Chapter 38: Yes

6.2K 154 5
                                    

Racky's POV

NANG makita ko ang reaksyon ni Drake at nang marinig ko ang lahat ng mga sinabi nya, all my fears drifted away. All of my doubts suddenly vanished by the wind. I realized that I have to tell him the truth

Sa tingin ko dapat ko nang isantabi lahat ng takot ko. Tumitibok ang puso ko para kay Drake at ang dapat kong gawin ay harapin to at magpakatotoo.

I love Drake and I trust him.

Hinawakan ko ang kamay nya na nakahawak pa rin sa mga pisngi ko. Ibinaba ko ito at hinawakan ng mahigpit. Nakita ko sa mukha nya ang kaba sa mga susunod kong sasabihin.

"Akala mo ba ikaw lang ang may rules." nakatingin sya sa akin na parang nagtatanong. Ngumiti naman ako at nagsimulang magsalita

"Isa sa mga rules ko ay hindi ako ma-iinlove ngayon dahil meron akong mga priorites sa buhay ko, but just like you, I broke it" nakita ko ang panlalaki ng mata nya dahil sa pagka-gulat.

"Totoo ang mga sinabi mo. Sa totoo lang di talaga ako naniniwala sa iyo nung umpisa. Iniisip ko na niloloko mo lang ako, na sasaktan mo lang ako." bumuntong hininga ako bago nagsalita, kinakabahan kasi ako na ituloy tong confessions ko.

"At Drake, isa sa pinaka-kinakatakutan ko ay ang masaktan. Ayokong masaktan kaya iniwasan kita noon. But you never give up. You prove me that your feelings are true. Hindi ako makapaniwala na ma-iinlove sa akin ang isang tulad mo, pero anong masasabi ko, nasa harap na kita. Kasi kahit sa fairytail hindi nagiging prince charming ang isang villain"

Nakita ko ang ngiti sa labi nya.

"Drake because of your love, all my fears where washed away, and Yes Drake. I'm giving you a chance." Nakita ko ang kaba na nararamdaman nya kanina ay napalitan ng saya at pagmamahal.

He hugged me tight and I also hugged him.
"Thank you Racky, you don't know how happy I'am." bulong nya sa akin.

"I love you so much. Mahal na mahal kita Racky."
Tumingin sya sa mga mata ko.

"Mahal din kita Drake" and there it is. Eto na nasabi ko na ang pinakatago-tago ko ng ilang buwan. Nasabi ko na, na mahal ko sya. Masarap pala sa pakiramdam na masabi mo sa isang tao yung nararamdaman mo.

Drake's POV

"MAHAL din kita Drake"

"Mahal din kita Drake"

"Mahal din kita Drake"

"Mahal din kita Drake"

"Mahal din kita Drake"

Totoo ba yung narinig ko o nasa isip ko lang yon dahil inlove na inlove ako kay Racky?

Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakangiti sya.

"Babe can you repeat what you said." para kasing di ako makapaniwala sa sinabi nya. Gusto kong ulitin nya to assure na totoo yung narinig ko.

"Ha? Wala naman akong sinabi?" sabi ni Racky. Sabi na e guni-guni ko lang yon. Ok lang, atleast she already gave me a chance.

"Joke!" napatingin ako bigla sa kanya. "Mahal din kita Drake. Mahal na mahal din kita."

I froze. I think I'm being senseless. I just starred at her beautiful face. My mind can't digest what she says.

Mahal ako ni Racky? Alam kong masama akong tao noon, I can't believe that God will bless me this kind of happiness. This is too much. Mahal ako ni Racky. Mahal nya ako.

Alam kong imposible sa tingin nyo, pero lagi kong ipinagdadasal na sana dumating yung araw na mahalin ako ni Racky. Eto na nga, dumating na yung araw na yon.

Ganito pala ang pakiramdam ang saya-saya.

Racky's POV

I SNAPPED at him. Tagal nya kasing nakatitig lang na parang di gumagana yung utak. Yung totoo? Di pa din makapaniwala e ilang minuto na syang nakatanga lang sakin.

"I can't believe it." sabi nya sa akin na nakatanga pa din.

"Edi wag kang maniwala."

"No. No. I'm just overwhelmed."

Niyakap nya uli ako at binuhat pa-ikot. Para tuloy akong bumalik sa pagkabata, naalala ko kasi na binubuhat ako ng ganito ni Mama nung bata pa ako.
Binanba nya ako at tumingin sya sa aking mga mata.

"So you're my girlfriend now?" agad? Di naman sya masyadong excited. Parang kanina ang hinihingi nya ay chance lang, tapos ngayon kami na agad?

"Syempre hindi pa."

"Bakit hindi pa? Sabi mo sakin you love me too. The feeling is mutual, bakit pa natin patatagalin? Tsaka ang tagal ko ng nanliligaw sayo diba" ngumiti sya with matching taas ng kilay.

"Please Racky be my girlfriend, so I would have an official right for you."

"Tsaka payag naman sina tita e. Gusto nga daw nila ako para sayo kasi gwapo ako." ts. Mayabang talaga tong lalaking to e.

"Be my Girlfriend Racky." sabi nya at sa pagkakataong ito ay seryoso na sya. "Say yes." may magagawa pa ba ako e sya na nga yung sumagot e at tama sya. Bakit pa patatagalin ang ligawan kung mahal naman namin ang isa't-isa.

"Yes." sabi ko sabay ngiti. He hug me tightly.
"You're mine now Racky."

Then he leaned and kiss me gently. It was real and passionate.
I'm so happy that Drake loves me. Mahal na mahal ko sya. Ngayon, I'm his and his mine.

After that, sumigaw si Drake.
"WHOOOOOOOOO! At last. Girlfriend ko na si Angelica Raquel Montero! Whoooo!" with matching taas ng dalawang kamay.

"Naks parang nanalo sa lotto" pang-aasar ko sa kanya.

"Daig ko pa ang nanalo sa lotto." he hugged me again and kissed my forhead.

"Grabe ang saya saya." I saw a genuine smile written all over his face. I'm so happy cause I'm the reason behind those beautiful smiles.

"Ipapaalam ko na to kay Dad." sabi nya. "I want you too meet him kaso na sa States sya. Pag balik nya na lang dito sa Pilipinas."

"I'll also talk to your family tommorow." sabi ni Drake "Wag muna kay kuya Drake."

"Why not?"

"Baka kasi mabigla sya. Alam mo naman."

"Okay okay. Basta I love you. Can you say you love me too again?" parang hanggang ngayon di pa rin makapaniwala ang lolo nyo.

"I love you. I love you. I love you."

Then he kissed me again. So eto pala yung feeling ng inlove. Ang sarap, ayoko nang matapos yung pakiramdam kong ganito. Alam kong darating yung oras na magkakaproblema kami ni Drake at magkakasakitan ng di sinasadya, but I'm ready. Handa na akong masaktan dahil kasama yon sa pagmamahal.

I know that I'm going to be happy with Drake, ihahanda ko na din ang sarili kong tanggapin sya, at intindihin sya kasi mahal ko sya. And I will be a good girlfriend for him.

Author's note: Hindi po sobrang mahaba ang The ruthless Falls. Meron din po kasing stories ang mga kaibigan ni Drake na sina Luke, Peter, Lyndon at Rye. Sana suportahan nyo din po. Maraming Maraming salamat po. Lovelots. Mwa.

The Ruthless Falls (COMPLETE AND EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon