lagi pala syang nabu-bully noon kasi nga may pagka-nerd pero sa tingin ko may itsura sya pag naayusan.
Masaya kakwentuhan si Mikey at madaling makagaanan ng loob. Noong una medyo nahihiya pa sya at nauutal pero nung naglaon hindi na masyado.
Nagtaka din sya kung pano ako nakapagtrabaho dito samantalang di pa ako gradute. Naikwento ko tuloy ang buong buhay ko

"Sabi bawal daw mag-chismisan dito sa FGC. Yung daw ang rule e." sabi nya.

"Ah. Akala ko bawal umalis hanggat di tapos ang trabaho"

"Kasama na rin yon. Kaya nga daw naalis yung pinalitan ko kasi naabutan ni sir Drake na nagchichismisan kaya tinanggal." Infair medyo chismoso din sya. Haha. Napansin ko namang nag-vibrate ang phone ko. Pagtingin ko si Drake nag text.

Drake:
Hey bantay kita. Nagseselos ako sa kasama mo.

Nagulat ako, grabe akala ko wala sya bakit ganon?

(Ano ka ba. Kaschoolmate ko to no.)

Drake:
Kahit na. Stay away from him. Now.

Di na ako nagreply. NapakaOA nya. Kakain na lang ako.

MABILIS ang naging oras at 3:00 pm na, coffee break daw muna. Nakita kong nariring ang phone ko si mama tumatawag.

"Ma? Bakit po"

("Anak punta ka dito sa Hospital, gising na ang kuya mo")

Natigilan ako, gising na si kuya?
Mabilis akong tumayo at iniwan lahat ng trabaho ko. Di na rin ako nakapagpaalam kay sir James na aalis ako. Sobrang aligaga kasi ako. Gustong gusto ko na makita si kuya.

PAGDATING ko sa ospital ay nakita kong nakaupo na si kuya sa kama nya. Nagtatawan silang tatlo nila mama. Nagulat naman sila sa biglaang pagsulpot ko. Nasa pinto pa lang ako pero pumatak na agad ang mga luha ko. 4 na buwan ding comatose si kuya. Miss na miss ko na sya.

"O bakit ka umiiyak? E gising na nga ako" sabi ni kuya na nakangiti.

Lumapit agad ako sa kanya at niyakap sya. Humagulhol na ako sa pagiyak sa balikat ni Kuya. Sobrang saya ko kasi gising na sya. Gising na muli ang super-kuya ko.

PAGKATAPOS kong umiyak ng pagkatagal- tagal ay nahimas-masan na rin ako. Kami na lang ni kuya ngayon ang nasa kwato nya. Natutuwa ako kasi ang  kulit kulit pa din nya. Akala mo di naaksidente.

"FGC daw nagbayad lahat ng bills ko at nagtatrabaho ka daw don" biglang sumeryoso ang mukha ni Kuya

"Oo kuya. Galit ka ba?" natakot kasi ako bigla.

"No. I'm proud of you kasi you've grown enough. Look at you, matured ka na. Feeling ko naging independent ka nung magkasabay kami ni mama na na-ospital. I have to thank sir Drake for this." sabi ni kuya na naka-ngiti.

"Ah oo kuya ang bait nya."

"Oo mabait naman sya kahit papano. Di ka ba nya napagalitan?" biglang nagbalik ang mga ala-ala ko kay Drake, pano kung sabihin ko kay kuya lahat? Magagalit kaya sya?

"Siguro oo. Di ka makasagot e."

"Ha. Hindi, hindi pa nya ako napagalitan"

"Talaga?"

"Oo nga. Alam mo mag move-on na tayo. Kelan ka lalabas dito? Bukas na ba?"

"No. One month pa, para mabawi ko ang lakas ko at pagkatpos nun, babalik na ko sa trabaho. Babawi naman ako sayo"

Bigla akong nalungkot. So aalis na ako sa FGC.
Racky, hoy! Di ba ikaw tong iyak nang iyak nung nakaraan na sana magising na ang kuya mo para makaalis na sa FGC para iwasan si Drake tapos ngayon, ano? Nalulungkot ka? Yung totoo?

The Ruthless Falls (COMPLETE AND EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon