Maagang naglista si Rona ng mga bibigyan ng imbitasyon para sa kanyang ika dalawampo't isang kaarawan at ang una sa kanyang listahan ay ang kanyang naging malapit na
kaibigan na si Rey.Si Rey na nagkakaroon na ng malaking parte sa kanyang buhay dahil sa tuwing wala ang papa nito ay silang dalawa ang palaging magkasama ngunit
naging lihim lang ang kanilang pagkikita at ang yaya niya lang ang tanging nakakaalam.
"Pa, sa kaarawan ko po pwede ko po bang imbetahan lahat ng kaklase ko sa Maynila?"tanong ni Rona sa Papa niya na busy sa pakikipag usap sa kasosyo na nasa kabilang
linya ng telepono.
"Walang problema anak.Birthday mo yun kaya ikaw na ang bahala."sagot nito sa anak.
"Kung ganoon po pwede pati yung pamilya ng nagligtas sa akin pwede ko din imbetahin?"dagdag pa nito.
"Pwera lang yung mga hampas lupang yun anak."maikling sagot nito.
"Bakit naman Pa?"nagtatakang tanong nito sa ama.
Ngunit hindi na siya sinagot pa nito.Ayaw man ng kanyang amang papuntahin ang pamilya ni Rey ay pinadalhan niya parin to ng imbitasyon.
ARAW NG KAARAWAN NI RONA.
Napuno ng mga bisita ang malawak na bakuran ni Don Agudo dahil sa kaarawan ng kaisa-isa nitong anak.Bago pa magsimula ang programa at salo-salo ay hinanap ng mata ni
Rona ang pamilya ni Rey.Dahil isa ito sa inaasahan niyang panauhin na magbibigay ngiti sa kanyang kaarawan.At hindi naman siya binigo ng binata.Nakita ni Rona si Rey
sa di kalayuan sa simple at pormal na kasuotan nito at naging sentro ito ng kanyang paningin tinalbugan pa ni Rey ang mga gwapong taga Maynila at anak ng kasosyo ng
kanyang Papa.Kaya nabaling ang lahat ng atensyon sa kanilang dalawa.Inalalayan ni Rona si Rey at ang kanyang pamilya patungo sa pinareserve nitong table..Bulong-
bulongan sila ng lahat ng panauhin na nandoon at yun ang umalarma at nagpainis kay Don Agudo.
"Maraming salamat sa pagdalo ninyong lahat mga kaibigan sa kaarawan ng aking kaisa-isang anak na si Rona."wika ni Don Agudo sa lahat.
"Anak halika muna dito sa stage."tawag ni Don Agudo kay Rona.
"Sandali lang po, Rey.Tawag muna ako ng Papa ko.Babalik ako dito mamaya.Wag kayong mahiya ha?"pagpapaalam ni Rona sa pamilya ni Rey at kay Rey.
Ngiti nalang ang iginanti ni Rey at ng kanyang pamilya kay Rona.
"Bakit mo inimbita yung mga hampas lupang yun Rona?At para bang may nakikita akong hindi magandang patutunguhan diyan sa ginawa mo?"tanong ni Don Agudo sa kanya.
"Pa,malapit ko po siyang kaibigan."sagot nito sa papa niya habang umaakyat ng stage.
"Kelan pa ha?"inis na wika ni Don Agudo.
"Mula ng maramdaman kung nag-iisa lang ako."sagot nito at tuluyan ng nakaakyat sa stage at kinuha ang microphone.
"Maraming salamat po sa lahat ng dumalo sa aking kaarawan at sana po maging pantay2x ang trato natin sa lahat ng bagay.Yun lamang po.Enjoy your meals thank you very
much."pagpapasalamat ni Rona sa lahat ng kanyang bisita.
"Rona mag-uusap tayo tungkol sa sinasabi mong malapit na kaibigan."halatang galit na wika ni Don Agudo.
"Pa, hayaan mo na akong magdecide sa sarili ko.Malaki na ako.Hanggang kelan mo ba ako gustong maging sunod-sunoran sayo ha?"
wika ni Rona sa ama.
BINABASA MO ANG
River Rain
Fiksi Remaja"Love is our true destiny. We do not find the meaning of it by ourselves alone - we find it with another." ― Thomas Merton. A story that will make you believe that destiny really exist.