"Yes,may ka-date na ako bukas."Masayang wika ni Jason habang nasa sasakyan pauwi ng bahay nila.
"Mukhang mag eenjoy ka talaga bukas Sir Jason ah."wika ni Mang Berting kay Jason.
"Sigurado yan Mang Berting napa oo niya kasi ang f.o ng Resort."sabat naman ni Greg sa nagmamanehong si Mang Berting.
"Oo naman po.Mag eenjoy talaga.Paki bilisan lang po Mang Berting, excited na akong maikwento kay lola na nakita ko na ang aking magiging true love."nakangiting wika
nito.
"Opo Sir Jason loverboy.Hahaha."sagot nito sa kanya.Tawanan nalang ang nagawa ng tatlo habang tinatahak ang daan pauwi ng kanilang bahay.
Halos kalahating oras parin ang lumipas bago nila marating ang bahay nila.Mabilis ang takbo niJason pagkababa palang ng sasakyan patungo sa kwarto ng lola nito excited
sa kanyang dalang balita.
"Lola, tulog na po ba kayo?"mahinang wika ni Jason sa nakasarang pinto ng kwarto ng lola nito.
"Hindi pa apo tuloy ka,hindi ako makatulog sa iniisip ko."sagot ng matanda.
"Wag mo na po yung isipin lola.Mag eenjoy po tayo bukas dahil maganda po ang resort tapos my ipapakilala pa po ako sa inyo.Ang true love ko po natagpuan ko
na.Hehe"pabirong wika ni Jason sa lola niya.
"Talaga lang ha? wala naman sa akin ang lugar na pupuntahan eh basta kasama ko lang kayo ng papa mo ok na sa akin."sagot ng matanda.
"Ito po ang flyer ng resort lola piliin mo ang room at event na gusto mong gawin.Ikaw po ang magdedecide sa lahat ng gagawin natin bukas.Pangako yan lola.Pero may
isasama po ako at ipapakilala wag po sana kayong magagalit."pagpapaliwanag ni Jason.
Hindi umimik ang lola nito na unti-unting pumapatak ang luha sa mata.
"Lola what's wrong? May nasabi po ba akong masama?"nagtatakang tanong ni Jason sa matanda.
"Samahan mo ako sa labas Jason kumuha ka na rin muna ng flashlight."umiiyak na wika nito.
"What?Lola bakit po?Anong oras na po.Ano pong gagawin niyo sa labas."pagtatanong ni Jason.
"Kakasabi mo lang na ako ang magdedecide diba kung ayaw mo akong tulungang bumaba at lumabas di kita pipilitin."wika nito na pinipilit ang sariling maglakad ng walang
saklay.
Hindi paman ito nakakalayo sa kanyang higaan ay natumba na sa sahig ang matanda.
"PA!PA! ANG LOLA!"Tarantang sigaw ni Jason sa papa nito.
Taranta namang umakyat si Greg at Mang Berting at dalidali nitong inalalayan tumayo ang Ina.
"Anong nangyari dito Jason?"pagtatakang tanong ni Greg sa anak.
"Ang lola po nagpupumilit bumaba at lumabas."umiiyak na sagot ni Jason.
"Ma anu ba yan?"hindi pa ba nawawala sa isip niyo ang mga masasamang panaginip na ikenikwento niyo sakin."umiiyak na wika ni Greg sa Ina niya.
"Tulungan mo akong bumaba Greg anak.Please!May gusto lang akong makita sa labas"umiiyak na pakiusap ng matanda sa anak nito.
"Mang Berting kumuha na nga muna po kayo ng flashlight.Jason tulungan mo akong ibaba ang lola mo sa labas."utos ni Greg sa dalawa.
"Saan po ba ang gusto niyong makita Ma?"tanong ni Greg sa ina.
"Dalhin niyo ako sa punong yun malapit sa ilog."wika nito at itinuro ang direksyon.
Iniilawan ni Mang Berting ang daanan habang inaalalayan naman ng mag ama ang matanda patungo sa puno.
Mahigpit parin ang hawak nito sa flyer ng resort habang tinatanggal ang lumot sa isang parte ng puno.Nang matanggal na ang mga lumot na kumakapit sa puno ay bigla
nalang humagulgol ng iyak ang matanda at binitawan nito ang flyer ng resort.
Si Greg maging si Jason ay nagulat sa kanilang nakita dahil ang simbolong nasa puno at ang simbolo ng resort ay iisa.Isang hugis puso at sa loob nito ay ang letrang R
magkadikit.
"Rey!Patawarin mo ako.Kasalanan ko ang lahat ng ito.Kung hindi sana ako sumakay sa bangka na sinasakyan mo noon siguro ay buhay ka pa rin ngayon."hagulgol nito sa tabi
ng puno.
"Lola, buhay pa po ang may-ari ng resort na yan.Ayun sa nakausap kong nagtatrabaho dun."wika ni Jason sa lola niya.
"Ma,pakiusap pasok na po tayo sa loob ng bahay."wika ni Greg sa mama niya.
Bago pa sila magsipasok sa kani-kanilang silid ay ikwenento ni Rona sa anak at apo ang lahat ng nangyari.Na si Greg ang bunga ng pagmamahalan nila ni Rey sa isang gabi
nilang pagsasama.At kaya nang mamatay na si Don Agudo ay hiniwalayan nito ang lalaking sa kanyay ipinagkasundo para ang lahat ng oras nito at pagmamahal ay para lang
sa anak at kay Rey.
At bago nila ipikit ang mga mata ay nagkikipagsiksikan sa kanilang mga isip ang maraming katanungan kung anu ang magiging kinalabasan ng lahat ng pangyayari sa
kanilang buhay.Ang hindi lang maintindihan ni Rona ay kung bakit hindi manlang siya hinanap ni Rey kung ito'y nabubuhay pa ngang talaga.Ang isip naman ni Greg ay
nagkaroon ng kasagutan dahil hindi pala siya totoong anak ng pinakasalan ng kanyang ina dahil naramdaman nitong iba ang trato nito sa kanya at ngayon ay alam niya na
ang sagot sa kanyang katanungan.
BINABASA MO ANG
River Rain
Teen Fiction"Love is our true destiny. We do not find the meaning of it by ourselves alone - we find it with another." ― Thomas Merton. A story that will make you believe that destiny really exist.