Chapter 23: Fight

7.6K 155 4
                                    

Racky's POV

NARAMDAMAN ko ang paggalaw ng labi ni Drake at ang paghigpit ng yakap nya sa akin at nararamdaman ko rin ang pintig ng puso ko na tumitibok para sa kanya na isang malaking pagkakamali.

Pinutol ko ang paghalik nya sa akin.

"Drake, no." at sa di ko alam na dahilan ay pumatak ang luha ko.

Umiiyak ako kasi nafu-frustrate ako sa sarili ko at sa nangyayari, una, alam kong may nararamdaman ako para sa kanya, pangalawa, ayokong masaktan, ayokong maloko at ayokong paglaruan nya lang ang nararamdaman ko kung saka-sakali, pangatlo, di ko alam kung totoo ba talaga ang nararamdaman at sinasabi nya sakin, pang-apat, kung totoo man yon di ko kayang saktan si Lyndon na napakabait sa akin at pang-lima, di ko kayang sumugal sa pag-ibig. Di ko kayang magmahal, natatakot ako.

"Hey? Hey? Racky? What happen? Bakit ka umiiyak" tanong sakin ni Drake na medyo taranta at pinahid ang mga luhang pumapatak sa pisngi ko.

"Please. Please Racky don't cry." At pilit na pinupunasan lahat ng luha ko.

Niyakap nya na lang ako bigla at patuloy na hinahaplos ang buhok ko.

"Shh. Tama na Racky. Ayokong nakikita kitang umiiyak"

"Drake. Please, kung niloloko mo lang ako tama na." pakiusap ko sa kanya.

"No. Racky I'm not fooling around. I know it's hard for you to believe me. But please. Please racky, give me a chance." pasusumamo nya sakin

"Drake natatakot ako. Natatakot akong masaktan. At ayaw ko ring saktan si Lyndon."

"I will talk to him Racky. Alam kong takot ang mararamdaman mo at di kita masisi kung pagdudahan mo ang mga sinasabi ko pero please, maniwala ka sa akin, I'll do anything. I'll do anything para di ka masaktan at para maniwala ka sakin. Racky I'm deeply inlo-"

"Leave her alone Drake!" sigaw ni Lyndon na papalapit sa amin na pinipigilan ni Luke.

Hinawakan naman ni Drake ang kamay ko at tinago ako sa likuran nya na parang isang napakahalagang bagay na hindi maaring manakaw.

"I wont!" matalim na sabi ni Drake.

"Why? Bakit mo to ginagawa ha Drake? Para mapatunayan na lahat ng babae kaya mong makuha" I saw a smirk in Lyndon's Face. "Tanga ka pala e. Lokohin mo na lahat wag lang si Racky."

Lumapit sya lalo at sinuntok si Drake sa mukha. Bigla naman syang hinatak ni Luke palayo.

"Tama na to pare!" sigaw ni Luke

"F*ck you Drake! F*ck you!" sigaw ni Lyndon

"Shut the F*ck up Lyndon! Para sabihin ko sayo di ko sya niloloko! At hindi lang ikaw ang may karapatan na magkagusto sa kanya!" kita ko ang galit sa mukha ni drake at Lyndon at di ako masaya sa nakikita ko.

"Wag mo kong pinapatawa Drake. Kilala kita. Pag natikman mo na iiwan mo na at ako, hindi ako papayag na gawin mo yun kay Racky dahil Mahalaga sya sakin!"

"F*ck you!" akmang susuntukin na ni Drake si Lydon pero pinigilan ko sya.

"Please Drake. Wag!" sabi ko. Napatingin sya sakin at binaling naman agad ang tingin kay Lyndon. Bumuntong hininga sya na parang pinapakalma ang sarili.

"Wala akong pakealam sa iniisip mo sakin. Wala din akong pakealam sa kung ano ang tingin mo sa akin. Kung mahalaga sayo si Racky, mas pinapahalagahan ko sya. Kung di mo sya lolokohin, mas lalong di ko sya lolokohin.Kung gusto mo si Racky, mas gusto ko sya." nagulat ako sa sinabi nya.

Nakita ko rin ang gulat sa mukha ni Luke at Lyndon na walang masabi.

Humarap naman sa akin si Drake

"I'm not forcing you to believe me. But I want you to know na lahat ng sinabi ko totoo." I saw how sincere his eyes is.

Naniniwala ako sayo Drake. Gustong gusto ko sabihin.

"Let's go back to Manila Racky." sabi ni Lyndon

"No. I'll be the one to take her home. Hindi ikaw Lyndon" sabi ni Drake.

"Pagaawayan pa ba natin to?" tanong ni Lyndon

"Oo." sagot ni Drake

"Drake ako ang nagdala sa kanya dito kaya ako din ang mag uuwi sa kanya. You doesn't own her Drake para pag bawalan mo"

"As far as I know you doesn't own her too. So shut up and I'll be the one to take her home"

"Shut up the two of you. Racky owns herself. Parehas kayong walang karapatan na diktahan sya. Ngayon racky, sinong gusto mong mag uwi sayo sa Manila." sabi ni Luke na halatang inis na sa nangyayari.

"Wala. I can go home on my own"

"No you wouldn't" sabi ni Drake

"Sumabay ka na sa akin Racky. Paalis na din ako ngayong gabi. Wag kayong mag-alalang dalawa wala akong gagawin at di ko sya aagawin, para di kayo mag-alala kung ayos ba sya." sabi ni Luke "Tara na Racky." Kumalas ako sa pagkakahawak ni Drake.

"Ayoko ng ganito. Ayokong nag-aaway kayo dahil sakin" sabi ko at dumeretso na ako kasabay si Luke.

Drake's POV

Nakita kong papaalis na si Luke at Racky. Susunod na sana ako ng magsalita si Lyndon

"Bakit sya pa Drake?" tanong ni Lyndon

"I don't know."

"Tigilan mo na to Drake."

"What do you mean?"

"Alam kong di ka nagseseryoso Drake. Please wag si Racky yung paglaruan mo."

"Alam kong mahirap akong paniwalaan because I'm a f*cking jerk pero lyndon yung nararamdaman mo kay racky, yun din ang nararamdaman ko."

"Kung sakaling piliin ka nya mahihirapan lang sya sayo. You're a ruthless man, you can't be gentle Drake, masasaktan mo lang sya. An innocent like her doesn't deserve a guy like you."

"And you're deserving huh. Well congrats cause you're the nice guy. I love Racky. I can change. I promise that."

"You can't beacuse you doesn't know how to love"

"Shut up Lyndon! F*ck masusuntok na Kita!"

"O Diba? You're cruel. You're a jerk di kayo bagay ni Racky!"

"Yes I'am. Atleast I'm not like you, pretending to be good man?"

"I'm not pretending at para sabihin ko sayo ako ang nauna"

"Ako ang nauna Lyndon, since the first time I saw her I know that I like her. Nagkataon lang na una kang nagsabi."

"So everything is your plan. Pati yung pagpasok nya sa kumpanya mo para mapasayo sya"

"Kusa yung nangyari Lyndon. Wala akong oras makipagusap sayo"

Aalis na ako ng magsalita ulit si lyndon

"May the best men wins."

"You're the best men Lyndon, bagay na bagay kang maging best man sa kasal namin ni Racky." I smirked naasar ko nanaman sya.

I'm just telling the truth sisiguraduhin ko na sakin sya mapupunta. I'm willing to fight for her.

The Ruthless Falls (COMPLETE AND EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon