CHAPTER 9 "The Promise."

17 2 0
                                    

Maagang nagsigising ang lahat upang makapaghanda sa pag alis patungong resort.

"Well I hope we enjoy this trip."pagbasak ni Jason sa katahimikan habang sa loob ng sasakyan patungo sa resort.

"We will Jason don't worry!diba Ma?"baling ni Greg sa ina.

Ngiti lang ang naging sukli nito sa dalawa.

Dumating sila sa resort eksaktong ala siete,.Sa labas ng main gate ay naghihintay si Jade.

"Lola,ayun po yung magiging true love ko."sabay turo sa isang magandang babae na kumakaway sa kanila.

"If sure kana diyan Jason.Wag mo nang pakawalan ha?Hayaan mo lang magalit ang papa mo bastat ang importante masaya ka."paalala nito sa apo.

"Ma naman, hindi naman ako mahigpit sa kanya basta maglagay lang siya ng limit sa mga ginagawa niya."sabat ni Greg sa pag-uusap ng maglola.

"Magandang araw po sa inyo." pagbati ni Jade sa lahat sabay mano sa lola ni Jason.

"Lola siya nga po pala si Jade ang magiging kadate ko."nakangiting wika ni Jason.

"Ang gandang bata naman nito.At marunong pang gumalang sa matatanda."wika ni Rona.

"Kahit may edad na po kayo Mam Rona ang ganda niyo parin."nakangiting wika ni Jade sa matanda.

Nagulat sila sa naging sinabi ni Jade.

"Paano mong nakilala ang lola ko?"nagtatakang tanong ni Jason.

"Uhmmm.Ganito po kasi yun.Yung boss ko po pinahanap lahat ng impormasyon ng mga taong nakatira sa malaking mansion at yun nahanap ko po yung facebook account ni Jason

na may picture ng mama at papa niya at lolo at lola niya.Dinownload ko po ang picture mo Mam Rona at kinumperma po ni Boss Rey na kayo nga po ang pinapahanap niya.Kaya

may ipinagawa siyang kwarto na walang makakapasok doon kung hindi mo pa nakikita."pagsasalaysay ni Jade.

Tumutulo ang luha ni Rona habang isinasalaysay ni Jade ang mga detalye kung papaano niyang nakikilala ang pamilya ni Jason.

"Siya nga po yung palaging nag aadvice sa akin na hintayin ko yung destiny ko.Kaya ito po andito na si Jason."nakangiting dagdag pa nito.

"Wow, I'm speechless lola? See the true love that I've been looking for is andito lang pala sa resort ng lolo ko.?"masayang wika ni Jason.

"Lolo?How come naging lolo mo si Boss Rey?"tanong ni Jade kay Jason.

"Nasaan na ba ang papa ngayon?"tanong naman ni Greg kay Jade.

"What?Really??Mam Rona don't tell me nagbunga talaga ang pagmamahalan niyo ni Boss Rey?Naiimagine ko na ang mga ngiti sa kanyang mga mata."masayang wika ni Jade.

"Sundan niyo po ako Mam, Sir."wika ni Jade sa lahat.

"Papa na ang itawag mo sa akin wag Sir."pagsasaway ni Greg kay Jade.

"Destiny mo ang anak ko di ba?At ikaw ang hinahanap niya matagal na so pwede papa na ang itawag mo sakin.?"dagdag pa ni Greg.

Napayakap naman si Jade kay Jason.

"I really love this family."nakangiting wika nito.

Bago pa magsalita ulit si Jade ay pinangunahan na ito ni Rona.

"Lola na ang itawag mo sa akin ha?Ayoko ng Mam.Ito na ba ang kwartong sinasabi mo?"tanong ni Rona kay Jade.

"Opo lola."makangiting wika ni Jade habang yakap yakap si Jason.

Binuksan ni Rona ang kwarto at nakita niya rito ang bangkang winasak ng papa niya na pilit idinikit ang bawat piraso para maging buo.At ang mga painting sa bawat

sulok ng pader ay larawan mula noong una siyang makita ni Rey na naliligo sa ilog hanggang sa makita nitong nagkapamilya na siya.Bumuhos ang luha ng matanda sa kanyang

mata habang tinitignan ang lahat ng kanilang alaala ng lalaking kanyang pinakamamahal.

