"Pa, please sige na maaga pa naman.Di naman ako lalayo."pamimilit ni Rona sa Papa niya na ayaw pumayag na maligo siya ng mag isa sa ilog.
"Iha, wala akong mauutusang magbabantay sayo tsaka naghihintay na ang mga business partners natin sa sala.Hayaan mo bukas pupunta tayo sa magandang
resort."Pagpapaliwanag ni Don Agudo sa anak.
Pagkasabi ng papa niya ng mga katagang yun ay gumuhit ang lungkot sa mukha ni Rona.Dahil kahit na college student na siya sa kursong ng kanyang ama ay hindi parin siya
pinapayagan lumabas ng walang nagbabantay.
"Anak para din naman sayo yung mga ginagawa ko.Naiintindihan mo naman ang Papa di ba?."
"Ganito nalang,pagkatapos ng meeting ko ngayon sasamahan kitang maligo diyan sa ilog.Okey ba yun sayo?"dagdag pa ng Papa nito sabay halik sa noo ng anak.
"Ok Pa maghihintay nalang ako sa labas."mahinang sagot ni Rona sa ama.
Lumabas si Rona ng bahay upang maglakad-lakad habang hinihintay matapos ang meeting ng papa niya.Ngunit dahil nakakaakit ang kagandahan ng ilog ay di niya mapigilang
lumapit doon.
"Hay! isang oras na lang at mag aalasais na.Hindi parin tapos ang Papa sa meeting nila."nababagot na wika ni Rona sa kahanginan.
"Hindi naman siya siguro magagalit kung mauuna na akong magswimming.Susorpresahin ko nalang siya na marunong na akong lumanggoy.Hehe.Nakikita ko na sa mga mukha niya
ang pagkagulat."dagdag pa nito at tuluyan na siyang bumaba sa ilog at enjoy na enjoy sa paglanggoy sa kalmadong tubig.
Malapit nang kumagat ang dilim pero hindi parin natatapos ang meeting ng papa niya kaya patuloy parin ang kanyang paglangoy.Hindi niya namalayan na lumalayo na siya sa
pampang.Nabasag nalang bigla ang ulirat nito ng biglang bumuhos ang ulan.Pilit niyang bilisan ang paglangoy patungo sa pampang ngunit dahil sa lamig ng tubig at ulan
ay napulikat ang isa niyang binti.
"PAPA!Tulongan mo ako!."makailang ulit na sigaw ni Rona.
"TU..UUUULOOOOONNGG!"huling salitang binitawan ni Rona bago siya unti-unting lumubog sa ilog.
"What???Lola naman eh.True Love po yung inaasahan kung kwento ng lonely girl na yun.Tapos nalunod pala siya sa ilog na'to?Yun na po ba ang destiny and true Love na
sinasabi nyo?."gulat na wika ni Jason sa Lola niya dahil sa di inaasahang kwento.
Naudlot ang pakikipagkwentuhan ng dalawa ng bigla silang tawagin ni Greg.
"Jason,Ma, halina po kayo sa loob naghanda si Mang Berting ng masarap na pagkain."tawag ni Greg sa anak at sa mama nito.
"Ok Dad just a minute."Sagot ni Jason sa papa niya.
"Sana nga masarap yung food dito lola pambawi sa boredom and loneliness ng place na to."dagdag pa ni Jason habang inaalalayang tumayo ang lola niya.
"Nagmumulto parin ba hanggang ngayon ang babae Lola?"tanong ni Jason sa lola niya habang naglalakad papasuk sa bahay.
"Hindi siya namatay apo.Mabuti nalang at bago siya malunod may nakarinig sa kanyang mangigisda at nasagip siya nito."pagsasalaysay niya sa apo.
"Well, it's easy to tell lola.That guy is her True Love."nakangiting wika ni Jason.
"Yes, but it's not that easy to tell apo dahil hindi naman siya kaagad nagkagusto dito at ni wala nga siyang malay ng masagip siya ng lalaki."pagpapaliwanag ng lola
niya habang inaalalayan siyang pumasok ng bahay.
BINABASA MO ANG
River Rain
Teen Fiction"Love is our true destiny. We do not find the meaning of it by ourselves alone - we find it with another." ― Thomas Merton. A story that will make you believe that destiny really exist.