"Wow, this food is so amazing."wika ni Jason na nasarapan sa tinolang native na manok na niluto ni Mang Berting.
"Wala po yan sa America Sir.hehe"pabirong sabat ng katiwala.
"Tama po kayo, this is so delicious!Mukhang tataba po ako sa pagbakasyon ko dito.Hehe"nakangiting wika ni Jason.
Napangiti naman ang lola at papa niya dahil sa naging reaction ni Jason.
"Mang Berting ilang taon din kaming hindi nakauwi dito.May maganda bang pasyalan dito na pwede naming mapuntahan?"tanong ni Greg sa katiwala.
"Merong bagong resort po dito Boss Greg yung pangalan po eh " River Rain" na kahit sa mga banyaga ay mabentang-mabenta.Ngunit may kalayuan po dito mga 30 minutes po
ang byahe."sagot ng katiwala.
"Pangalan pa lang maganda na sigurado akong okey dun!" sabi ni Jason.
"Ok lang po Mang Berting basta maganda ang lugar at nang mag enjoy naman ang mama at si Jason."wika ni Greg sa katiwala.
"Ok po Boss Greg mga anong oras po tayo aalis?Para mailabas ko ang sasakyan?"tanong ni Mang Berting kay Greg.
"Mga 8pm nalang siguro Mang Berting.Magpapahinga muna kami kahit konti lang."sagot ni Greg.
"Jason, alalayan mo yung lola mo papunta sa kwarto niya pagkatapos mong kumain para makapagpahinga na siya."dagdag pa nito sa anak.
"Ok Pa, tatapusin ko lang po tong kinakain ko."sagot ni Jason sa Papa niya.
Halatang pagod na ang lola ni Jason dahil sa byahe dahil ng alalayan niya ito papunta sa kanyang kwarto ay panay hikab na ang matanda.
"Lola, sorry for being rude lately.Hindi ko naman po sinaadya ang ganong pag uugali."paumanhin ni Jason sa kanyang lola.
"Ayos lang apo, naiintindihan ko naman ang situation mo.Basta tandaan mo lang follow your heart ok?Yun yung magbibigay sayo ng totoong happiness na hinahanap mo."sagot
ng lola niya.
"Babawi po ako sayo lola I will make sure that this vacation will be the best."nakangiting wika ni Jason sa lola niya habang pinauupo ito sa higaan.
"Maiba po ako lola, sa mga novel po na nabasa ko ang destiny at true love ay bestfriends pero bakit sa kwento niyo po mukhang wala namang true love, wala ring
destiny."dagdag na tanong ni Jason sa Lola nito.
"Maupo ka nga sa tabi ko hindi mo pa nga napapatapos kasi ang dami mo nang tanong."sagot ng lola niya at pinaupo si Jason sa tabi nito,
"Naalis sa isip ng babae ang trahedya dahil nakapagpasalamat na siya sa taong akala niya ay sumagip sa kanyang buhay ngunit yun pala ay binayarang tao ng papa niya.At
namuhay ulit ito sa kanyang mga dating ginagawa na pumunta ng Maynila para mag-aral at umuwi tuwing Sabado at Linggo para makapagpahinga."pagsasalaysay nito kay Jason.
"Paano po sila nagkita ulit ng lalaki gayong wala pala siyang time sa love lola?"tanong ni Jason.
"Ang tadhana ang naglapit sa kanilang dalawa ngunit pinaghiwalay din sila ng tadhana."sagot nito kay Jason.
"Lola di ko talaga ma gets.Make it clearer po.Ikwento niyo ng mabuti sa akin so that I can understand what you really mean."wika ni Jason.
BINABASA MO ANG
River Rain
Teen Fiction"Love is our true destiny. We do not find the meaning of it by ourselves alone - we find it with another." ― Thomas Merton. A story that will make you believe that destiny really exist.