"Dad?this is it? this is really it?? anu ba namang klaseng lugar to?"pagrereklamo ni Jason sa Daddy niya ng ipinasok nito ang sasakyan sa malawak na bakuran ng isang
malaking lumang bahay.
"Tama na nga ang pagrereklamo mo Jason.Hayaan mo namang ang lola mo ang magdecide kung saan tayo magbabakasyon.Ikaw ang nagdecide last year diba? Ngayon ang lola mo
naman ang pagbigyan mo."sagot nito sa anak.
"Lola why here?How can I find my true love in this lonely and boring place? Sa states, school and home nalang ako palagi pati ba naman dito sa Philippines?Bakasyon sa
isang old house?"pagrereklamo ni Jason sa Lola nito na nakangiting tinitignan ang malaking puno sa gilid ng malawak na ilog.
"Jason diba ilang ulit ko nang sinabi sayo kanina na paano ka magkakatrue love eh 20 ka palang? Tsaka wag mo ngang matanong ang lola mo sa mga ganyang bagay dahil
hindi uso ang true love sa kanilang panahon."sabat ni Greg sa pagrereklamo ng anak sa Ina nito.
"Whatever Dad sana hindi nalang ako pumayag umuwi at doon nalang ako sa States kasama si Mommy."inis na sagot nito sa ama at mabilis na lumabas ng sasakyan at tumakbo
malapit sa ilog.
"Jason come back here!Yan ba ang pag-uugaling natutunan mo sa pamamalagi mo kasama ang Mommy mo ha?!."sigaw ni Greg sa anak.
"Pabayaan mo muna siya Greg alam mo namang hindi niya matanggap ang paghihiwalay niyo ng kanyang Mommy.Hayaan mo at ako na ang kakausap sa kanya."wika ng matanda kay
Greg.
"Hindi kasi kami para sa isat-isa Ma,kaya hindi nagtagal ang relasyon namin."malungkot na sagot ni Greg.
"Boss Greg,Mam, maligayang pagdating po!"masayang pagbati ng katiwala nila sa bahay.
"Mabuti nalang Mang Berting at nandito na kayo.Tulungan niyo po akong ibaba at ipasok ang mga gamit namin."wika ni Greg sabay bukas sa likuran ng van para makuha ni
Mang Berting ang mga gamit nito.
"Ma!ano po yang ginagawa niyo? Mabibinat kayo niyan eh kakagaling niyo lang sa operasyon."tawag ni Greg sa Ina ng nakita itong mahinang naglalakad ng nakasaklay
patungo sa kinaroroonan ni Jason.
Ngumiti lang ito sa anak at tumabi sa kinaroroonan ng apo.
"Huhuhu!Why?Why is this world so unfair!"iyak ni Jason habang nakaupo sa tabi ng ilog.
"Yes my grandson, its really unfair but don't lose hope.Dadating yung True Love na hinahanap mo sa tamang oras."wika ng lola niya na dahan-dahang tumabi sa kanya.
"What?What do you know about true love Lola?.Ikaw at ang lolo ay ipinagkasundo ng mga magulang niyo at tapos ilang taon lang ang lumipas nagkahiwalay na kayo then ito
namang si Daddy at Mommy maghihiwalay din?Ano po ba tong lahi natin?Mga walang True Love?"inis na sagot ni Jason sa lola nito.
"Ano ba ang alam mo sa true love apo ko?"tanong ng lola nito sa kanya.
"I've heared that True love is a wonderful feeling that can last a lifetime Lola pero bakit po ano po yung nangyayari sa atin?Akala ko ang pag uwi ko galing States ay
magiging masaya na at kahit pansamantala ay makakalimutan ko ang ating problema pero heto tayo sa isang lugar na boring at napakatahimik."pagpapaliwanag nito habang
patuloy parin ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.
"Tama True Love can last a lifetime dahil naging testigo ang puno at ang ilog na ito sa totoong true love na hinahanap mo.Animnapong taon na ang nakakalipas apo. Ang
lugar na to ay naging isang malaking palaruan ng kaisa-isang anak ng Don sa lugar na ito. Wala siyang naging kaibigan simula ng mamatay ang Mama niya dahil bantay
sarado siya ng kanyang amang maliit ang tingin sa lahat ng kanyang mga tauhan at ibang taong hindi makapantay sa kanyang ari-arian."pagsasalaysay ng lola nito.
"Mas nakakalungkot pa pala ang naging buhay ng babaeng yun lola."wika ni Jason habang patuloy sa pakikinig sa kwento ng lola niya.
"Mas malungkot pa talaga apo, dahil ang buhay na pinangarap niya ay di natupad tapos nawala pa sa kanya ang True Love na hinahanap mo."sagot ng lola nito.
"How come po na nawala ang true love niya?"nagtatakang tanong ni Jason sa lola niya.
"Dahil sa destiny apo, kahit kasi mahal na mahal niyo pa ang bawat isa kung hindi kayo ang tinadhana.Kahit ang True Love na hinahanap mo ay walang
magagawa,"pagpapaliwanag ng lola nito.
"Di ko po magets lola ang ibig niyong sabihin.Paano po sinira ng destiny ang bond ng True Love?"nagtatakang tanong ni Jayson.
"Ikekwento ko sayo apo habang ine-enjoy natin ang view,"sagot nito kay Jayson na napawi ng panandaalian ang kalungkutan.
BINABASA MO ANG
River Rain
Novela Juvenil"Love is our true destiny. We do not find the meaning of it by ourselves alone - we find it with another." ― Thomas Merton. A story that will make you believe that destiny really exist.