"Pa, excited na akong makita ang resort na sinasabi ni Mang Berting.Para bang may mangyayaring kakaiba na di ko maipaliwanag sa pagpunta natin dun."wika ni Jason
habang binabaybay nila ang daan patungo sa Resort na sinasabi ni Mang Berting.
"Wala naman palang gaanong nagbago sa lugar natin Mang Berting sa mga lumipas na taon."wika ni Greg sa nagmamanehong si Mang Berting habang nakatingin sa itsura ng
dinadaanan nilang mga kabahayan.
"Sinabi mo pa Boss."maikling sagot nito na tutok ang tingin sa dinaraanan.
Lumipas ang kalahating oras na byahe ay sa wakas narating din nila ang sinasabing Resort.
Pagbaba palang nila sa sasakyan ay maraming tao na ang tumambad sa kanila na eni-enjoy ang
live band sa terrace ng Resort.
"Wow I can't belive this.Imagine this beautiful resort in this kind of place? All I can say Pa, its really awesome!"namamanghang wika ni Jason sa ama.
"Nakakamangha nga naman pala talaga Mang Berting.Oh siya tayo na sa front desk ng makapagpareserve tayo ng activity at room bukas."wika ni Greg sa dalawa.
Ngiti at pagtango lang ang nasagot ni Mang Berting na manghang mangha din sa ganda ng lugar.
"Go ahead Pa, susunod nalang ako I need to go to the bathroom muna.Lalabas na eh di ko na mapigilan."pagpapaalam ni Jason sa papa nito at kay Mang Berting.
Natataranta na itong hinanap ang palikuran dahil hindi niya na mapigil ang tawag ng kalikasan.Pero nang nakita niya ito ay may tatlo pang lalaking nakapila sa isang
close door restroom na pang isahan lang."What the?"inis na wika nito.Napatingin ito sa c.r ng mga babae at ng makitang walang tao ay doon siya pumasok.
Makalipas ang ilang minuto ay naginhawahan na ito ngunit bumalik ang pagkainis ng may kumatok sa kanyang pinasukang c.r.Hindi niya alam ang gagawin dahil sigurado siya
na babae ang naghihintay sa kabila ng pinto kapag kanya itong binuksan at siguradong mapapahiya siya.
"Well, hindi naman siguro ako mamumukaan ng kumakatok na ito."wika ni Jason sa sarili.
"Wait lang."wika nito sa taong nasa labas ng pinto at inayos na ang sarili upang buksan ang pinto.
Yumuko nalang si Jason habang palabas ng c.r ngunit sa di niya malamang dahilan ay di niya maiwasang tignan ang babaeng kumakatok sa kanyang pinasukang c.r.Maganda ang
babae, mahaba ang buhok at nasa katamtaman ang katawan.Ang mukha nito ay isang imahe ng babae na laman ng kanyang mga panaginip.Kaya binigyan niya ito ng kanyang
pinakamagandang ngiti ngunit bigla nalang siyang kinurot ng kanyang kahihiyan dahil bumalik sa kanyang animo na maling c.r ang kanyang pinasukan at ang babaeng kanyang
nginitian ay ang naghihintay sa kanya sa labas.
"Sorry!"mahinang wika ni Jason sabay bawi sa ngiti nito at tinakpan ang mukha papalayo sa c.r ng mga babae.
Hinanap niya ang front desk ng resort at doon nakita niya na nakaupo ang papa niya at si Mang Berting.
"Pa, ok na ba?"tanong ni Jason sa papa nito at umupo sa kanilang tabi.
"Hindi pa anak,wala pa ang front dek officer nila.Baka may pinuntahan pa."sagot ng papa niya sa kanya.
"Good Evening po.Welcome to River Rain Resort.What can I do for you."tanong ng isang babaeng nakatayo sa harapan nila.
Napatingin si Jason sa nagsasalita at sa pagtingala nito ay nakita niya ang mukha ng babaeng kumatok sa kanya sa c.r.at dahil sa hiya ay ibinaling nito ang tingin sa
malayo.
"Well we want to have a reservation tomorrow sa rooms and events na pwede naming gawin dito."sagot ni Greg sa babae.
"Then doon po tayo sa desk ko Sir I'll give you a flyer for you to choose the events and rooms you want."wika nito habang tinuturo ang front desk office.
"No need to say sorry earlier.Mahaba naman talaga kasi ang pila kanina."nakangiting wika nito kay Jason na halatang nahihiya sa kanya.
"And ganda talaga!"mga salitang lumabas sa kanyang mga bibig habang tulala sa harap ng babae.
"Anu yun Jason?"nagtatakang tanong ni Greg sa anak.
"I mean this place Pa.Ang ganda talaga."nakangiting bawi nito.
"Well here is the flyer Sir so that you can choose the rooms and event you want."wika ng front desk officer sabay abot sa flyer sa papa ni Jason.Pero mabilis pa sa
kidlat ang kamay nito sa pagkuha ng kanyang iniaabot.
"Let me Pa, ako ang nakakaalam ng event at room na magugustuhan ni lola."wika ni Jason sa ama.
"Talaga lang ha?"patanong na sagot ni Greg sa anak.
"Boss Greg, hayaan mo nang si Jason ang pumili kayang-kaya niya na yan.Maupo nalang po tayo."sabat naman ni Mang Berting sa kanilang pag-uusap.
"Salamat po Mang Berting."nakangiting wika nito sa katiwala.
"Ako nga pala si Jason."sabay abot nito sa kamay.
"Jade po Sir."nakangiting sagot ng front desk officer.
"Do you believe in destiny Jade?"prangkang tanong nito.
"Yes Sir.Yan ang palaging pinapaalala sa amin ng may-ari ng resort na ito."sagot ni Jade.
"That's nice."nakangiting wika ni Jason.
"Andito ka ba tomorrow?"dagdag pa nito.
"Day off ko po bukas Sir."sagot ng f.o sa kanya.
Bumakas ang lungkot sa mukha ng binata pagkarinig niya ng katagang binitawan ng babae.
"But if there's a reason to be here Sir then I'll be here."nakangiting dagdag pa nito.
"Jason matagal pa ba ang pagpapareserve mo diyan?Gagabihin tayo sa daan.Tsaka marami nang nakapila sa likuran mo para magtanong din"wika ng Papa niya sa di kalayuan.
Napalingon si Jason sa Papa nito.
"Just a minute pa."ngiti nito sa papa niya.
"Uhmmm.Then can I ask you to go out with me tomorrow?"wika ni Jason na mahigpit ang hawak sa flyer na hawak nito.
"Ok Sir,what time po kayo pupunta dito?"tanong ni Jade.
"Aagahan ko,I mean maaga pa ako dito mga 7am."nakangiting wika ni Jason.
"Then I'll be here at 7am too Sir."nakangiting sagot nito kay Jason.
"YES!!!"malakas na sigaw ni Jason pagkarinig ng mga salitang binitawan ng front desk officer.At napayuko nalang ito ng makitang marami ng taong nakapila sa kanyang
likuran.
"So anong room at event ang napili mo para sa lola mo Jason at kung maka Yes ka eh para kang nanalo sa lotto?"nagtatakang tanong ni Greg.
"Wala po Pa, si lola nalang ang tatanungin ko pag-uwi ng bahay.Hehe"pangiti-ngiting wika nito habang lumalabas sila ng Resort.
BINABASA MO ANG
River Rain
Teen Fiction"Love is our true destiny. We do not find the meaning of it by ourselves alone - we find it with another." ― Thomas Merton. A story that will make you believe that destiny really exist.