"Nasaan siya Jade?"umiiyak na tanong ni Rona.

"Hindi nga po siya makapaniwala kagabi ng sabihin ko sa kanya na ang apo mo po ay nandito at nginitian pa ako at inaya ako ng date.Pero ng makita niya sa cctv ang

mukha ni Sir Greg at Jason doon po kinancel niya lahat ng reservation sa River Rain Resort para po sa inyo."pagsasalaysay ni Jade,.

"Jade hindi mo sinasagot ang tanong ko kung nasaan siya.?"tanong nito na lumuluha.

"Yan po ang ipinagbawal niya lola.Alam mo naman po daw kung saan siya mahahanap.Sorry po."pagpapaliwanag ni Jade.

"It's ok Jade alam ko na kung nasaan siya.Maraming salamat sayo.Wag mong pababayaan ang apo ko ha?Greg?Wag mong pabayaan yan?Ayusin mo ang pamilya mo."paalala ni Rona

sa anak at apo.

Tinungo nito ang pampang at nakita niya sa di kalayuang ang lalaking matagal nang nagmamay-ari ng kanyang puso.

Hindi siya makapaniwla sa nakikita na para bang bumalik sila sa kanilang kabataan upang ipagpatuloy ang naudlot nilang pag-iibigan.

"Halika Mam Rona!"nakangiti sa kanya si Rey habang iniaabot nito ang isang kamay na kulubot na dahil sa katandaan.

"Yan lang ba ang masasabi mo sa higit animnapung taon mong pagtatago dito?"wika ni Rona habang dahan-dahang umupo sa loob ng bangka.

"Ako pa talaga ang nagtago Rona?O ikaw ang hindi bumalik?Pero hayaan mo na yun ang importante kasama na kita ulit."sagot ni Rey kay Rona.

"Rey ang dalawang putok ng baril na narinig ko dati.Akala ko talaga tinuluyan kana ni papa."mahinang wika nito.

"Binuhay niya ako at pinagbantaan na kapag inulit ko pa ang pakikipagkita sayo pati ang pamilya ko ay idadamay niya.Kaya yun hanggang tingin nalang ang nagawa ko

hanggang makapag asawa kana at nagka anak sa iba."wika nito kay Rona.

"Hindi ako nagkaanak sa iba.At ang anak ko ay anak nating dalawa.Bunga yun ng gabing magkasama tayo."pagpapaliwanag nito.

"Talaga Rona?Hindi ako makapaniwala.Babawi ako sa inyo ng anak ko.So si Jason pala na destiny ni Jade ay apo ko rin."masayang wika niRey.

Napangiti nalang si Rona sa kanyang naging reaksyon.

"Ang saya ko ngayon Rey.Salamat at hindi ka bumitaw sa pagmamahal mo sakin."wika ni Rona habang tumutulo ang luha sa mata.

"Di ba sinabi ko sayo Rona na kahit kailan, hindi kita iiwan o ipagpapalit sa iba."sagot ni Rey at niyakap si Rona ng mahigpit.

"Kung sakaling bumalik tayo sa nakaraan at nakita mo akong nalunod ulit dito sasagipin mo pa rin ba ako kahit alam mo na ganito ang mangyayari?"seryosong tanong ni

Rona kay Rey.

"Kung mangyayari nga ulit iyon ililigtas pa rin kita dahil simula ng makita kita dito sa ilog doon lamang nagkaroon ng saysay ang buhay ko."ngiti nito kay Rona.

Sa mga oras na iyon batid na ni Rona na kahit anong mangyari kapag nakita mo na ang true love mo gagawa at gagawa ng paraan si destiny para magkasama kayo kahit ilang

taon man ang lumipas.Sa mga sandaling iyon walang ginawa si Rey at si Rona kundi alalahanin ang kanilang kahapon at hawak kamay na pinagmasdan ang kagandahan ng ilog

kung saan nila nakilala ang isat isa.

THE END.

River RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon